"Sindak"
Pauwi na ako Ng bahay alas 8 Gabi Ng tumawag Ang aking tyahin at inimbita nya ako sa kanyang kaarawan, di Naman ako makatanggi dahil sinabihan nya ako na di maaring di ako pupunta at kundi sya ay magtatampo Kung Kaya nagpasya na akong magpunta. Madilim sa daan dahil medyo malayo Ang agwat Ng mga poste Ng ilaw at napakaraming puno Ng saging at nyog sa magkabilang daan at halos walang kabahayan sa parteng iyon. Maayos kong nakarating Ang kanyang bahay. Kaunting Kain at kwento di ko namalayan na 11:30 na pala! Kung kaya nagpaalam na Rin ako. Habang binabaybay ko Ang daan palabas Ng kanilang lugar ay narinig ko na may sumisitsit saakin pero di ko ito pinansin. Maya Maya pa ay napansin Ko na parang mayroong sumusunod saakin sa kanang bahagi Ng daan. Nilingon ko ito at nakita ko Ang Isang babae may suot syang mahabang damit na kulay puti at di Kita Ang kanyang mga paa subalit maaaninag na naka angat sya sa hangin dahil di nakasayad Ang laylayan Ng kanyang damit. Mahaba Ang manggas Ng kanyang suot na parang punit punit, mahaba Rin Ang kanyang buhok at di Makita Ang kanyang mukha. Kita ko Ang lahat Ng iyon sapagkat nakaharap sya saakin habang ako'y sinusundan sa paglalakad at mga isang dipa Lang Ang pagitan naming dalawa. Binilisan ko Ang aking lakad at ganoon Rin Ang kanyang ginawa, tumakbo ako Ng matulin pero Ng sya ay aking lingunin halos hagarin na nya ako at patuloy nya akong sinusundan pero sa pagkakataon na yon ay naka angat na Ang kanyang dalawang kamay na parang gusto nya akong hulihin! Hanggang sa makarating na ako malapit sa barangay nakita ako Ng Isang tanod ng ako'y kanyang tinanong Kung bakit ako humahangos? Pinaupo nya ako sa barangay at pinainum ng tubig at kinuwento ko Ang nangyari saakin sa daan. Nasabi saakin Ng tanod na marami na Ang nakaranas sa daan na iyon Gaya Ng nangyari saakin at sa iba Naman ay sumasakay pa sa kanilang sasakyan Ang white lady, at maging sya ay pinagpakitaan na Rin. Salamat Kay kuya inihatid nya ako sa aking bahay.
BINABASA MO ANG
Katatakutan Stories Book Series
TerrorAng mga kwentong nakapaloob dito ay mula sa totoong karanasan ng bawat indibidwal na binahagi lamang ng mga aming masusugid na mambabasa sa aming Facebook Page. Hinihiling ko lamang ang malawak na pang unawa at respeto sa paniniwala ng bawat isa. H...