PUTOL NA KATAWAN
Pumunta kami sa Bicol ng mga magulang ko nung bata pa ako. Abala silang lahat sa pag iinom habang ako nakadungaw sa salamin ng bintana ng bahay na hindi nakikita ang loob nito pag nasa labas ka. Dumating ang mga kalaro ko at inakit ako na sumali sa larong 'bamsak'. Isang laro mahahalintulad mo sa taguan. Dahil sila ay may pinagtataguan na at ako na lang hindi pa nakakahanap. Bigla kong naalala na mas magandang magtago sa likod bahay namin dahil maraming mga puno na hindi agad akong mapapansin. Sa likod ng Pine tree may nakita akong kalahati ang katawan. Nakapalda ito at kita ang kanyang mga paa. Ang nakakapangilabot pa kitang kita ko yung lamang loob nya na parang kumukulo pa. Napatakbo ako sa takot at kinuwento ko agad kila tatay. Pagbalik namin sa lugar kung saan ko nakita ang putol ang katawan nawala na lang bigla. Akala tuloy ng mga magulang ko gumagawa lang ako ng kwento at hindi sila naniniwala sakin. Siguro ang putol na katawan na nakita ko ay ang kalahati ng katawan ng mananangal.
BINABASA MO ANG
Katatakutan Stories Book Series
TerrorAng mga kwentong nakapaloob dito ay mula sa totoong karanasan ng bawat indibidwal na binahagi lamang ng mga aming masusugid na mambabasa sa aming Facebook Page. Hinihiling ko lamang ang malawak na pang unawa at respeto sa paniniwala ng bawat isa. H...