"Ano 'yan suot mo?" Natatawang sabi ni Jean na hinila ang dress ko.
"Galing ako sa party," naupo na ako sa tabi ni April.
"Di mo yata kasama boyfriend mo?" Alam ko ano nasa isip ni Frey kaya napatawa nalang ako.
"Umuna na ako kasi naman nakakabagot dun sa pinuntahan namin," binawian ko ng beer si April at agad tinungga ito, buong laman nito inubos ko.
"Nabagot o nag away kayo?" Nagtaas kilay si April na nakatingin sakin. "Halatang nakainum ka na rin."
"Hindi naman marunong makigpag away 'yon. Nagagalit, oo. Pero pagkatapos e agad naman nag so-sorry," kala mo naman kilalang-kilala ko na si Brandon.
"Oy.... Wag nga kayong ganyan. Nagseselos na si Josh oh," pagbibiro ni Jean.
"Friends nalang kami ni Eca," natatawang sabi naman ni Josh.
"Friends? Baka si Eca tingin n'ya sa'yo friend. E ikaw friend lang ba? E di ba nga kakasabi mo pa lang na parang bumabalik ang pagkagusto mo sa kanya," patuloy na panunukso ni Jean.
Nagkakagusto ulit sakin si Josh? Dahil ba binasura din s'ya nung pinalit n'ya kaya sakin ulit tumatakbo? O baka naman kasi kaya n'ya na akong ipanglandakan dahil nag iba na ayos ko sa pananamit?
"Tigilan n'yo nga ako," hindi makatingin si Josh sakin at napangisi na lamang ako.
"Anong nangyari? Tuluyan ka na ba talagang iniwan ni Gela?" Tanung ko at napasindi ako ng sigarilyo.
"Naku! Ayon sumama sa foreigner si Gela at iniwan ang kaibigan natin na broken hearted," sagot ni April at binato ng kinuyumos na papel si Josh. "Nagpakatanga kasi."
"Nagmahal lang naman ang tao. Kaya naman," kunyari pinagtatanggol ko si Josh.
"Ayan pinagtatanggol ka pa ng ex mo," inakbayan ni Frey si Josh. "Tingnan mo sinayang mo. Nag glow up Pre," tawang-tawa na sabi ni Frey.
"Ulol! Tigilan mo ko Frey," sabi ko at tumawa na rin. "Glow up ka d'yan."
"Gumanda ka naman talaga," sang-ayon ni Josh kay Frey.
"Gumanda ako sa mata mo kasi wala ka ng Gela," may halong inis ang pagkasabi ko kay Josh.
Hindi ko kasi mapigilan ang kadaldalan dahil sa impluwensya na rin ng alak. Nagiging honest ako pagnakainum at madaldal sobra pag lasing.
"Hindi naman," deny ni Josh.
"Alam mo tigil-tigilan mo rin ako Josh. Kasi tayong dalawa, tapos na tayo. Kung iniisip mo na magkakabalikan pa tayo, naku wag mo na isipin kasi hindi na," sabi ko ng diretsahan, wala na akong pakialam kong sino ang makarinig.
"Aray ko naman!" React ni Jean at hinampas ako. "Grabe ka kay Josh. Di ka considerate e broken nga 'yan."
Natigil sa pagtawa si Frey at napatingin sila ni Josh sa likuran ko. Kaya napalingon na rin ako at ayon nakita ko lumabas si Brandon sa kotse. Napabuntong hininga ako at uminum ng beer.
"Di ka natiis. Haba ng hair, mo dae" bulong ni April sakin. "Pahingi naman ng Brandon oy."
"Hayaan n'yo 'yan," sabi ko na naiinis dahil nahanap n'ya ako.
"Nakatingin s'ya dito," bulong ni Frey at kunyari umiinum sa bote.
Ano ginagawa n'ya dito? Dapat nasa party pa s'ya. Wala naman akong natanggap na tawag o text mula sa kanya kaya bakit alam n'ya nasaan ako?
"Teka lang ha," sabi ko sa mga kaibigan ko at tumayo sa kinauupuan ko.
Lumapit ako kay Brandon na noo'y nakasandal sa kanyang kotse at hinihintay talaga ako na lumapit sa kanya.
"Ano ginagawa mo dito?" Tanung ko at nagsindi ng sigarilyo. "Hindi pa naman tapos ang party."
Yes, iniinis ko s'ya at wala ako sa mood para magbait-baitan sa harap ng mga tao na nasa convenience store. Kaya bakit naman itatago ko pa na nagyoyosi ako?
"Gusto mo umuwi nalang ako sa condo?" Pabalik n'yang tanung sakin na titig na titig sa sigarilyong hawak ko at kita kong gigil na gigil ang kanyang tingin sa kamay ko na tela gusto n'yang paluin ito mabitawan lang ang hawak ko.
"Hindi," sagot ko sa kanya.
"Ayaw mo naman pala. Bakit ganyan ka makatanung sakin? Bakit bawal ka bang sundan kasi andyan ang ex mo?"
At sinali pa talaga si Josh sa usapan namin dalawa.
"Ano?" Tanung ko at nagtaas kilay sa kanya. "Lage mo nalang sinasali ang taong walang kinalaman sa atin."
"E para kasing mas nag e-enjoy ka kasama s'ya kaysa sakin."
"Brandon sinabi ko na sa'yo kanina lahat. Kaya pwede ba tigilan mo na-"
"Iniwan mo pa rin ako dun Erica. Akala mo ba gusto ko dun maiwan? Akala mo ba gusto ko dun?"
"Umalis ako kasi ayaw nila ako dun Brandon."
"Ayaw nila sa'yo pero ako gusto ko nandun ka."
"Gusto mo nandun ako pero iniwan mo lang ako."
"Sorry na. Mapapatawad mo ba ako?"
"Ewan."
"Anong ewan Erica?"
"Ano bakasi gusto mo at sinundan mo pa ako dito?" Naiinis kong tanung sa kanya kasi wala ako sa mood para makipag-usap kay Brandon that time.
"Gusto kung itapon mo 'yang sigarilyo mo kasi sakit sa ilong," nag alibi pa e halata naman na ayaw n'yang makita akong naninigarilyo.
"E di lumayo ka," sabi ko naman sa kanya.
Hindi na napagtimpi pa si Brandon at kinuha ang sigarilyo sa kamay ko sabay tapon. Napangiwi ako sa kanyang ginawa at napalingo-lingo na lamang.
"Di ka pa ba uuwe?" Tanung n'ya at inilagay ang kanyang kamay sa dalawang bulsa ng kanyang black semi tight jeans.
"Mauna kana. Susunod na ako," sagot ko at tumalikod sa kanya.
"Ayaw mo?" Tanung n'ya na namumoo ang galit sa kanyang boses.
"Brandon susunod nga ako e," sagot ko na naman sabay lingon sa kanya.
"E di hindi rin ako uuwe."
Agad s'ya naglakad papunta kina April at naupo sa ginta nina Frey at Josh. Wala akong choice kundi maupo na rin ako sa gitna nina April at Jean. Sobra na nga inabot ko sa Mama n'ya at sa Lola n'ya tapos dadagdag pa s'ya sa sakit ng ulo ko.
"Dagdagan pa natin?" Tanung n'ya kay Frey.
"Brandon," sabi ko na pinipigilan s'ya.
"Ikaw bahala," tugon ni Frey.
Tumayo si Brandon at pumasok sa convenience store, sumunod naman agad si Frey sa kanya. Napabuntong hininga ako habang nakikita s'yang bumibili ng beer para sa amin.
"Ayos na ayos get up n'yong dalawa ah. Pang Hawaiian," natatawang sabi ni Jean.
"Sa party nga kami galing," naiirita kong sabi. "Feeling kasi ng Mama n'ya summer or baka feel n'ya Hawaii ang Pinas."
"Theme Party tawag d'yan," sabi ni Jean.
"Kaartehan ng may pera," sabi ko at sobrang nainis sa sarili dahil sumama pa ako sa party na 'yon.
"Pinili mo makipag relasyon sa may pera kaya, deal with it," sabi ni April at napalingon ako sa kanya. "Wala kang magagawa sa kaartehan nila kasi umaapaw ang kanilang bulsa."
"Ewan," sabi ko na lamang.
BINABASA MO ANG
Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]
RomanceSa gitna ng pakikidigma sa sarili, masasagip ba ako ng pag ibig? O tuluyan akong malulunod?