Story 1: GHOST TRUCK
Nakakuha ako ulit ng source ng kwento galing sa classmate ko. Nabanggit ko kasing may page ako about sa mga Horror stories.
"Ayy be.. share ko lang may Horror story din ako."
"Ah sige..haha"
Syempre natuwa naman ako kasi mahilig akong makinig sa ganyang kwento saka ko isinusulat dito.
Tungkol daw ito sa kwento ng Lola nya, Nanay ng Mama ng classmate ko. Malakas daw kasi talaga ang loob ng Lola nya kahit pa nakakaramdam ito ng mga bagay bagay dahil sa kanyang Third eye.
Taga Bohol ang Lola nya at noong unang panahon pa daw iilan pa ang mga kabahayan noon at probinsyang-probinsya pa ang dating ng lugar nila. Ang kalsada lang nila ay tinatabunan lamang ng grava dahil sa maputik ito kapag tag ulan.
Inabot ng gabi pauwi ang Lola nya at nagkataong may napakalaking Truck ang pakasalubong nya sa kabilang way ng kalsada. Uso kasi dati ang mga kwento-kwentong may bumabato tuwing gabi sa daan pero di mo masabing tao ang may kagagawan nun. Kaya imposible raw na may dumaan pa roon na mga sasakyan ng dis oras ng gabi dahil sa takot nila na mabato rin. Pero kakaiba ang nakita ng Lola nya , dahil walang takot nitong binabagtas ang nasabing daan. Naisip na lamang nya na baka Emergency lamang ang napadaang Truck na yun at siguro'y wala na itong choice sa halip na umiba ng rota. Pero ang ikinapanindig balahibo ng lola nya ay ng mapansin nyang walang Driver ang napakalaking truck nang masilip niya ang bintana nito.
Dahil sa pagtataka ay lumihis na lamang sya ng tingin at muling naglakad. Ngunit biglang nakarinig sya ng papalapit na busina at palakas ng palakas ito papunta sa mismong direksyon nya. Walang anu-ano'y nasa harapan na niya ito. Buong akala niya'y mamatay na sya dahil sa madadagasan na siya noon. Ngunit sa halip na syang masaktan , tumagos lamang ito sa kanyang katawan.
BINABASA MO ANG
Katatakutan Stories Book Series
TerrorAng mga kwentong nakapaloob dito ay mula sa totoong karanasan ng bawat indibidwal na binahagi lamang ng mga aming masusugid na mambabasa sa aming Facebook Page. Hinihiling ko lamang ang malawak na pang unawa at respeto sa paniniwala ng bawat isa. H...