Chapter 9.

11 0 0
                                    

Naglalakad ako palabas ng hardware ng makita ko sina Rica at Shane na nasa pwesto nila at nag-uusap habang walang customer.

"Hitch ride na naman?" Tanung ni Shane at tinawanan ako.

"Baka walang pamasahe," dagdag naman ni Rica.

"Is there a problem?" Narinig kong tinanong sila ni Brandon na noo'y nakatayo sa likod ko.

"Sir wala po," nahihiyang sabi ni Rica.

"Come on," hinawakan ni Brandon ang kamay ko at hinila.

Nakita kong nag drop jaw ang dalawa sa nakita at ngumiti naman ako para mas lalo pa silang mainis.

Dumaan kami sa ibang malaking housing supply kasi sabi n'ya pag sa Uranus kami bumili baka mahuli kami ni Mam Carme at magsabi pa sa family n'ya na he is renting out.

"You should text my Mom," biglang sabi ni Brandon habang nasa shelves kami ng pintora at pumipili ng kulay na bibilhin.

"Ayoko pong gawin ang pinapagawa ni Mam Carme o ng Mama mo Sir," sabi ko naman. 

"Don't worry. Okay lang sakin. I don't care about that. Basta wag mo lang e report na umuuwe ako sa bahay mo."

"Pero-"

"Do it for the money. Kailangan mo ng pera di ba? Sabi mo nga marami kang binabayaran. E di gawin mo. I don't really mind."

Kinuha ko ang number ng Mama ni Brandon na nasa bulsa ko at nag umpisa ng e text ito, syempre with instruction ni Brandon. Sinabi ko na nag early out s'ya kasama ako para bumili ng grocery sa condo n'ya. He was laughing about it at ganun din naman ako. 

"How about picking gray and then white for border or white for the paint and gray for the border?" Tanung n'ya sakin at itinuro ang mga pintura.

"Kahit ano," sagot ko sa kanya. Hindi ko naman kasi alam mga paint combination na babagay sa bahay ko.

"Okay. Then grab two small rollers and two medium small paint brushes," sabi n'ya sakin at agad din naman ako kumuha.

Pagkatapos e nilagay ko ito sa cart habang kinaarga n'ya ang mga pintora. Kumuha s'ya ng tapes at malalaking papel pagkatapos. Honestly wala naman talaga akong alam kong ano pa ibang kailangan kaya hinayaan ko nalang s'ya kumuha ng kung ano ano.

"Cash or card Sir?" tanung ng cashier sa kanya.

"Card," sagot ni Brandon at kinuha ang card sa kanyang wallet sabay abot sa Cashier.

"Wala ka bang ibang bibilhin?" Tanung n'ya sakin na tahimik lang na nakatayo habang nakatingin sa bagger na kinakarga ang mga pinamili namin sa cart.

"Wala," sagot ko at agad naman n'yang tinulungan ang bagger na e ayos ang paglalagay ng pintora sa loob ng cart.

"Card n'yo po Sir," sabi ng cashier at napansin ko na iba ang tingin nito kay Brandon.

Napatingin din si Brandon sa Cashier at ngumiti naman s'ya. Okay, so they are flirting in front of me.

"Hand it over to my girlfriend please," sabi ni Brandon at napakunot noo akong tumingin sa kanya. "Can you get it for me Babe?"

"Okay," pilit akong ngumiti at kinuha ang card n'ya sa nakasimangot na Cashier.

Tinulak ni Brandon ang cart namin palabas ng hardware at natatawa s'ya habang inaabot sa kanya ang card n'ya.

"Can you see the look in her face?" Tanung n'ya sakin. "It's kinda fun having you around. I don't have to deal with those kind of girls kasi isang babe ko lang sa'yo, hindi na sila agawa ng move para magpa cute sakin."

Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon