"Sure ka na ba talagang hindi mo sasabihin kay Brandon na aalis ka na next week?" Tanong ni April na tinutulungan akong mag impake ng gamit.
"Di na kailangan," sagot ko sa kanya.
"Ikakasal na s'ya at ayokong maging kontrabida sa buhay nila. Saka alam ko kaya ko naman na palakihin si baby na wala s'ya."
"Alam mo ako kaya kong pigilan ang bibig ko. Alam mo 'yan. Pero si Thomas, hindi ko kontrolado takbo ng utak nun."
"Hindi gagawin ni Thomas na sabihin kay Brandon ang tungkol sa pagbubuntis ko kasi takot 'yon na mawala ka sa kanya."
"Oo nga naman. Pero-"
"Malaman man ni Brandon, e wala na rin naman s'yang magagawa kasi malayong-malayo na ako sa kanya."
Finally after 2 months aalis na rin ako papuntang US. Hindi naging madali ang lahat para mapapayag ko si Mama. Saka hati din kami sa pamasahe ko kasi nga daw s'ya nag bayad ng process fee at lahat-lahat makapunta lang ako dun. She even told me na may naghihintay ng bahay na para sakin lang kasi ayaw n'ya sa kanya ako tumira and nagkautang pa ako sa kanya dahil sa deposit dun. Hindi ko alam paano ako magsisimula sa lugar na hindi naman ako familiar but one thing is for sure, magiging okay kami dun ni baby lalo pa't marami naman pwedeng pasukan na trabaho basta magsipag lang.
"Salamat sa inyo ni Thomas na hindi n'yo pinagsabi kahit kanino na buntis ako. Ayoko lang talaga kasi na malaman ni Brandon," hinawakan ko kamay ni April.
"What are friends for?" naiiyak na sabi ni April. "Saka 'yong inutang mong pang ticket mo pupunta dun may interest 'yon ha," natawa ako sa sinabi ni April at ganun na rin s'ya. "Basta ingat kayo dun at lagi kang mag-a-update sakin."
"Oo naman."
"Eca!" Narinig ko ang boses ni Frey at lumabas na kami ni April sa kwarto.
Si April at Thomas lang ang may alam na buntis ako, gusto ko kasing kaunting tao lang ang may alam lalo pa't kilala nila si Brandon. Ayokong kumalat ito at umabot sa kanya.
While wala ako sa bahay, pinagbilin ko muna ito kina April at Thomas habang naghahanap pa sila ng sarili nilang bahay. Nakakatuwa nga sila e kasi they click agad kahit kakakilala pa nila and ang saya nilang tingnan kasi pareho silang kalog.
I will my friends, I will miss the fun I spent with them. Siguro naman pag okay na lahat at pwede na akong bumalik e andyan pa rin sila handang makipag inuman sa akin.
Pinangako ko sa sarili ko na aalagaan ko ng mabuti ang baby namin ni Brandon. Ibibigay ko lahat para sa kanya at mamahalin ko s'ya higit pa sa buhay ko.
"Hindi na ba namin mababago isip mo?" Tanung ni Jhona na nalulungkot.
"Babalik rin naman ako. Matagal nga lang," sagot ko at niyakap s'ya.
"Ihanap mo ako dun ng afam ha," sabi ni Jhona at napatawa ako.
"Hahanapan kita ng buy 1 take 1 na afam," pagbibiro ko naman sa kanya.
"Gaga 'to oh. Wag naman 'yong bargain," nagtawanan kami sa reaction ni Jhona.
Hindi ko talaga inaasahan na malalayo ako sa kanila. They been my family for how many years and I am glad na naging part din sila ng buhay ko.
"Siguro naman makikita mo na dun 'yong forever mo. Malas ka kasi sa pinoy," sabi ni Frey at inabutan ako ng baso ng beer.
"Wag na natin painum 'to baka kasi magngangawa ito mamaya," kinuha ni Thomas ng beer ko at inangkin na lamang.
"Oo nga," sang-ayon ni Frey. "Punishment mo 'yan kasi iiwan mo kami kaya maglaway ka habang umiinum kami."
"D'yan ka lang at maupo habang tinitingnan kaming malasing," sabi ni Jhona at inilayo sakin pati ang pulutan.
"Ang damot ng mga 'to. Aalis na ng pinagdadamotan pa," sabi ko at natawa sa kanila.
"Para ma miss mo kami lalo at bumalik ka kaagad," sabi ni April.
"Dapat pagbumalik ako isa sa inyo ang ikakasal," looking forward to attend their wedding lalo pa't tumatanda na rin kami.
------------------------------
Hindi na ako nagpahatid sa airport. Ayokong umiyak habang nagpapaalam sa kanila. I want to peacefully leave and hope to comeback as soon as possible.
For the past month nagbago lahat sa buhay ko. Pinasaya ako ng sobra, nagmahal ko at nasaktan. Pero ang pinaka the best na nangyari e ilang buwan nalang magiging nanay na rin ako. At least nawala man sakin si Brandon, may papawi naman sa malungkot kung puso at 'yon ang baby namin.

BINABASA MO ANG
Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]
RomanceSa gitna ng pakikidigma sa sarili, masasagip ba ako ng pag ibig? O tuluyan akong malulunod?