Chapter 28.

6 0 0
                                    

I left early sa bahay kasi iniiwasan  ko na hindi na kami makita ng mga empleyadong magkasama pumasok o umuwe ni Brandon. Napaka awkward working back at Uranus but I trusted Brandon na inayos na n'ya ang lahat.

"Thank you pala sa ginawa mo," nagkataon na rin na nagkita kami ni Josh at pinasalamatan ko s'ya sa ginawa n'ya.

"Wala 'yon," sabi n'ya.

"Baka gusto mo bukas magpunta kayo ni Gela sa bahay," inimbita ko s'ya para na rin sa pasasalamat ko, timing naman kasi na pupunta din sila April.

"Titingnan ko," nakangiti n'yang sabi.

"Erica," tawag ni Brandon sakin.

"Sige asahan ko kayo bukas," sabi ko at agad umalis.

Nakatitig pa rin si Brandon kay Josh kahit na nasa harap n'ya na ako. Hinawakan ko braso n'ya at hinila na para pumasok na kami sa office.

"What was that?" Tanung n'ya sakin na pagalit habang pinaandar ko ang aircon.

"Inimbitahan ko s'ya sa bahay. Pupunta din kasi sina April kaya-"

"Are you serious?" Tanung n'ya at tumayo sa harap ko. "You should have told me na may bisita ka bukas."

"Bakit?" Nagkunot noo akong napatanung sa kanya.

"It is my mom's birthday tomorrow. At kailangan magpunta ako dun Erica."

"E di okay lang naman na ako mag asikaso sa kanila sa bahay. Sabihin ko nalang na may importante kang pinuntahan. Wala namang problema dun Sir."

"No," nagalit s'ya sakin at hinawakan bigla ang braso ko ng nagakad ako papunta sa desk ko. "I want you to come with me."

Natigilan ako sa kanyang sinabi at napatingin sa seryoso n'yang mukha. It is not an issue naman kung gusto n'ya akong isama kaso lang it is his mom's birthday, parang hindi yata tama na andun ako with him. 

"Bakit kailangan sumama ako sa'yo?" I ask because I have to know the reason.

"I want you around me," sagot n'ya at binitawan na ang aking braso.

"Sir hindi mo ako kailangan isama dun. Kasi family gathering naman kasi 'yan. If kailangan na kailangan mo ako like ipagda-drive ka pauwe, pwede mo naman ako e text or tawagan," automatic turndown ang pagyayaya n'y sakin sa birthday ng mama n'ya kasi hindi ko gustong pumunta dun, that is out of my work na rin naman.

"Can you think about it until tomorrow Erica?" he ask me.

"Sige pero hindi ko ipa-promise," sagot ko.

Ever since umalis sina Madel at Thirdy e napapansin ko na nagiging clingy na si Brandon sakin. But then with what I hear from his friends the other day, ayokong mag isip na he have the same feelings as I am towards him. Siguro he needed companion or kausap para malihis ang utak n'ya. 

The day went well naman. As usual super busy sa office at nang oras na ng uwian, I told Brandon I will head back home ahead of him kasi ayoko makita kaming magkasama. 

Naglalakad na ako outside sa exit ng Uranus ng bigla nalang may humawak sa kamay ko ng nakita ko si Brandon nagalalakad sa tabi ko ng mapalingon ako. I did not see that one coming. Yakap, halik sa noo at ngayon naman holding hands. Ano naman kaya ang susunod na gagawin n'ya na magpapagulat sa akin?

Nataranta ako at napalingon sa likuran to check if may nakatingin ba sa amin dalawa hanggang sa sumakay na kami sa kotse n'ya.

"Sir bili ka ng..." Natigil ako sa pagsasalita ng bigla nalang n'ya nilapit mukha n'ya sakin at s'ya mismo nagsuot ng seatbelt ko. "...regalo sa Mama mo." Patuloy ko at napatingin sa kanya na nagsuot ng seatbelt n'ya.

Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon