Instead na takasan ko ang problema, I want to face it. Hindi naman siguro ako mamamatay pag nakita ko si Brandon kasama si Cathy. Mabigat ang mga balikat at nginig ang mga paa ko pagpasok sa restobar. Marami ng tao mula sa hardware at una kong hinanap si Brandon. Katabi n'ya si Cathy sa mesa nila at nakakapit sa kanyang braso.
"Eca," tawag ni Josh sakin.
"Andito ka rin?" Tanong ko with a sigh of relief.
"Oo, invited daw kasi lahat," sabi n'ya. "Late ka yata," pansin n'ya and sana hindi n'ya napansin ang namamaga kong mata dahil sa pag-iyak. "Okay ka lang?"
"Oo, umuwi pa kasi ako saka masama pakiramdam ko. Pinilit ko lang pumunta," pagsisinungaling ko.
Paul tap my shoulder and signal me na pupunta s'ya table nila Brandon.
"Sino kasama mo?" Tanong ko.
"Sina Sir Jerson," sagot ni Josh at tinuro ang mesa nila. "E ikaw?"
"Ako lang saka di rin ako magtatagal," napatingin si Josh kay Brandon at napangiti na lamang ako. "Wala na kami," ngumiti pa rin ako kahit masakit sabihin.
"Ang bilis naman nakakita ng papalit sa'yo," natatawang sabi ni Josh. "Gusto mo samin ka nalang maupo," offer ni Josh.
"Wag na. Aalis na rin ako mamaya-maya," wala naman kasi akong planong magtagal sa party.
"Sige. Mauna na ako sa'yo. Puntahan ko na sila Sir Jerson," sabi n'ya at iniwan ako.
Nagkatinginan kami ni Brandon at umiwas agad ako ng matingin si Cathy sa akin. Humanap ako ng bakanteng mesa at dun naupo.
Napalingon-lingon ako sa mga taong galing sa store at nahihiya ako na nandun. Pero ngumingiti pa rin naman pagpinapansin nila.
"Pwede ba kitang samahan?" Tanong ni Paul at inabutan ako ng beer.
"Thank you pero ayoko uminum," ngumiti si Paul at naupo na rin.
"Ayaw mong uminum? O ayaw n'yang uminom ka?" Napangisi si Paul sa kanyang tanong. "Still kahit sa ganitong situation you let him control you?
"Decision ko na hindi uminum Paul. Magda-drive pa ako pauwi," sagot ko.
"Pwede naman kitang ihatid mamaya Erica. Saka we are here para magsaya, hindi para magluksa."
His words tempted me para uminum, sabi ko sa sarili ko isang bottle lang.
Hindi ako pumila para kumain nung oras na ng kainan. Wala akong gana kasi naman wala ako sa mood. Panay tingin lang ako kay Brandon at sa family n'ya na tuwamg-tuwa sa kanilang dalawa ni Cathy.
"Eat," text ni Brandon sakin.
"Busog pa ako," text back ko naman sa kanya.
"Eat Erica," ulit n'ya.
"Busog ako Brandon."
"Eat or I will never text you ever again."
"Busog nga ako."
"Pilitin mo sarili mo. Please."
Tumingin ako kay Brandon sabay tayo sa kinauupoan at kumuha ng maliit na serving ng pagkain. Oo, takot akong hindi na s'ya mag text sakin pag hindi ko sinunod ang kanyang gusto kaya kahit wala akong gana e pinilit ko ang sarili ko kumain. He was blackmailing me just to feed me and pati 'yon e nakakataba ng puso ko. Yes, napaka gaga ko na. Kaya lang ito lang naman ako, napapasaya sa maliit na bagay.
"Stop drinking. Nakakarami kana," text n'ya na naman and I ignore it.
Nakakalimang bote na ako ng beer pero nakukulangan pa rin ako.
Pagkatapos ng kainan. Humarap na si Paul sa lahat announcing about him as a new Manager sa Uranus. Parang nakikinig ako sa kanya at nakatingin pero ang mga mata ko nakatuon lang talaga kay Brandon at ganun din naman si Brandon, pasulyap-sulyap sa akin.
"...anyway let us welcome the newly engaged couple!" Tumayo si Cathy at pilit pinapatayo si Brandon para humarap sa lahat. Pero nagmatigas si Brandon kaya pinagtulungan na s'ya na patayuin habang nagpapalakpakan ang mga tao sa paligid, pati ako e pumalakpak na rin.
Ayokong marinig ang sasabihin nila that time kaya nag decide ako umalis na sa party at umuwe.
Binilisan ko ang aking paglalakad papunta sa parking lot. Naluluha na ako kasi nasasaktan ako na anytime pwedeng ikasal si Brandon kay Cathy. So ano mangyayari sa amin? Tuluyan na ba kaming magkakalayo? Now I get it kung bakit kailangan n'ya mag stay sa condo, kasi dinadalaw na s'ya ni Cathy siguro.
"Erica," tawag ni Paul kaya napahinto ako sa pagsakay sa kotse at isinara ulit ang pinto nito.
"May kailangan ka?" Agad kong tanong and push back my tears behind my eyes.
"Maya kana umalis. inum muna tayo," umiwas ako ng tingin sa kanya at sumandal sa kotse. "Saka ihahatid na kita, nakainum ka na rin kaya hindi na safe na mag drive ka."
"Kailangan ko na talagang umalis. Bukas, bukas pwedeng mag-inum tayo sa bahay. May birthday celebration kasi friend ko at sa bahay magaganap."
"Okay. Punta ako bukas," ngumiti si Paul sakin and I did the same. "But... ihahatid kita pauwe ngayon."
Napaka gaga ko para imbitahin si Paul sa bahay knowing na kapatid s'ya ni Cathy. But then, nangyari na e. Pupunta s'ya sa bahay pero sana hindi s'ya matuloy.
"Okay lang talaga. Hindi pa naman ako lasing," I decline his offer na ihahatid ako pauwe. Gusto ko kasi mapag isa lang muna.
"Are you sure na okay ka lang?" Nag-aalala si Paul and I thank him for worrying.
"Oo naman. Okay na okay," panigurado ko.
"See you tomorrow?" Napatango ako. "Wala ng bawian ha. Tomorrow sa bahay mo."
"Mauna na ako" sambit ko at napabuntong hininga.
"Erica wait," natigil na naman ako sa pagbubukas ng pinto ng kotse at humarap ulit sa kanya. "Ano gagawin mo ngayon na public na ang relationship nila ni Cathy?" Natigilan ako sa tanong ni Paul. I gather all the strength bago ko naisipan ang isasagot.
"Wala. I do believe kasi na pagkami, kami talaga kahit ano ang mangyari," I answer him like I was not hurting deep inside kahit wala naman talaga akong karapatan na masaktan kasi wala naman kami ni Brandon.
"So you will let him go without putting a fight against Cathy or his family?" He smirk looking at me.
"Aksaya lang sa oras ganyang bagay at sa telenovela lang nangyayari 'yan, hindi sa totoong buhay," natatawa ako kunyari sa sagot ko. "Saka marami pa akong bagay na dapat problemahin kaysa kay Brandon."
"Oo nga naman. Kung mahal ka talaga ni Brandon, gagawa s'ya ng paraan para makasama ka n'ya at hindi lang s'ya basta susunod sa kung ano gusto ng family n'ya."
"May reasons naman siguro kaya sumusunod s'ya sa kanila. Basta ako, unahin ko muna ang sarili ko bago ang ibang tao."
"Kakaiba ka rin. Kakaiba ang tapang mo. If I was you, baka naiyak na ako at nagwala sa party."
"Hindi ako ganun. Alam mo 'yan."
"Oo nga naman. Palihim lumaban ang kilala kong Erica."
"Mauna na ako. Marami pa kasi akong gagawin sa bahay," binuksan ko ang pinto ng kotse at lumingon kay Paul saka tuluyan ng pumasok sa kotse.
I saw him walk back at the restobar at saka lang ako umiyak.
BINABASA MO ANG
Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]
RomanceSa gitna ng pakikidigma sa sarili, masasagip ba ako ng pag ibig? O tuluyan akong malulunod?
![Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]](https://img.wattpad.com/cover/229973027-64-k597315.jpg)