SITSIT SA NIYUGAN
Kwento lang ito sa akin ng malapit kong kaibigan na kwento lang din sa kanya ng pinsan nyang si Harold.
"Ayy bes punta na lang ako sa inyo pahingi akong pinya. Akyat akong bundok. Haha. "
"May-may may naninisitsit dun"
"Oy Iya wag mo namang takutin si may may"
Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Iya.
"Bakit ano yun? " tanong ko.
"Hindi kasi bes yung papa ni Ate Jeni dun kasi namatay yun. Eh yung pinsan ko napadaan dun may tumatawag daw sa kanya. Wag kang matatakot ha?"
"HAHA. Oo naman. Wala yun. " pero deep inside ko wag na kaya ako tumuloy?
Ang Lugar kasi talaga ng kaibigan ko ay malayo sa kabayanan na napapalibutan ng mga puno ng na kung minsa'y maamoy mo pa ang kanilang Tubá habang ika'y dumaraan, madalas kasi akong bumisita sa kanila nung mga nakaraan buwan habang bakasyon pa kayat kabisado ko na ang papunta sa kanila. Mga kalahating oras lang siguro ang layo ng bahay nila bago ang kanilang lupang sakahan ngunit mangila-ngilan lang ang bahay na makikita mo roon.
Mag isa lang noon ang pinsan nyang si Harold. Nag aagaw pa ang liwanag at dilim ng kalangitan noon at may pakonting ambon. Habang naglalakad siya sa gitna ng puno ng niyugan nakarinig siya ng isang sitsit na waring sya ang tinatawag .
"psst. "
Lumingon naman siya at hinanap ang tumatawag sa kanya. Ngunit bigo siyang makita kung sino man 'yon.
Mayamaya pa may sumisitsit na naman sa kanya. Hinanap nya ulit ngunit wala talaga. Nagdesisyon na lang syang bagtasin ang daan at wag na lang lumingon pa.
BINABASA MO ANG
Katatakutan Stories Book Series
HorrorAng mga kwentong nakapaloob dito ay mula sa totoong karanasan ng bawat indibidwal na binahagi lamang ng mga aming masusugid na mambabasa sa aming Facebook Page. Hinihiling ko lamang ang malawak na pang unawa at respeto sa paniniwala ng bawat isa. H...