Nagising ako sa alarm ng cellphone ko. It was 5:30 AM kaya I have two hours to prepare for work.
It's been two weeks ganun kaaga ang gising ko sa umaga.
Ever since iba na work ko e nagigising na ako ng maaga para mag prepare lage ng breakfast namin ni Brandon.
He prefers tea over coffee every morning. Wheat bread lang. Vegetable oil dapat sa sunny side up or scramble egg. No process food kasi nakakasira 'yon sa diet at hindi rin healthy. Mga bagay na nalaman ko tungkol sa kanya. Yes, he is health conscious.
"Sa weekend turoan kita mag drive," sabi n'ya habang papasok na kami sa work.
"Hindi na kailangan sir. Di ko naman afford bumili ng kotse," tanggi ko.
"Basta sa Sunday 'yon ang gagawin natin. Take note of that," pag s'ya na nagsalita, hindi na ako makakatanggi pa.
Matapos isulat sa note at e alarm sa cellphone ko e naalala ko na never pa kami nagkakausap patungkol sa nagastos n'ya sa renovation ng bahay.
"Sir, magkano pala nagastos mo dun sa renovation ng bahay?" Tanung ko kasi gusto malaman.
"I have a copy sa office. Saka 'yong terms and conditions nandun," sagot n'ya.
"Okay po. Hihingi ko mamaya ng copy."
"I think I should tell you. Kasi malalaman mo rin naman. I want to tell you first."
"Sir?" Napatingin ako sa kanya at napataas kilay.
"Josh is working in Uranus. I met him the other day. Three days na."
Nagulat ako sa sinabi ni Brandon. Nanlaki ang mga mata ko at kinabahan bigla.
"I talked to him already. Sinabi ko sa kanya na bawal n'yang ipagkalat na girlfriend kita kasi you wanted to kept it a secret. Tinakot ko rin s'ya na tatanggalin s'ya if ever may maririnig akong pinag uusapan ka."
Wala ako sa mood that day lalo na one week na akong hindi tinatawagan ni Brylle at hindi rin naman s'ya sumasagot sa tawag ko. Feeling ko tulog kinalimutan na n'ya ako. And nag aalala din naman sa kalagayan n'ya. It really worries me kasi naman sobrang mahal ko si Brylle.
Tapos nadagdag pa sa aalalahanin ko si Josh. Feeling ko iniinis n'ya ako kaya naisipan n'ya dun mag trabaho. I know it is not right na bigyan ko pa s'ya ng panahon pero kailangan ko s'yang kausapin at pakiusapan na lumipat ng ibang mapapasokan. Alam ko naman na wala akong karapatan gawin 'yon kaya lang, hindi ako comfortable na kasama s'ya sa iisang building.
Tahimik lang akong nakaupo sa pwesto ko at ginawa ang trabaho. Ni hindi ko naalintana na lunch break na pala.
"Erica let's go get our lunch," sabi ni Brandon.
"Busy ako sir. Ikaw nalang po. Saka di ako gutom," matamlay kong sinabi sa kanya at hindi inaalis ang mga mata sa mga stocks na need e order dahil naubosan na.
Padabog na lumabas si Brandon sa pinto at nagulat ako dahil binagsak n'ya ang pagsara ng pintoan. Pero hindi ko nalang pinansin baka naman kasi hindi n'ya sinasadya lalo pa't nagmamadali s'ya.
Kinuha ko ang copy ng paper ng product at lumabas ng office para e check kong iilan nalang ang natira kasi hindi nila naisulat ito. At kailangan mag double check.
"Eca," tawag sakin ni Josh. Hindi ko inaasahan na makikita ko s'ya sa shelves ng door locks and knobs.
Sa laki ba naman ng Uranus, bakit pa kami pinagtagpong dalawa?
"Josh," sabi ko na rin kahit na napaka awkward.
"Di ko inaasahan nandito ka pala ngayon," sabi n'ya. "Pinuntahan mo pa talaga ako."
BINABASA MO ANG
Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]
RomanceSa gitna ng pakikidigma sa sarili, masasagip ba ako ng pag ibig? O tuluyan akong malulunod?