True story 44 : UP-Part 4

3 0 0
                                    

"UP Sunken Garden (part 4)"
Ako si Makmak, tiga dagohoy ako. Madalas ako magpataya ng ending, mag bangka sa sugal, kahit anong pagkakakitaan ginagawa ko. Nakakarinig na ako ng mga kwento tungkol sa mga katatakutan sa mga kapit bahay, kaibigan o kung sino pa man sa lugar namin. Hindi ako naniniwala kasi di pa ako nakakakita, wala rin akong balak makita sila dahil matatakutin ako.. Maraming naikukwento yung lola ko tungkol sa UP, nai-imagine ko pa lang, kinikilabutan ako pero dahil matagal na kami nakatira dito, lakasan lang ng loob.
5 years ago, october yun, di ko na matandaan kung anong araw pero may sabong malapit sa lugar namin nuon. Nagpasama ako sa pinsan ko dahil may tricycle siya at mahilig din sa sugal yun. Alasdos kami ng hapon umalis, nakarating kami sa sabungan ng mag aalas-tres at ang dami ng tao kaya nagsamantala na akong magpataya para malaki kitain ko tutal tropa ko naman yung isa sa may ari nung lugar ay mas nakarami ako. Natapos ang sabong at marami akong nahakot na kadatungan kaya niyaya ko yung pinsan ko na kumain sa mang inasal, at pumunta sa tropa namin. Napasarap ang kwentuhan at di namin namalayan na mag aala-una na pala ng madaling araw, napansin lang namin ang oras ng tumawag ang asawa ng pinsan ko. "Pre, tara larga na tayo, hinahanap na ako ni misis." Sabi ni pinsan. Tumango ako at nagpaalam na kami sa mga tropa namin na tiga Philcoa. Umalis na kami at dumaan sa shortcut kung saan madadaanan yung sunken garden. Napakadilim sa loob ng UP at mas nakadagdag takot yung mga naglalakihan puno na akala mo'y gumagalaw. Ramdam ko rin na parang may nagmamasid samin, kitang-kita ko yung buong paligid dahil back ride ako ng pinsan ko. Tuloy lang kami sa byahe sabay ng paguusap para malibang kaming dalawa. Malapit na kami sa sunken garden ng maramdaman namin ang napakalamig na hangin na animoy nasa lugar kang nagyeyelo, tumatagos sa buto yung lamig na hindi mo maintindihan. "P*ta! Ang lamig!", napamura kong sabi. "Onga pre, bilisan ko na para makauwi na tayo." Sabat ng pinsan ko. Binilisan niya ang pagmamaneho pero para pakiramdam ko ang bagal pa rin ng takbo namin. Maya maya lang ay siniko ako ng pinsan ko at sabay sabi sakin na tignan ko daw yung nasa harap. Tinignan ko ito ng maigi dahil malayo at medyo madilim. Habang papalapit kami ay malinaw kong nakita ang isang lalaki na pinapara kami, punit ang damit, madumi at may mga sugat. Agad naming nilapitan ang lalaki at tinanong kung ano nangyari, ang sabi nito ay may humahabol daw sakanyang dalawang sundalo at papatayin siya pag nahuli siya, humihingi ito ng tulong para itakas siya habang umiiyak at di makapag salita ng tuloy tuloy. Namumutla ito sa takot, pawis na pawis, at daming pasa sa mukha. Tinanong namin siya kung nasaan yung mga humahabol sakanya sa saan siya galing, tinuro niya yung lugar na mapuno, tumingin kami pero wala naman kami matanaw. Sa awa namin ng pinsan ko ay sinabihan namin siyang sumakay na para makaalis na at maitakas siya. Sasakay palang sana yung lalaki ng marinig naming may sumigaw na lalaki, di ko maintindihan sinabi niya at nilingon na lang namin yung direksyon kung saan nanggaling yung boses. Nakita naming ang dalawang lalaki sa di kalayuang lugar na maraming puno kung saan tinuro nung lalaki yung mga humahabol sakanya. Hinawakan ako nung lalaki at nagmamakaawang umalis na kami dahil papatayin daw siya ng mga humahabol sakanya. Napakalamig ng kamay nung lalaki at ramdam mo ang takot niya, kinalabit ko yung pinsan ko para paandarin na yung tricycle. Paalis na sana kami ng sumigaw yung isang lalaking humahabol at sinabing pag di kami umalis at nakielam ay papatayin din nila kami. Malapit na yung mga lalaki at may mga hawak silang mahahabang baril. Tinitigan ko sila at napansin kong yung suot nila damit ay makaluma, (kung napanuod muna yung General Luna, yung mga damit ng sundalo duon, parang ganun yung damit nila) tinignan ko rin yung lalaking nanghihingi ng tulong at napaisip ako lalo dahil makaluma din yung damit nila. Napa isip tuloy ako na baka pinag ttripan lang kami ng mga lalaking ito. "Ano ho bang problema? Tanong ng mga pinsan ko sa mga naka uniporme na lalaki." Nakatakas ang bihag na ito. " sabi nung isang lalaki." Umalis na kayo at huwag mangielam, hindi niyo alam kung ano nangyari at mangyayari kung ipagpapatuloy niyo yung ginagawa niyo. Wala kayong kinalaman dito kaya kung gusto niyo pa mabuhay ay umalis na kayo. " dagdag pa nung isang lalaki. Sinabihan ko ito ng hindi na kami makikielam at aalis basta siguraduhin lang nila na wala silang gagawin sa lalaki, sinabi ko din na kung ano man ang ginawang kasalanan nung lalaki ay huwag nilang parusahan at ikulong na lang nila. Hindi sumagot ang mga ito at hinila lang nila yung lalaki, nagpupumiglas ito habang umiiyak at nakatingin samin. Nakonsensya ako pero ayaw namin makielam at baka kung ano pa mangyari kaya umalis na kami. Habang papalayo kami ay tinititigan ko pa rin sila. Maliit na lang sila sa panangin ko pero tanaw ko pa sila, Nagulat na lang ako ng biglang barilin ng isa sa mga sundalo yung lalaki, napahinto yung pinsan ko sa pagmamaneho at tinignan kung ano nangyari. Kitang kita namin pareho yung lalaki na nakahandusay sa kalsada at hinihila ng dalawang lalaking sundalo sa direksyon kung saan sila galing, at mas kinilabutan pa kami ng unti unti silang nagiging transparent at nawala ng parang bula. Hindi kami agad nakapag salita at nagtataka pa kami sa nangyari. Pinaandar nung pinsan ko yung tricycle at bumalik kami sa pwesto kung saan binaril yung lalaki pero laking pagtataka namin na walang bakas ng kahit kaunting dugo sa kalsada. Sa sobrang takot namin at humarurot ng pagpapatakbo ang pinsan ko. Ang bilis ng takbo namin pero pakiramdam ko di kami umuusad. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko at para na akong maiihi ng makita ko yung lalaki na tumatakbo papalapit samin, duguan, basag yung mukha at nanghihingi ng tulong. Sa takot ko ay di ko mapigilang maihi sa short ko at maiyak, nagsisigaw ako sa pinsan ko na bilisan at hinahabol kami nung lalaki. Nang makarating kami sa bahay ay agad kaming pumasok sa loob, para akong tanga sa kakaiyak at basang basa yung salawal ko. Tinanong ako ng lalo namin kung ano nangyari pero di ako makapag salita. Isang linggo akong nilagnat, gabi-gabi kong napapaginipan yung senaryo na parang totoo, halos ayoko na matulog dahil di ko maalis sa isip ko yung mga itsura nila. Ilang linggo akong tulala nuon at di lumalabas ng bahay. Awang awa na sakin yung nanay ko kaya nakipag usap ito sa kakilala niyang pari para makausap ako. Pinakwento sakin ni father lahat habang naiiyak ako sa takot. Pinapikit ako at pinagdasal ng taimtim, dinasalan din ako ni father. Ilang buwan bago ako naka recover, sobrang na trauma ako sa nagyari. Simula nuon di na ako nauwi ng gabi, kung gagabihin man ako sa pinuntahan ko ay kinabukasan na ako umuuwi.

Katatakutan Stories Book SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon