Chapter 10.

11 0 0
                                    

Naiwan ako na hindi alam paano ipapaliwanag ang lahat sa mga kaibigan ko kung sino at ano ang ginagawa ni Brandon sa bahay. Nahihirapan ako lalo na kasama nila si Josh at Gela. They did not inform me first na darating sila or kahit man lang sabihin nila na kasama nila ang dalawa.

"Ikaw ha. Di mo sinasabi na dito na pala nakatira ang boyfriend mo," sabi ni April na may pagtatampo ang mga mata.

"Titnutulungan lang ako mag renovate ng bahay," patawa-tawa kong sabi at dinala sila sa likuran kung saan madalas kami tumambay. "Pasensya na kayo sobrang gulo dito. Di pa kasi kami tapos."

"Sanay na kami," sabi naman ni Frey.

"D'yan muna kayo at maghahanda ako ng haponan," sabi ko sa kanila at nagpunta na agad sa kusina.

Agad ako nagsaing na sapat sa amin lahat at nag isip ng uulamin.

"Hey!" Text ni Brandon sakin.

"Sir sorry," agad ako nag-reply sa kanya while thinking na baka kaya umalis s'ya kasi ayaw n'ya makipagsalamuha sa mga bisita ko.

"Are you okay?" Tanung n'ya at napataas kilay ako habang binabasa ng paulit-ulit ang kanyang text.

"Oo naman sir. E ikaw?"

"Okay lang din naman. Babalik agad ako. I'll pick up something in the store. Chill ka lang lalo na andyan ex mo."

"Yes sir."

Hindi ko alam ano napasok sa isip nila at binitbit pa talaga sina Josh. E alam naman nilang iniiwasan ko ito. Napaka awkward tuloy.

Nasa kusina lang ako at nag last minute marinate ng karne na iihawin namin.

"Kailan ka pa nagtatago na may boyfriend ka na pala?" Tanung ni Jhona, Cashier din sa dating trabaho ko at mas nauna pang nag resign kaysa sakin, na sinamahan ako sa kitchen.

"Hindi ko naman tinatago," sagot ko at napanguso.

"Kaya nga hindi naman sinabi sayo na pupunta kami kasi for sure sasabihin mong busy ka dahil sa boyfriend mo," panunukso nito sa akin.

"Excuse me. Pwedeng maki inum ng tubig?" Tanung ni Gela na halatang nandun lang para maki tsismis at kusang kumuha ng baso.

"Kumusta naman 'yong bago mong pinapasokan? Okay ka lang ba dun?" Tanung ni Jhona sakin.

"Okay lang. Mabait din mga kasamahan ko dun," sagot ko sa kanya.

"Excuse me ulit," lumapit sa amin si Gela at nakita kong napakunot noo si Jhona at nainis. "Yong banyo?" Tanung n'ya.

"Andun sa likod," sagot ni Jhona at itinuro palabas si Gela kung saan nandun ang isang banyo ng bahay.

Natawa nalang ako sa mukha ni Jhona habang sinusundan ng tingin si Gela na palabas na.

Pagkatapos kong mag marinate e dinala ko na ito sa labas. Kinuha ko na rin 'yong ihawan saka nag offer si Frey na s'ya na ang mag-iihaw. 

Mayamaya pa narinig ko may bumusina sa labas ng gate. Dalidali akong dumungaw at nakita ko ang truck ni Brandon. Agad kong binuksan ito. Kita ko sa likod ng truck ang hagdanan na dala n'ya pati na ibang gamit.

"Sir," sambit ko ng bumaba s'ya sa truck.

Napatitig s'ya sa akin at ito na naman ang tiger look n'ya. Umiwas ako ng tingin kay Brandon. Did I do something para ganun nalang tingin n'ya sakin?

"Ayaw mo mapahiya di ba? Drop the word sir for today," diniinan n'ya ang salitang sir at napangiti na lamang ako ng bahagya.

"Eca labas muna kami saglit," napangisi si April na halatang nang iinis sa akin habang napapatingin kay Brandon.

Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon