"Put that on your list," sabi n'ya at nag seatbelt na rin.
Pinakalma ko sarili ko dahil parang mali yata na mag isip ako na na-a-attract din s'ya sa akin. Baka ganun lang talaga si Brandon ka caring. Saka I have to put in my mind na amo ko s'ya and hindi ako ganun ka ganda para magkagusto s'ya sakin.
Nagpunta kami sa sinasabi n'ya but then drive back to another kainan kasi full amg parking lot. Instead nag take out nalang kami ng pagkain sa Mcdo.
"Are you okay with that?" Tanung n'ya habang hawak ko ang binili namin.
"Oo naman sir," sagot ko kasi sino ba naman ako para mag reklamo. E ako na nga itong nililibre ng lunch.
"Next time I'll make sure to get a reservation dun. Masarap daw kasi dun," sabi n'ya habang natitig ako sa kanyang bibig habang nagsasalita.
"Kasali ba sa contract na libre lunch ko?" Curious kong tanung. Natawa s'ya bigla at nakitawa na rin ako sa kanya.
"Napakalungkot naman kasi kong kakain ako mag isa," sagot ni Brandon at napalingon sakin.
I cut my laugh at tumahimik sabay iwas ng tingin sa kanya. Oo nga naman. Napakalungkot pag mag isa.
"Anyway. I have my suitcase sa trunk. Diretso na ako mamaya sa bahay mo," bigla n'yang sabi at napalingon ulit ako sa kanya.
"Pero hindi pa ako tapos magligpit dun Sir," sabi ko sa kanya.
"I'll help you do that later. I really need to move."
"Umiiwas ka po ba sa ex mo?" Ewan ko ba kung bakit 'yon pa ang tanung na lumabas sa bibig ko.
"My ex live across the planet. So hindi," sagot n'ya at napakagat labi.
"Sorry Sir," nahihiya kong sabi sa kanya.
"We should choose the right color para sa paint ng bahay. Para naman umaliwalas dun. Saka after nun let see anong mga gamit ilalabas at maiiwan. Alin ang gamit na dapat palitan," seryoso nga talaga s'ya na e make over ang bahay.
"Alam ko pong hindi ka sanay sa ganun bahay Sir. Saka okay lang naman din na pintorahan ko 'yon. Pero kasi hindi ko pa afford bumili ng pintura saka Sir. Di ba magbabayad pa ako ng hulugan dun sa mga pinamili mo kahapon?"
He pull the hand brake ng maka park na kami sa harap ng hardware. Tinanggal n'ya na rin ang seatbelt n'ya. Habang ako hindi makagalaw dahil sa hawak-hawak ko ang take out namin.
"Actually, the phone is company issue with monthly load allowance. So wala kang dapat ikabahala sa babayaran mo dyan. As long as you work with me, you can use that for free," napanganga na lamang ako napaka swerte ko sa boss ko, napakagalante.
"E 'yong mga damit, sapatos saka-"
"Erica, I could buy you a lot of clothes without asking you money in return. I just want you to work well, maging presentable sa mga client or if you are with me."
Napangiti na lamang ako kasi parang gusto ko na yata maging P.A at Secretary n'ya forever dahil sa may pa libreng cellphone at damit pa.
Kinuha ni Brandon ang take out sa kamay ko at nagmadali naman akong nagtanggal ng seatbelt. Pagababa namin sa kanyang kotse e sumunod naman agad ako sa kanya.
"Nag take out lang kayo?" Tanung ni Mam Carme ng pumasok sa office namin at naabutan kaming kumakain.
"Fullpo kasi 'yong gusto kainan ni Sir Brandon, Mam. Kain po tayo."
"Tapos na ako. Sige kain lang kayo d'yan. And then come to my office after you are done eating Erica."
"Yes po Mam."
Pagkatapos kong kumain e agad akong nagpaalam kay Sir Brandon na pupuntahan ko si Mam Carme. It seems really important at parang ayaw n'yang malaman ni Sir Brandon ang aming pag-uusapan dahil kailangan pa talaga puntahan ko s'ya sa kanyang office.
"Mam Carme," pumasok agad akopagkatapos ko kumatok.
"Maupo ka," sabi n'ya at naupo naman agad ako. "Si Brandon?" Tanung nito.
"May ginagawa po," sagot ko naman.
"So... mabait ba s'ya sa'yo?" Tanung ni Mam Carme sakin at napangiti ako.
"Sobrang bait po ni Sir," sagot ko.
"I know this is not part of your job Erica. Kaya lang nakiusap ang Mama ni Brandon sakin. Don't worry you are not doing this for free. With pay ito."
"Ano pong ibig sabihin n'yo po Mam Carme?" Tanung ko lalo na hindi n'ya ibinigay sakin agad kung anong gusto n'yang iparating sakin.
"Easy lang naman Erica. Magse-send ka lang ng report sa Mama ni Brandon about sa kung sino kasama n'ya at saan s'ya nagpupupunta. Detailed dapat lahat. And make sure hindi malalaman ni Brandon na nagre-report ka sa Mama n'ya."
"Mam Carme parang hindi naman po yata tama na-"
"This is his Mom's number. Ini-expect n'yang e-te-text mo agad s'ya," iniabot ni Mam Carme ang maliit na piraso ng papel sakin."I know you need money Erica."
Ngumiti na amang ako sa kanya dahil speechess ako sa pinapagawa ni Mam Carme sakin.
Bumalik ako sa office namin ni Brandon na lutang ang utak at hindi man lang magawang tingnan s'ya. Alam ko naman kasing hindi tama ang gagawin ko kaya inuunahan na ako ng konsensya. Nag-aalala rin ako na baka pagnalaman ni Brandon e matanggal ako sa trabaho.
"Erica," tawag n'ya sakin at sa gulat ko e agad kong iniluklok sa bulsa ang papel kung saan nakasulata ang number ng kanyang mama.
"May e uutos ka ba Sir?" nanlalamig ang mga kamay ko at hindi s'ya matingnan ng diretso.
"Please order some iced coffee. Saka order ka na rin ng sa'yo," sagot n'ya sakin at napasandal sa swivel chair n'ya habang titig na titig sakin.
"Wag na po Sir.I...I mean okay lang. Okay lang na hindi...Ano po...Okay lang na isang iced coffee langpo," nauutal talaga ako pagnatataranta at muntik ko pa mahulog ang cellphone kasi nanginginig ang kamay ko.
"Okay ka lang ba?" Tanung n'ya.
"Yes Sir."
Agad ako nag order sa Grab Food ng iced coffee n'ya at sinabi kay Brandon na hintayin ko ito sa labas ng hardware. Hindi kasi ako makahinga sa loob ng office habang iniisip ang sinabi ni Mam Carme sa akin.
Napa-yosi ako sa labas, syempre humanap ako ng tagong lugar at dun nilabas ang kaba ko.
Wala kasi akong choice sa sinabi kasi ni Mam Carme sakin, kung hindi ako papayag sa gusto ng Mama ni Brandon, baka ipatanggal ako at kung malaman naman ni Brandon, paniguradong magagalit s'ya sakin at ipatatanggal ako. Kaya hindi ko alam ano ang gagawin. May isang araw lang ako para pag-isipan ang sinabi ni Mam Carme kaya sobrang nakaka-pressure sakin ang sitwasyon.
After makuha ang order ni Brandon, e bumalik naman agad ako sa office namin. Iniabot ko kaagad sa kanya ang coffee n'ya.
"Are you okay?" Tanung n'ya ulit sakin.
"Yes Sir," sagot ko.
"Amoy sigarilyo ka," puna n'ya kaya agad ako umatras palayo sa mesa n'ya.
"Sorry Sir," sabi ko naman.
"Can you lose that smell on you?" tanung n'ya sakin na naiinis ang boses.
"Sorry po Sir. Punta muna ako sa toilet," agad kong kinuha ang bag ko at napatakbo palabas ng opisina.
Halos ipaligo ko na ang cologne ko para mawala ang amoy ng sigarilyo at nagmumug naman akong ilang ulit. It was a mistake na nanigarilyo ako sa oras ng trabaho, hindi ko man lang inisip na ma-o-offend si Brandon.
Pagkabalik ko sa office e nakita ko s'yang nakaupo na sa mesa ko. Sa tingin ko sa mukha n'ya e ready na s'ya na sermonan ako dahil sa paninigarilyo.
"Pasensya na po kayo Sir. Hindi na po mauulit," inunahan ko na s'ya bago pa man s'ya magalit sakin.
"I am done with my work, at tapos ka na rin naman. So let's go."
"Sir?"
"Hintayin mo ako sa parking lot. Kakausapin ko lang si Carme."
BINABASA MO ANG
Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]
RomanceSa gitna ng pakikidigma sa sarili, masasagip ba ako ng pag ibig? O tuluyan akong malulunod?