Patuloy kaming nakipag inuman ni Brandon sa mga kaibigan ko at hindi kami nag iimikan dalawa. Wala naman akong masabi sa kanya at siguro ganun na rin s'ya. Kung naiinis s'ya sakin dahil ayoko pang umuwe, problema na n'ya 'yon kasi may susi naman s'ya sa bahay.
I don't want to go home kasi bumabawi din ako sa friends ko, lalo pa nag promise ako sa kanila na sa bahay kami mag iinum tapos biglang nag-cancel ako dahil lang sa party na dapat hindi ko pinuntahan. Nahiya ako sa sarili ko dahil nagmukha akong pusa na sumugod sa bahay ng mga leon.
"Yosi nga," sabi ko kay Frey at inabutan naman agad ako ng isa pati na rin lighter.
Sisindihan ko na sana ito pero sinipa ako ni Brandon habang titig na titig s'ya sa akin. Pinagpatuloy ko ang pag sindi nito, at kahit na nasipa na naman ako e binaliwala ko dahil iniinis ko talaga s'ya. Tingnan ko lang hanggang saan n'ya kayang pigilan ang sarili na hindi magalit sakin. I have to push him kasi para naman matanung ko sa kanya kung ano ba talaga ako sa buhay n'ya.
"I want one too," sabi ni Brandon at kumuha ng isa. He lit it up at naubo pa s'ya sa unang hithit. "Sorry," sabi n'ya at natawa si Frey.
"Unang subok mo pa?" Tanung ni Frey.
"Actually ilang beses ko na sinubukan mag yosi kaso hindi talaga kaya e. Hanggang unang hithit lang ako," sagot ni Brandon. "Sakit kasi sa lalamunan."
"Ganyan talaga pag unan subok pero pagmatagal na, sumasarap," natatawang sabi ni Frey at sinubukan ulit ni Brandon na humithit at naubo ulit ito.
Sa inis ko sa kanya e hinablot ko ang hawak n'yang sigarilyo at itinapon. At agad nagtaas ng kilay ng tumingin s'ya sakin.
"KJ mo Eca," sabi ni Frey na nainis rin "Sobra ka naman sa tao.Gusto lang naman sumubok."
"Baka magkasakit sa baga 'yan ako pa masisi," sabi ko at inubos ang laman ng beer ko. "Di bale ng maglumpasay sa kalasingan 'yan wag lang magyosi."
"Wow ha. Overprotective," natatawang sabi ni April.
"I just one stick," sabi ni Brandon at hindi ko pinakinggan. Instead nilagok ko nalang ang laman ng bote ng beer ko.
"Masiba ka na sa beer ah. Akala ko ba Tanduay Ice at San Mig Light ka lang," pansin ni Jean.
"Mas malakas, mas maganda ang tama sa utak," natatawa kong sabi.
Bumunot ulit si Brandon ng isa pang sigarilyo at hinampas ko kamay s'ya saka pinanlisikan ng mata. Alam ko naman iniinis n'ya ako kaya ginagawa n'ya iyon.
"What is your problem?" Tanong nito sa akin.
"Wala akong problema. Ikaw yata itong meron," sagot ko naman sa kanya at inilayo na ang sigariyo.
"Ikaw pwede tapos ako hindi?" Tanong na naman n'ya.
"Kung maninigarilyo ka dun ka sa friends mo ha at 'wag dito kasi baka sabihin nila ako ang nagturo sa'yo,"inis kong sabi sa kanya. "Try mo pang kumuha ng isa."
Napalingo-lingo s'ya at ininum ang natitirang laman ng beer n'ya.
I won't let him try it kasi alam kong ayaw na ayaw n'ya sa naninigarilyo. I know he just did that para galitin ako.
Habang nag uusap kaming magkakaibigan e tahimik lang si Brandon na umiinum. Minsan napapangiti o napapatawa habang nakikinig. I can feel na uncomfortable mga friends ko sa presence n'ya pero wala naman akong magawa kasi ayaw umuwi ni Brandon na di ako kasama. Saka pinabayaan ko s'yang uminum ng uminum.
Napasandal si Brandon sa upuan n'ya at nag cross arms sabay pikit ng mata.
Nagkatinginan kaming lahat at nagkibit balikat ako.
"Okay ka lang?" Tanong ni Frey kay Brandon.
"Okay lang. Need ko lang itulo 'to para makapag-drive pa ako pauwe," sagot ni Brandon at hindi man lang binukas ang mga mata.
"Pwede ka naman mauna sa bahay. Hindi mo kailangan hintayin ako," sabi ko sa kanya na konsensya ng kaunti.
"I will wait for you Babe," at tinawag pa ako sa kunwariang endearment namin.
"Bahala ka," sabi ko.
Choice n'yang hintayin ako, hindi ko naman sinabi sa kanya na maghintay s'ya kaya manigas s'ya hanggang kailan ko gusto manatili kasama ang mga kaibigan ko. Tingnan ko lang hanggang saan n'ya kayang magtiis na matulog na nakaupo.
"Maawa ka naman sa boyfriend mo. Nakatulog na sa upuan," bulong ni Jean sakin na napapatingin kay Brandon.
"Hayaan n'yo 'yan," sabi ko at patulog sa pag inum ng beer. "Ganyang ang ideal boyfriend. Hindi namimilit sa gusto ng girlfriend. Di ba Josh?" Napatingin ako kay Josh at nginitian s'ya, making him remember sa mga ginagawa n'ya sakin dating pamamahiya paghindi n'ya nakuha gusto n'ya.
"Lasing kana," sabi naman nito.
"Hindi ako lasing, nakainum lang. Saka totoo naman sinabi ko ah. Pinapauwe mo pa nga ako dati kasi ayaw mo kasama ako," patuloy ko pa.
"Tigil na," pigil ni Frey at tumingin kay Brandon.
I don't care marinig ni Brandon kasi hindi ko naman talaga s'ya boyfriend, but for them, they all knew is boyfriend ko s'ya.
"Erica, swerte mo nga sa kanya tapos gaganyanin mo lang," bulong naman ni April. "Uwe ka na. Hindi kayo magkakaayos pag hindi n'yo pinag-usapan problema n'yong dalawa."
"Kulit n'yo naman," sabi ko at napanguso.
"Sige na iuwe mo na 'si Brandon," siniko ako ni Jean. "Di ka ba naaawa d'yan?"
"Grabe naman mga 'to. Pinuntahan ko nga kayo dito para makisabay sa inyo tapos bubugawin n'yo lang ako," kunyari nagtatampo sa kanila.
"May net time pa naman," sabi ni Jean.
"Oo na. Mauna na kami," sabi ko at dinilat ni Brandon ang kanyang mga mata.
"Sige na. Kawawa naman si Brandon," bulong ni Jean.
"Sa birthday ko sa inyo ako magce-celebrate ha?" pahabol ni April.
"Oo. Text mo lang ako," tumayo na ako sa kinauupuan ko.
"Are we going now?" Tanung ni Brandon sa akin at napatayo sa kinauupuan n'ya.
Nagpanggap lang pala itong tulog para umuwi na ako. Naisahan n'ya ako dun ah.
"Oo. Tara na," napakagat labi nalang ako sa inis ko.
"Thank you. Ingat kayo," sabi n'ya sa mga friends ko.
"Ingat," naririnig ko rin sabi nila habang nakatalikod na ako.
Tahimik lang ako sa kotse kasi wala naman akong masabi sa kanya. Saka pagdating namin, agad ako bumaba para buksan ang gate, pagpasok ng kotse, isinara ko naman ulit at nag lock.
BINABASA MO ANG
Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]
Roman d'amourSa gitna ng pakikidigma sa sarili, masasagip ba ako ng pag ibig? O tuluyan akong malulunod?