"Cathy?" Nakangiti n'yang sabi sa babae at sa tingin ko more on excitement ang naramdaman n'ya seeing that girl. Siguro ex n'ya or friend or whatever kaya ganun nalang s'ya makangiti.
Pakialam ko ba? Kung anu sila, bahala na silang dalawa.
"Who's with you?" Tanung nito.
"I am with my Secretary," sagot n'ya. "Want to join us?" Imbita ni Brandon sa kanyang kausap.
"No. We are leaving with my friends," nakangiti pero nagkunot noo ito. "PM me okay. We'll catch up."
"Sure. I will."
"Glad to see you back."
"Glad to see you too."
"Bye Brandon."
"Bye Cath."
I can sense na interesado s'ya sa sexy at magandang si Cathy. Hindi na maikakaila pa dahil sinundan pa n'ya ito ng tingin hanggang sa makalabas.
Dahil nauna na akong naupo sa aming reserved seat e kinuha ko ang menu at pumili na nang kakainin. Agad naman s'ya sumunod sa akin.
"Sizzling pork and water lang," sabi n'ya sa waiter.
"Sizzling pork sisig at pineapple juice," sabi ko at iniabot ang menu sa waiter.
Dinukot ko ang cellphone sa bulsa at nag scroll through my phonebook. I wanted to text my friends para makipag inum sakin mamaya, if ever hindi sila busy.
"Texting Josh?" Tanung n'ya at napatingin ako sa kanya.
"Wala akong ka text," sabi ko at napabuntong hininga.
"Sabi mo e."
It is so frustrating na ganun ang ugali na pinapakita n'ya sakin. Hindi ko alam kong ano ba ang puno't dulo kung bakit ganun nalang inis n'ya sakin at that time. Saka pansin ko din his moods changes so quick, magugulat ka nalang na one moment laki ng ngiti and then the next e nag aabot na ang mga kilay.
Tahimik lang kami kumakain ng lunch. Walang imikan. Para tuloy kaming magkaaway. Pero it is better na ganun kaysa naman mag usap pa kami tapos tungkol naman kay Josh.
After kumain, agad s'ya nag bayad at bumalik na kaming dalawa sa Uranus. Nanatili kaming tahimik pareho hanggang sa office. Patuloy ako sa ginagawa kong trabaho while s'ya e ganun din naman.
Nanatili akong lihim na nagmamasid hanggang sa tumayo s'ya sa kinauupoan n'ya.
"Mauna na ako. Need to go somewhere," sabi n'ya at lumabas na ng pinto.
Napabuntong hininga ako and thankful dahil nakahinga na rin ako ng maluwag sa wakas.
Natapos ko lahat ng ginagawa at nag ayos na ng mesa at pati kay Brandon ay inayos ko. Pagkatapos e lumabas na ng office.
Sakto naman nakita ko si Mam Carme na papasok sa office n'ya.
"Uuwe kana?" Tanung n'ya.
"Opo mam," nakangiti kong sagot.
"Pwede bang magpa take home sa'yo ng gawain?" Tanung n'ya na halatang stress.
"Sure po mam."
"Talaga bang okay lang?"
"Syempre naman po."
Inabot n'ya sakin ang folder na may laman na maraming mga papers.
"Paki e-mail naman nito sa mga customers at sa nagpa quote. Birthday kasi ng bunso ko and it needs to be done tomorrow."
Napangiti ako sa kanya.
"Don't worry po. Gagawin ko ito pagkauwe ko sa bahay."
"Thank you so much Erica."
BINABASA MO ANG
Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]
RomanceSa gitna ng pakikidigma sa sarili, masasagip ba ako ng pag ibig? O tuluyan akong malulunod?