True story 69 : Manliligaw

6 0 0
                                    

MANLILIGAW
Wala bang nagkakagusto sayo? Wag kang mag alala may mga laman lupa pa dyan. Yung pamangkin ko anak ng pinsan ko na dalaga natipohan ng isang Engkanto yun ang sabi ng magtatawas sa kanya.Type na type pa nga daw sya nito kaya palaging dumadalaw ito sa kanya.Sabi nya samin madalas daw na pakiramdam nila may kasama sila bahay at nakatingin lalo na sa may part ng CR nila malapit sa backdoor nila. Kakalipat lang nila sa bahay na yun at makalipas lamang ng isang linggo ay napilitan silang tumira muna samin ng sandali habang wala pa silang nakikitang bagong malilipatan dahil sa pangyayaring yun. Tuwing hating gabi daw kasi palaging may kumakatok sa likod ng bahay nila pero wala naman silang nakikitang tao, sabi ng dating tumira dun baka daw nanghihingi lang ng malunggay sa kanila. Usap usapan din dun sa tapat ng bahay nila na may tindahan may tao nga daw dun na parang may nakadungaw sa bintana narinig kong kwento dun bumibili rin sa kanya. Kaya pag dumadaan ako dali dali akong naglalakad at di na tumitingin. Walang ibang halos na nakakatagal dun sabi ng huling lalaking nangupahan sa bahay na yun. Pagbalik ng Pinsan namin galing pa sa Quezon nagkwento sya tungkol sa nakita ng anak nya. Pagpasok pa lang daw nya sa bahay na yun iba na ang awra nya. Pakiramdam nya may kasama nga silang iba dun. PAMILYA pa ang nakatira dun at iba pa, hindi daw nya agad sinabi at baka matakot pa daw mga anak nya. Kaya simula nun natagalan na nabangkatihan dahil walang nakakatagal dun. Sabi ng Tiyahin ko na nakatira kasama sa subdivision namin bago daw tinayuan ng mga bahay dun ginawa daw yung tambakan ng mga pinapatay na tao noong unang panahon.
Ps. Kaya yung mga walang jowa dyan di pa huli ang lahat. Charot

Katatakutan Stories Book SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon