Habang nakatayo at tinitingnan ang kapatid ko na papasok nang airport, agad kong naramdaman ang bigat sa dibdib na mag isa na naman ulit sa bahay. Gustohin ko man s'yang manatili pero hindi naman pwede kasi alam kong magiging mabuti ang lagay n'ya kasama ang ina namin na nasa America.
Lumingon s'ya sabay kaway sakin at nakita ko din ang bigat sa dibdib n'ya habang naka ngiti habang ako'y kumakaway sa kanya hanggang sa maglaho na sa paningin ko.
"Sorry," narinig kong sabi ng mabangga ako ng isang tao. "Di ko sinasadya."
I turned around and saw a guy na pinupulot ang nahulog n'yang passport. Pagkatayo n'ya ay ngumiti s'ya sakin. Hindi ko na s'ya pinansin pa at naglakad na palayo dahil sa hinahabol ko na naman ang oras para pumasok sa trabaho.
"Hey wait!" I don't know if ako ba tinatawag n'ya at nahihiya akong lumingon dahil baka hindi ako 'yong tinatawag n'ya, kaya di na ako lumingon pa at dirediretso naglakad.
Agad ako sumakay ng taxi ng makakita ako ng bakante at nasa highway na kami nang mapansin kong wala ang id at phone ko sa bulsa ng bag ko.
"Shit!" Sabi ko bigla at nainis sa sarili.
"May problema ba mam?" Tanung ng taxi driver na sumilip sa rear mirror.
"Wala," nahiya kong sabi at tumahimik na lamang.
Kahit bumalik pa ako sa airport wala na akong mapapala pa dahil hindi ko na makikita iyon doon. Hindi ko naman sa nilalahat pero madalang nalang mga tao ngayon na hindi natutuksong pag interesan ang mga bagay na hindi naman sa kanila.
Mainit ang ulo ko pagkadating ko sa pinagtatrabahoan kong fastfood chain dahil hindi lang id kundi pati na cellphone ko ang nawala. Two valuable things at the same time. Minamalasan yata ako sa araw na ito. Pakiramdam ko nadukotan ako sa airport lalo na't nasa labas ng bulsa ng bag ko lang ito iniloklok.
"Oy Erica. Late ka na naman," sabi ng kasamahan ko sa work na si Frey at natatawa dahil alam nyang mapapagalitan na naman ako ng supervisor namin.
"Hinatid ko pa kasi kapatid ko sa airport," sabi ko sa kanya sabay lagay ng bag ko sa locker at nagsuot agad ng uniform at cap. Nag touch up na rin ako ng lipstick. "Di ka pa rin ba nasasanay sakin?" Pagtataray ko sa kanya.
"Dalian mo dyan," sabi nya. "Dadami na mamaya ang mga customers."
"Oo na. Heto na oh."
Pagkalabas ko, nakasimangot ang supervisor namin at hindi na nagsalita pa. Patakbo agad akong pumuwesto sa cashier area.
I can do better than taking orders ng mga customers kaya lang kahit saan ako mag apply as Secretary e di ako matanggap-tanggap. Ewan ko ba kung anu ang kulang sakin o anung hinahanap nila kaya lagi ako bumabagsak sa mga interviews. Nakakasagot naman ako sa mga tinatanung nila at wala naman malili sa resume ko.
"Alam mo kong di ka lang laging late baka na promote kana. Three years ka na rin dito," sabi ni April matapos kunin ang order ng huling customer sa pila n'ya.
"E ikaw nga laging punctual for two years e hindi man lang nila mataas position mo. Ako pa kaya," natatawa kong sabi sa kanya.
I was hoping for a promotion pero nga dahil sa laging late e parang malabo na yata mangyari. Saka wala rin naman akong balak na dun nalang talaga mamalagi kaya hindi na ako nag e-effort pa.
"E highschool graduate lang e."
"At least nagtapos ka saka tingnan mo ako. May tinapos pero di man lang magamit ang pinag-aralan," nakakahiya e admit na hindi ko man lang magamit ang tinapos kong kurso.
"Bakit naman kasi lagi ka nalang late? Kala mo naman dami mong anak na inaasikaso sa bahay," natatawang sabi ni April.
"Alam mo naman ang kapatid ko. Paaruga masyado. Pero baka di na ulit ako ma late. Lalo na ngayon mag isa nalang ulit ako sa bahay."
Bigla akong nalungkot ng maalala ko na naman na ako nalang pala ang naiwan sa bahay. Gusto ko maiyak pero pinigilan ko ang sarili ko kasi ayokong makita nila na ganun pala ako ka weak.
After nang shift ko, napatawag ako sa office. Expected na. One week in a row na rin kasi akong late. Malamang sa malamang suspended na naman ako nito for three days.
"Siguro naman alam mo kong bakit nandito ka?" Tanung ni Supervisor Jean.
"Three days?" Pabalik kong tanung at pabuntong hiningang umupo.
"Sayang. Favorite pa naman kita pero wala e, kailangan para fair sa iba."
"Naiintindihan ko naman," napangiti ako at nagtanggal ng cap. "Walang kai-kaibigan pagdating sa trabaho."
"Bakit di mo nalang tanggapin yong offer sakin? Baka dun mas magiging masaya ka. Baka nandun swerte mo," sabay kaming nagtrabaho sa fast food chain at s'ya ang naging ka close ko up until now kaya napaka concern n'ya sakin.
"Cashier na naman ba?" Tanung ko na parang nasusuka na.
"Secretary," sagot n'ya at napangiti dahil alam n'yang iyon ang gustong gusto ko para magamit ko naman pinag aralan ko.
"Di nga?" Nakangiti na rin ako sa wakas at na excite bigla.
"Pinsan ni Papa ko 'yong Supervisor dun at hindi ito fastfood chain. Hardware. Malaking hardware."
"Ace? Home Builders? Belmont? Ano?" Halatang tuwang tuwa ako dahil sa hindi ko mapigilan itanung alin tindahan.
"Relax," sabi ni Jean at natatawa na rin sakin. "Uranus. Narinig mo na ba yon? Hindi sila kasing sikat nung mga binanggit mo but at least they are growing at malay mo maging kasing laki ito ng mga nasa toplist na hardwares."
Napakagat labi ako. I worry na baka tulad nung mga pinag apply-yan ko e bumagsak na naman ako.
"Ano? Gusto mo?" Tanung ni Jean. Naramdaman siguro n'ya na nagdadalawang isip ako.
"Oo naman. Gustong-gusto. Kaya lang-"
"Ay!" Pinutol n'ya ang dapat kong sasabihin. "Isang tawag ko lang tanggap ka na. Pero kailangan mo pa rin magdala ng resume mo."
"Talaga?!" Napatayo ako at hindi ko mapigilan na tumawa.
This is it! I been waiting for this. Sobrang pressured na rin kasi ako makahanap ng stable job. I am twenty one pero feeling ko nasa thirties na para mabahala sa future ko. Saka gusto ko rin patunayan sa mama ko na I can do better kahit na wala s'ya.
"Wait lang!" Bigla kong naalala na nawala ko pala ang phone ko.
"Oh ano na naman?" Tanung ni Jean at napasimangot bigla.
"E paano 'yan pag tinawagan ako e nawala ko cellphone ko sa airport kanina?" Bumalik ulit 'yong pag-alala ko sa cellphone ko lalo na't di ko pa afford bumili ng bago.
"Alam mo mamaya muna isipin 'yong cellphone mo. Bigay ko nalang details sayo ngayon. Wait lang. Tawagan ko lang Tita ko."
Hindi naman ako nag aalala na nawalan ako ng cellphone kasi pwede naman ako bumili ulit,hindi nga lang sa puntong 'yon. Lalo pa't wala pa akong sahod. Mas nababahala ako na baka may emergency na tawag o text sa kapatid ko tapos hindi n'ya pa ako ma contact.
Pagkatapos tawagan ni Jean ang kanyang Tita, ibinigay n'ya na sakin address at pangalan ng hahanapin ko. Buti nalang hindi ito masyadong malayo sa bahay kaya mas pabor pa rin sakin.
"Thank you," napayakap ako sa kanya.
"'Yong resignation letter mo 'wag mo kalimutan ha," paalala n'ya at niyakap din ako.
Agad akong nagmadaling umuwi para e check ang messenger ko. Kailangan kasi ma contact ko kapatid ko at kong okay lang s'ya. Saka baka may nag message na rin sakin para maibalik ang cellphone ko. Though malabo na maibalik, I am hoping kasi may mga important contacts at photos din ang phone na 'yon. Saka baka ibalik din sakin kasi it's not a latest model, siguro kong ibebenta 'yon it will cost five hundred or less. Saka no value pagsinangla.
Ayon, heartbreaking man pero wala man lang message sa kapatid ko o kaya sa mama ko. Kahit alam ko na hindi naman talaga mag me-message si mama sakin e I am still hoping naman sana na e ask ako if I am fine now na mag isa nalang ako. So to get updates, nag leave nalang ako ng message sa kapatid kong si Brylle. Hoping na once mabasa n'ya e sagutin din naman n'ya.
BINABASA MO ANG
Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]
RomanceSa gitna ng pakikidigma sa sarili, masasagip ba ako ng pag ibig? O tuluyan akong malulunod?