Chapter 21.

10 0 0
                                    

Nagising ako pero hindi ko agad binuksan ang aking  mga mata ng maramdaman kong nakayakap pa rin si Brandon sa akin. Hindi muna ako gumalaw at hinintay na magising s'ya. Sarap din kasi sa pakiramdam na yakap-yakap ka habang tulog s'ya at ayoko pa kasi s'yang gisingin.

Napakagulo kong matulog, ikot dito, ikot dun pero I stayed in one position last night. Saka mahimbing din tulog ko, kadalasan kasi nagigising ako.

"Kanina pa ako gising," bulong n'ya sakin at napabitaw ako sa pagkakayakap pero ibinalik n'ya ang kamay ko sa pagkakayakap ko sa kanya.

"Hindi pa ba tayo babangon?" Tanung ko.

"Sunday," sagot n'ya. "Saka ayoko pang bumitaw."

"Kaya lang kasi-"

"Hindi mo ba na miss na may niyayakap ka habang tulog kayo pareho?  Di mo ba na miss na may yumayakap sa'yo?" Bulong ni Brandon sa akin.

Binuksan ni Brandon ang kanyang mga mata at nahuli n'ya akong nakatingin na sa kanya. Hindi na ako umiwas ng tingin, bakit pa ako mahihiya e buong gabi kami nagyayakapan.

"Good morning," nakangiti n'yang sinabi sakin.

"Good morning din Sir," tugon ko.

"Did you sleep well?" Tanung n'ya at tumitig sakin lalo. Napatango ako sa kanyang tanung. "Cuddling someone while asleep makes you sleep well."

"Talaga?"

"As if you never experience this kind of things with somebody else."

"Isa lang kasi naging boyfriend ko Sir at saka hindi s'ya mahilig sa ganitong bagay."

"After him? Wala ba?"

"Wala."

"Are you living your life Erica?" Natatawa n'yang tanung.

"Sa totoo lang... ikaw ang unang natulog na niyakap ako," ngumiti ako na may halong lungkot kasi never ko naramdaman na ganito pala kasarap sa pakiramdam na may kayakap na walang halong kaastosan sa utak.

Napatitig si Brandon sakin at bumangon na ako.

"Where are you going?" Tanung n'ya at naupo sa kama at nagtungo naman ako sa banyo para maghilamos at magmumog.

Sumunod s'ya sakin sa loob ng banyo at natayo sa likod ko. Napangiti ako habang napapatingin sa salamin.

"Sir may sarili kang banyo," sabi ko matapos mag toothbrush.

"I want to use yours."

"Toothbrush?" Tanung ko at humarap sa kanya.

"No! Of course not. Maghihilamos lang at magmumog okay?" Natatawa ako sa reaction n'ya at lumabas na ako para magawa na n'ya ang gusto n'yang gawin.

I open my closet and choose clothes to wear that day. Schedule ko mag practice ng driving so I have to wear the most comfy clothes.

"Are you going somewhere?" Tanung n'ya at ng malingon ako sa kanya ay nanlaki mga mata ko na shirtless na s'ya.

"Schedule natin today mag practice ng driving," binalik ko mga mata ko sa mga damit ko at bumalik na naman ang awkward feeling.

Bakit ba kasi hindi man lang s'ya nahihiya na magpakita ng katawan sakin? It surprises me more each day how he gets comfortable with me.

"Yeah," nakasimangot n'yang sabi at padabog na naupo sa kama.

"Pagod ka ba Sir? Kasi okay lang naman sakin na hindi na tumuloy. Wala rin naman ako plan na matuto e," napaharap ako sa kanya pero hindi makatingin dahil nga bigla na naman ako kinain ng hiya.

Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon