True story 18: Masamang espiritu

8 1 0
                                    

"Masamang Espiritu"

Kamakailan lamang ay aking naranasan ang isang nakapangingilabot na naganap sa loob mismo ng aking bahay. Rest day ko ng araw na iyon kung kaya nag pasya akong maglinis ng bahay pati bakuran ay nilinis ko rin, pagkatapos ay naglaba ako ng aking mga damit. Sa sobrang kapaguran ay humiga ako  upang mag pahinga subalit di ko namalayan na ako'y nakatulog na pala. Natatandaan kong mayroong kung anong mabigat na bagay o di mawaring elemento na di ko nakikita ang biglang umakyat saaking kama. Ramdam na ramdam ko na matapos syang makaakyat ay nilakdangan nya ako atsaka tumalon sa gilid ng aking kama. Di ko pinansin marahil na rin sa sobrang pagod at kaantukan. Maya maya pa ay muli akong nakatulog at naramdaman ko na lang na may humawak saaking mga paa. Ako'y gulat na gulat sa sumunod na nangyari ng hinihila na nya ako pababa saaking kama. Subalit lumaban ako! pilit kong tinatanggal ang aking paa sa kanyang pagkakapit! Nakita kong naka taas ang dalawa kong paa na hawak ng di ko nakikitang nilalang. Naramdaman ko rin na parang may pilit na nag pipikit ng aking mga mata na parang ang nais nya ay panaginip lamang ang mga nangyayari. Subalit pinilit kong gising ang aking diwa at pilit kong minumulat ang aking mga mata upang makita ang mga nangyayari saakin, Puno ako ng takot ng mga oras na iyon, kung kaya ako ay nagdasal at paulit ulit kong sinasambit ang pangalan ni Hesus! Subalit parang may kung anong bagay ang tumatakip saaking bibig na di ko ito halos maibuka. Hanggang sa nabulalas ko sa malakas na tinig ang pangalan ni Hesus! At bigla na lang bumagsak ang aking mga paa sa kama. Naramdaman ko na kasabay ng pag bagsak noon ay pagkawala rin ng pagkakahawak sa aking mga paa. Abot abot ang aking pasasalamat sa Dios sa pag sagip saakin sa di nakikitang nilalang. Pakiramdam ko ay nakipag sapalaran ako sa isang gyera. Pagod at hingal ang inabot ko. Sa aking palagay umabot ng 10 minuto ang paghila saakin ng masamang espiritu. Wala man akong kasama ng mga oras na iyon. Ngunit ang Dios ay laging nariyan lalo na sa oras ng pangangailangan.

©

Katatakutan Stories Book SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon