Chapter 38.

3 0 0
                                    

"Brandon?" Agad akong tumayo sa sofa at napatakbo sa kwarto n'ya.

The room is empty. Hindi ko namalayan I fall asleep watching him sa video call.

I open my phone and saw that the video call ended around 12 midnight and nag good night pa s'ya sakin. I left a message in his phone and sana walang masamang nangyari sa kanya.

Tumingin ako sa orasan at alas kwatro na ng umaga. Bakit hindi pa s'ya umuuwi? Pumasok ako sa kwarto ko at dun nahiga, hindi na ako inaantok at nag iisip kung nasaan s'ya. Wala rin naman text galing sa kanya so I texted him first, tinanung ko kung nasaan na s'ya.

Hanggang sa sumikat ang araw,nag agahan ako at naligo tapos nagbihis na para pumasok sa office. Napaisip ako baka sinadya n'yang iwanan ang susi ng kotse para e drive ko to papunta sa office. Bakit naman hindi? Marunong na ako mag drive naman at saka sabi naman n'ya pwede ko itong gamitin kung kailan ko gusto.

Winaglit ko muna sa isip ko si Brandon at nag focus mag drive hanggang sa makarating sa hardware. Wala dun truck n'ya kaya lalo akong nabahala.

"Hindi mo yata kasama si Brandon?" Tanong ni Josh ng mag abot kami sa parking lot.

"May inasikaso lang," sagot ko naman.

"Nakita ko kayo kagabi. Gusto ko sana kayo lapitan kaso paalis na rin naman kayo," napatingin ako kay Josh. Hindi naman kasi kami magkasama so it means may iba s'yang kasama.

"Saan?" Patawa-tawa kong tanong.

"Sa Tambayan. Mag-mamadaling araw na rin. Kakatapos n'yo lang yata mag inuman," sagot ni Josh at kita kong duda s'ya sa nakita n'ya kagabi.

"Ahhhh. Oo. Nakipag inuman kasi s'ya sa mga kaibigan n'ya at sinama ako."

"Ganun ba?"

Mas lalo gumulo utak ko sa nalaman ko. Baka dun s'ya natulog sa kasama n'ya kagabi. Sakit sa utak isipin na may ibang kayakap si Brandon habang natutulog at may iba s'yang hinahalikan.

I know I am stupid thinking about it. Hindi ko s'ya boyfriend at malaya naman n'yang magagawa lahat ng gustuhin n'ya kaya wala akong karapatan mag selos. But then sana naman pinaalam n'ya para hindi ako mag-alala sa kanya ng ganito.

"Mag isa ka lang?" Napatingin si Mam Carme sa likuran ko ng papasok na ako sa office.

"Opo Mam," ngumiti ako sa kanya.

"Nagwala si Brandon sa bahay nila kaninang madaling araw kaya ito, ang laki ng eyebags ko kasi hindi ako nakatulog hanggang umaga. Nag uwe ba naman ng babae dun," pabulong n'ya itong sinabi sakin.

Sakit sa heart malaman na may ibang kasama si Brandon kagabi at lalong masakit kasi sa kanila n'ya ito dinala e pwede naman sa motel.

"Kaya pala hindi sumasagot si Sir sa text ko."

"Ewan ko ang kung papasok 'yon ngayon e nagsuntukan 'yong mag ama," napabuntong hininga si Mam Carme. "Paniguradong may black eye 'yon."

"Ganun po ba Mam Carme," mas lalo akong nabahala kay Brandon sa sinabi ni Mam Carme.

"Wag mo sabihin alam mo at sinabihan kita," paalala n'ya sakin.

"Opo mam."

Pagpasok ko sa office e agad akong naupo sa upoan ko at napatitig sa bakanteng mesa ni Brandon. Nilalaro ko rin ballpen ko sa kamay at hindi ko alam anong gagawin o e re-react pagpumasok na s'ya sa office. Or baka hindi darating 'yon kasi naman mahihiya 'yon lalo pa kung napurohan at may black eye.

I left him a message asking where is he and wala pa rin sagot. Para na akong mabo-boang sa kakaisip kung nasaan s'ya at kung okay lang s'ya. I also wonder sino ang babaeng sinala n'ya sa bahay nila para magkagulo doon. For sure hindi si Cathy 'yon.

Napatayo ako ng may kumatok sa pinto ng office.  Alam kong hindi si Brandon 'yon kaya pinagbuksan ko.

"O chief?" Gulat ako sa guard.

"Mam may naghahanap po kay Sir Brandon," agad n'ya tinawag ito.

"Yes?" Tanong ko sa babae na halos labas na ang dede sa suot nito at sininyasan ko ang guard na bumalik na sa pwesto.

"Dumating na ba si Brandon?" Napasilip ito sa loob ng office.

"Wala pa si Sir dito. Pero kong importante 'yong sadya mo, nasa kabilang office si Mam Carme para mag asikaso po sa inyo Mam," pakiramdam ko iba ang pakay nito at hindi business purposes. Malakas kutob ko e.

"Si Brandon talaga sadya ko," nahulaan ko talaga e.

"Ahhhh... Sige sa loob n'yo na po hintayin."

Pinapasok ko s'ya sa office, pinaupo pero sobrang likot. Instead na maupo na lang e umiikot pa talaga sa office at nakaka distract sa ginagawa ko.

"Matagal ka na dito?" Nakatayo s'ya sa gilid ng mesa ko habang pasilip-silip sa monitor ng computer.

"Mag dadalawang buwan pa lang," pilit akong nagko concentrate kahit na ilang na ilang ako sa kanya.

"Okay," ngumiti s'ya sakin ng napalingon ako sa kanya. "Anyway, close kayo ni Brandon?" 

Natigilan ako sa tanong n'ya at tumigil sa ginagawa ko. Parang nahuhulaan ko na rin kung sino ang babaeng ito. Malaki ang kutob ko na s'ya ang inuwi ni Brandon sa bahay nila. 

"Hindi po masyado mam," sarap sabihin na magkatabi kami matulog at nagyayakapan pero di ko magawa kasi nga it is just between me and Brandon.

"So ano ka n'ya?" Nakakainis rin marinig mga tanong n'ya pero todo ngiti pa rin ako.

"Secretary, Personal Assistant saka driver," binitawan ko na ang mouse sa computer at tumayo sa kinauupoan para ilagay sa mesa ni Brandon ang mga folders na kailangan n'ya e review.

"Lage ka pala n'ya kasama. Pero baka hindi kana kailangan maging Personal Assistant at Driver n'ya kasi baka ako na gumawa nun para kay Brandon," ngumiti ako at nilapag ang folder sa misa ni Brandon.

Pabalik na sana ako sa mesa ko ng pumasok si Brandon. I look down agad at tuloy-tuloy sa mesa ko. Habang napatakbo ang babae at dire-diretsong yumakap sa kanya.

Itinoon ko ang mga mata sa monitor ng computer at hindi sila pinansin. 

"What are you doing here?" Kahit hindi ko sila tinitingnan nakikita ko pa rin naman ang nangyayari. Kita kong naupo na s'ya sa swivel chair at agad dinampot ang mga folders.

"Sinu-surprise ka," naupo ang babae sa lap n'ya at napakagat labi ako sa inis.

Kanina pa talaga ako naiinis sa kanya e kaya nakalimutan ko ng tanungin ang kanyang pangalan.

"Sorry but-"

"Sir paki check nung folders. Kailangan na kasi agad 'yan para sa mga out of stocks natin and mga babayaran natin sa mga suppliers," nainis ako e kaya napakagat ballpen ako habang nakatingin kay Brandon.

"Excuse me muna," pinapaalis n'ya ang babae na nakaupo sa mga hita n'ya, kaya lang niyakap s'ya nito.

"Namiss kita e. Mamaya na 'yan," naglalambing ang boses nito habang hinahalikhalikan si Brandon sa pisngi.

"One minute please. I really need to sign this," kaya dali-dali pinirmahan ni Brandon ang mga folder kahit hindi ni review.

"Thank you," tumayo ako sa kinauupoan ko, kinuha ang mga folder saka lumabas ng office.

At last, nagkaroon na rin ako ng excuse na makalabas sa office na may dalawang naglalampungan. Dinala ko agad ang mga folders kay Mam Carme and instead of going back inside the office e nag iikot muna ako sa loob ng hardware. Siguro naman after an hour e tapos na rin sila maglampongan.

While walking around, I talk and entertain some customers na rin para di mabagot. Mas maganda mag work as sales representative yata kaysa sa office.

After going around a few times e nag decide na akong bumalik sa loob ng office. Dire-diretso akong pumasok ang saw the woman sitting above the table facing Brandon who was sitting in the swivel chair. Okay so tapos na sila.

"Sir, wala ka po bang ipapagawa sakin today?" Tanong ko at sinasara ang bagpack ko.

Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon