True story 75 : Zigzag road

2 0 0
                                    

ZIGZAG ROAD (Atimonan Quezon). Totoo nga bang may Multo?
Mas kilala sa tawag na 'Bitukang Manok' ang Zigzag road sa Atimonan Quezon. Pinagawa ang nasabing daan noong 1969 na pinatayo pa ni Pres. Ferdinand Marcos. Itinuring na pinakadelikado ang Bitukang manok dahil sa makipot nitong kurbada na daan. Marami na rin ang nagtamo ng aksidente at sa kasamaang palad marami sa kanila ay binawian na ng buhay. Sa kabila ng kagandan taglay nito maraming nakakapagsabi na may nababalot daw ito ng kababalaghan sa mga motorista at iba pang publikong sasakyan ang napapagawi doon. Iisa lamang ang kanilang itinuturong dahilan,  Ang  WHITE LADY at BLACK MAN.
Kahit mga taga roon ay naniniwala sa mga kwentong katatakutan. Sabi nila nagpapakita daw ito sa mga motorista na kadalasan ay sumasakay sa iyong likod na para bang nagpapahatid sa kanyang paroroonan. Hindi naman nakakapagtaka dahil sa tagal ng panahon at dahil na rin sa mga dating nakakaaksidente doon inisip na ng mga taong baka nga may ligaw na kaluluwa kang makikita. Nabalita na noon sa ibat-ibang channel ng TV dito sa Pilipinas at bumisita sila mismo sa lugar kung saan daw nagpapakita ang white lady at Black Man saad na mismo ng paranormal expert. Lingid sa kaalaman ng mga driver na napapadaan doon madalas daw na pumpara ito upang sumakay sa anumang sasakyan ang maibigan nya lalo na kung alam nyang bago ka pa lang sa lugar na iyon. Madalas isisi sa tinatawag nilang WHITE LADY ang mga aksidente doon dahil may paniniwala na kung hindi mo daw ito titigilan at papasakayin sa loob ng sasakyan maaari daw ito pa ang dahilan ng pagkamatay mo. Kung malakas naman ang loob mo hayaan mo na lang syang makita mo sa loob ng sasakyan mo habang nakatingin pa sayo at duguan ang kanyang mukha. Sino ba naman ang hindi mangingilabot kapag bigla na lang mamatay ang makina mo sa gitna pa mismo ng madilim at nakakagilabot na kung saan nagpapakita ang white lady.
Naalala ko dati yung kwento ng teacher ko noong High school kami. Nabanggit nya kasi yung tungkol sa Zigzag Road at may experience pala yung dating taga sundo ng asawa nya. Doon kasi nakadistino ang asawa nya atimonan at malamang wala kang ibang dadaan kundi ang Zigzag Road. Kwento daw sa kanya , bago pa lamang nyang babagtasin ang zigzag Road ng mapansin daw nyang may babaeng naka-angkas sa likod ng kanyang motor nakita nya ito sa kanyang side mirror na talagang nakakapanindig balahibo. Pagkarating nya sa maliwanag na parte ng daan para daw itong nawala na lang bigla sa kanyang likod at nakahinga na sya ng maluwag. Paminsan-minsan daw ay nararamdaman pa rin daw nyang sumasakay ito sa kanyang likod.
Para sakin ang White lady siguro ay nagbibigay lamang ng babala sa mga byahero na mag ingat sa pagmamaneho at wag padalos dalos sa daan na kanilang teritoryo. Ang Black Man daw ay masamang pangitain sa kung sino man ang pararamdaman nito dahil may banta daw itong kamatayan na misteryosong dahilan. Madalas din na hindi ito nagpapakuha basta ng mga litrato at kusa na lang itong nawawala katulad ng nangyari sa mga cellphone ng mga kaklase ko at bukod tanging sa bulok kong cellphone ko nagkameron pero di ko na lang ito pinagkalat.
Ingat palagi kung ayaw mong may sumakay na WHITE LADY!

Isa ka rin ba sa mga taong may karanasan din sa Zigzag Road ? Halina at samin ay ibahagi ang inyong kwento.

-The photo is not mine
https://tonite.abante.com.ph/white-lady-umangkas-sa-multicab/

Katatakutan Stories Book SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon