Chapter 49.

4 0 0
                                    

"Brandon," tawag pansin ko sa kanya kasi tahimik lang s'ya while driving.

"Kain muna tayo bago ka umuwi," sabi n'ya at nakasimangot pa rin.

"Saan naman?" I hold his hand and place it on my lap while I was holding it tightly with both of my hands.

"Let's find."

As we park sa parking lot ng mall, agad kami lumabas sa truck n'ya at naglakad papasok ng mall. He was walking ahead of me. Sumunod lang ako sa kanya at pakiramdam ko hindi kami magkasama. Nasanay kasi ako na nasa tabi ko s'ya at sabay kami naglalakad. That moment parang nagbago si Brandon, I can feel it. Or baka gait pa rin s'ya dahil s sinabi ni Paul.

"We should try eating at-" napahinto sa paglalakad si Brandon at nabangga ako sa likod n'ya dahil nakayuko lang ako habang nakasunod sa kanya.

"Sorry," agad kong sabi.

"Why are you behind me?" Hinila n'ya ako sa tabi n'ya at patuloy kaming naglakad.

"E kasi ang bilis mo maglakad," hirit ko at napatingin kunyari sa malayo.

"Why are you so awkward?" Nahinto s'ya sa paglalakad at nag abot ang mga kilay ng lumingon ako sa kanya. I can sense na naiinis s'ya sakin.

"Wala lang. May iniisip lang," sagot ko naman.

"What?" Alam kong hindi s'ya gagalaw sa kinatatayoan n'ya hanggat hindi ko sinasabi sa kanya ang laman ng isip ko.

"Iniisip ko kung bakit kailangan mong umalis sa bahay," napakagat labi ako at nahiya sa sinabi.

"I told you naman di ba na dadalawin kita pag di na ako busy. Kailangan ko lang talaga ng time to be alone because of my plans."

"Okay."

"So don't overthink."

Siguro nga nag-o-overthink lang ako after hearing from Paul na engaged na sila ni Cathy. I wanted to ask him about it pero wala naman ako sa lugar to know such things. I know we agreed to be open with each other, sana naman one day he'll tell me about it. Para naman hindi na ako nag iisip kung ano mangyayari sa amin.

After dinner, nag-yaya muna s'yang maglibot kami around sa mall. Pasok sa mga boutique, patingin-tingin tapos labas na naman.  May hinahanap na kung ano. Wala rin naman s'yang sinabi para matulungan ko s'ya mahanap kung ano ang kanyang hinahanap.

"You like it?" Itinaas n'ya ang kwentas na may feather na pendant. "Tel me what do you think."

"Maganda s'ya," iniisip ko baka ibibigay n'ya kay Cathy. "Sorang ganda."

Anyone would want to wear that necklace. Sino ba naman ang hindi. Simpe yet elegant pag sinuot na.

"Turn around. Tingnan ko kung bagay ba," tumalikod naman ako at nalungkot na kailangan pa talaga sa akin isukat ang bagay na ibibigay naman n'ya sa iba. Humarap naman agad ako sa kanya. "You look more sexy with that and wearing with that top," naka deep v-neck kasi ako ng sleeveless top.

"Bagay na bagay sa'yo Mam," sabi ng saleslady at hinarap sa akin ang salamin.

I look at my own reflection. Bagay nga sakin. Kahit na walang cleavage na ipagmamalaki e nagiging attractive sa kwentas na napili ni Brandon. Hinawakan ko ito at napangiti.

"I'll get it," sabi ni Brandon at kinuha ang kanyang wallet.

"Lagay ko sa box sir," sabi ng saleslady.

"No need. I want her to wear it," napangiti si Brandon sakin.

"Para sakin 'to?" Gulat ako hindi lang sa pagbili n'ya kundi pati sa price.

"It's a gift. You deserve it," sagot n'ya.

I give him the biggest smile I could. Hindi ko mapigilan ang sarili ko at niyakap ko s'ya sandali pagkatapos e tiningnan ulit ang reflection ko sa salamin.

Naglalakad ako habang hawak-hawak ang pendant ng kwentas. There should be an explanation bakit 'yon ang pinili n'ya. At gusto ko malaman mula sa kanya bakit feather pendant.

"Do you really like that?" Tanong n'ya sakin ng nasa loob na kami ng kanyang truck. "Kasi we could get back inside and choose another necklace that you want."

"Ayoko palitan. Ikaw ang pumili nito e saka gusto ko rin naman," sagot ko sa kanya.

I will not exchange it sa kwentas na gusto ko. This is valuable dahil s'ya mismo ang pumili.

"I'm happy that you like it."

"Brandon bakit feather?" Hindi ko maiwasan hindi maitanong iyon sa kanya.

"For me it symbolizes a lot of things. Like you should believe in your dreams kasi super light ng feather at kayang dalhin ng hangin. So you should believe in yourself and know that your plans will come true. Of course you should fly high when the wind blows," sobrang lalim ng sinabi n'ya and I know he was looking forward na matupad ko mga pangarap ko sa buhay.

After thinking for how many nights, I planned na one day I'll stop working and have my own business. Sa ngayon hindi ko pa napag iisipan kung anong business ang papasukin ko, kasi dapat 'yong business na gusto ko talaga with passion na rin. Hindi lang basta kumikita dapat ini-enjoy ko rin.

"Drive safe," sabi ko sa kanya at hindi napigil na dampian ng halik ang kanyang labi.

"Thank you. Ikaw din," sabi n'ya at umakyat na sa kanyang truck.

Nanatili akong nakatayo sa labas ng gate hanggang sa mawala ko s'ya sa aking paningin. How I wish may lakas ako ng loob sabihin sa kanya to spend the night sa bahay. 

Nothing's permanent nga naman sa mundo, at isa na dun si Brandon. He came unexpectedly sa buhay ko and filled my life with happiness. Sana kahit hindi na kami laging magkasama e, mapasaya n'ya pa rin ako. I wanted to tell him how I really felt, kaso takot ako marinig sa kanya ang kanyang masasabi. I know he knew already na mahal ko na s'ya, and him keeping quiet makes me believe na he doesn't feel the same way.

Back to being alone ako sa bahay. Malungkot at mag isa. Nakaka-miss lang how he loves dim lights kaya di na ako nagbukas ng ilaw at tanging dim lights lang ang pina-ilaw para ma feel ko ang presence n'ya around the house. The scent of the whole house smells like him, the smell of axe chocolate. Pumasok ako sa room at nakita ko ang teddy bear sa bed and he place it right  on the side where he always stays on my bed. Nagbihis agad ako ng ambahay at lumabas ulit ng kwarto para pumasok sa kwarto ni Brandon at kinuha ang unan n'ya so that I can feel that he is with me the whole night.

"Go to bed," nabasa ko sa text n'ya ng makabalik na ako sa kwarto ko.

"Ikaw din," text back ko sa kanya at agad nahiga sa kama.

"Can I call you?" Tanung n'ya at na excite ako.

I thought it's a simple call lang but then it is a video call pala. I smile as soon as I saw his face.

"Go to sleep,"sabi n'ya at nahiga na rin sa kama n'ya.

"Patulog na," nakangiti ako habang tinitingnan s'ya.

He place his phone somewhere facing him as he was lying on his bed and I do the same. Parang naka LDR lang.

"Good night Erica," sabi n'ya.

"Good night Brandon," sagot ko naman.

"Have a good night sleep."

"Ikaw din."

He close his eyes and I was left awake. Tinititigan ko lang s'ya habang natutulog. This set up made me confuse of everything between us. Bakit ganito trato n'ya sakin? Why he can't tell me gusto n'ya ako? Baka naman kasi bagot lang din s'ya sa buhay n'ya kaya ako ginagawa n'yang past time.Gulong-gulo ang utak ko.

Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon