"Doppleganger"
Ano nga ba "DOPPLEGANGER" ? Isang Elemento na kayang gumaya ng itsura at kilos ng isang tao. Minsan hindi mo ito mapapansin agad. Sabi ng Nanay ko kapag maglalakad kami sa bundok kailangan daw kausapin ng kausapin mo yung kasama mo kasi baka na hindi na pala yun yung totoo kasama mo kundi ang tinatawag na Doppleganger.
Yung teacher namin dati noong Senior High medyo close din namin kaya noong nag request kami kung pwedeng magkwentuhan na lang muna tungkol sa katatakutan dahil isang oras na lang naman pauwi na kami ay pumayag naman si maam. Maraming nagkwento samin na mga kaklase tungkol sa mga karanasan nila at pati si maam nakikikwento na rin. Ang pinaka nakakatakot na narinig ko sa mga kwentuhan namin ay ang Doppleganger na gumaya raw sa kapatid nya.
Bata pa daw sya nun at may kapatid syang babae na mas nakakatanda sa kanya ng limang taon. Hinahanap daw ito dahil siguro maglalaro sila. Pumunta sya muna sa Sala kung andun ate nya, pumunta rin syang kwarto pero wala. Naisip nya baka nasa kusina dahil di pa nya yun napupuntahan. Hindi nga sya nagkamali dahil nakita nya ang kapatid nyang tumitigis ng Tubig may hawak pa itong Pitsel kaya tinawag nya ito. "Ate kanina pa kita hinahanap--" Ngunit bago pa nya matapos ang sinasabi nya ay lumingon ito na parang nababali ang leeg sabay ngiti pa ito ng napapangilabot sa kanya. Dahil sa takot tumakbo sya sa kanilang Balkonahe at umiiyak saka lang nya napagtanto na hindi pala ang ate nya ang nakita nang biglang lumapit ito sa kanya at nagtanong "Princess, bakit ka umiiyak nasa labas kami."
Dahil sa kwentong yun napasigaw na lang ako bigla dahil may bwesit na kaibigan ko na bigla akong pinalo ng malakas dahil natatakot daw sya. Nag sigawan tuloy yung iba kong kaklase dahil narinig nilang may sumigaw na. Ayun paunahang umuwi na kami pagkatapos.
BINABASA MO ANG
Katatakutan Stories Book Series
HorrorAng mga kwentong nakapaloob dito ay mula sa totoong karanasan ng bawat indibidwal na binahagi lamang ng mga aming masusugid na mambabasa sa aming Facebook Page. Hinihiling ko lamang ang malawak na pang unawa at respeto sa paniniwala ng bawat isa. H...