True story 87 : Ang lalaki sa talon

3 0 0
                                    

️Ang Lalaki sa Talon
Bumisita kami sa kapatid naming taga Sampaloc, ito kasi yung araw na umuwi sya galing ibang bansa. Bihira lang kaming magkita dahil parehas kaming overseas kaya ni lubos lubos na namin ang pagbo-bonding, nagkaroon kami ng konting kasiyahan, inuman at pagkatapos ay umuwi na rin kami. Kahit nagbabanta ang masamang panahon ay patuloy pa rin kaming bumababyahe ng asawa ko at ng mga anak ko dahil may dala naman kaming kapote. May napansin akong lalaki na nakatingin sakin paglagpas namin ng 'Falls' hindi ko na lang pinansin ito nagpatuloy na lang sa pagmamaneho. Hindi ko na rin agad sinabi sa asawa ko dahil baka matakot pa. Sa tingin ko kasi multo ito dahil malinaw na tinamaan ng ilaw ng motor ko ang lalaki. Pagkauwi namin sa aming bahay, pasimple kong tinanong sa asawa ko ang nakita ko. "Love, nakita mo ba yung lalaki sa Falls?" Laking gulat ko dahil parehas pala namin nakita ang lalaki. Kaya pala hindi sya nagsasalita habang nasa kalagitnaan kami ng byahe dahil nakita nya rin ang nakita ko.Makalipas ang panahom nabalitaan kong may itapon pa lang bangkay na lalaki sa lugar na iyon kaya siguro nagpapakita siya sa kung sino man ang dumaraan rito.

Katatakutan Stories Book SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon