Pagkauwe namin sabay namin inayos ang pinamili saka kami nagpaalam sa isa't-isa na matutulog na. I wanted to tell Brandon na gusto ko katabi s'ya pero nauunahan naman ako ng hiya at pagdadalawang isip. Kahit na may something s'yang pinapakita sakin I don't want to ask him like wanting him next to me, gusto ko kasi kusa n'yang gawin.
I woke up with the smell of butter kaya agad ako bumangon at naghilamos saka lumabas ng kwarto.
There he is, standing infront of the stove cooking something while topless. Napalunok ako sa nakita ko at babalik na sana papasok ng kwarto ng mapalingon s'ya sakin.
"Good morning Erica," bati n'ya sakin.
"Good morning Sir," bati ko naman din sa kanya at agad lumapit. "Ako na d'yan."
"It's almost done," sabi n'ya.
"Ihahanda ko nalang ang mesa."
The whole time na kumakain kami e nakayuko lang ako, hindi ko gustong tingnan si Brandon na dini-display ang katawan sa harapan ko. He is hot in his own way, wala man 6 packs e attractive pa rin. He is so damn attractive that is why maraming napapalingon o napapatitig sa kanya. I know for sure alam n'ya 'yon.
After ng breakfast namin, s'ya naghugas ng mga pinagkainan kaya diretso ako sa room to get my cigarettes a diretso na akong nagpunta sa likod bahay.
"Coke?" tanung n'ya nang puntahan n'ya ako sa likod bahay at napatango naman ako sabay upo sa tabi n'ya.
"Pwede bang magtanung?" I been meaning to ask him something kasi at napatingin lang s'ya sakin while waiting for me to ask him. "Ganito ka ba talaga? I mean. Ganito ka ba sa mga kaibigan mong babae? Yong ginagawa mo ba sa akin, ginagawa mo din ba sa kanila?"
"No," walang pagdadalawang isip n'yang sagot sa akin.
"You mean sa akin ka lang ganito?"
Napatitig lang s'ya sakin at ganun din naman ako. Tinitingnan ko ng mabuti ang reaction n'ya if he is lying or telling the truth. Kaya lang hindi ko mabasa ang nasa isip n'ya. His eyes and emotion shows nothing.
"Why are you asking me that question?" Ayaw n'ya sagutin tanung ko so malamang may tinatago. "I mean the important thing is magkasama tayo ngayon, magkatabi at magkausap."
Tama nga naman s'ya. Kaya lang ayoko kasing isipin na special ako sa kanya kaya gusto ko sana sagutin n'ya ang tinatanong ko. Lalo na minsan napapansin ko he is too private sa buhay n'ya.
"Sorry if nakukulitan ka sakin."
"It's okay."
Naubos ko na ang baso ng coke ko at patayo na sana ng hawakan n'ya ang aking kamay at pinigilan akong umalis kay napaupo ako ulit.
"I have some friends wanting to catch up with me," sabi n'ya.
"E di magpunta ka. Rest day mo naman Sir kaya mas maganda mag-aliw-aliw ka din minsan," nakangiti kong tugon sa kanyang sinabi.
"How about you come with me?" yaya n'ya sa akin at napatitig lamang ako kasi nababahala ako na baka malaman ng family n'ya na pati rest day e kasama n'ya ako. "We can dress up like we came from a meeting with a client or supplier, just in case."
"Okay lang kaya? Hindi ba ako disturbo sa'yo?" I ask na nag-aalangan sumama.
"Why would you be a disturbance? Come on. It will be fun."
Sumama ako kay Brandon dahil naingganyo n'ya ako na sumama sa kanya. So like he told me, nagbihis ako ng formal at ganun naman s'ya. He cold go alone pero pinili n'ya pa rin akong isama at naghanap pa talaga s'ya ng paraan para masama n'ya ako.
"I'll introduce you to them tapos sumakay ka nalang sa sasabihin ko. And then don't talk unless kinausap ka nila," paalala n'ya habang papasok na kami sa bahay ng friend n'ya.
As he said get together lang ng mga friend n'ya and nakahinga ako ng maluwag ng makitang kaunti lang sila na andun.
"Bro!" Sigaw ng mga ito at saka isa-isang nakipag bro-hug sa kanya.
"Thanks for the invite and sorry if na late. I met a supplier pa kasi. I mean we," sabi n'ya. "Anyway, this is my Secretary, Erica," pakilala n'ya sakin at ngumiti naman ako sa kanila. "This is Thomas, Arch, Neil, Bert and Raplh," pakilala n'ya sa mga kaibigan n'ya sakin. "And you have met Cathy, Gwen and Mariz."
"Upo na kayo," sabi ni Thomas.
Nakinig lang ako sa kanilang usapan dahil hindi naman ako makasabay. Dapat talaga hindi nalang ako sumama kay Brandon kasi mangyayari talaga ang ganito lalo pa't di ko naman sila kilala.
"Single?" Tanung ni Thomas sa akin ng tumayo si Brandon para samahan si Ralph, Gwen at Cathy na bumili ng beer sa labasan ng bahay ni Thomas.
"Oo," sagot ko naman.
"Single din," sabi n'ya at ngumiti sakin.
"Ganun ba?" wala kasi akong ibang masabi.
"Single ka naman, single din ako baka pwedeng humingi ng number mo?" Tanung ni Thomas at diretsong kinuha ang cellphone ko at nilagay ng number n'ya sa contacts at saka tinawagan ang kanyang cellphone.
Napatingin lang ako sa kanya at natawa naman ang mga naiwan kasama namin. Ibinalik naman ni Thomas ang cellphone ko at pilit akong napangiti.
"Lagot ka kay Brandon," sabi ni Bert at nilagyan ng beer ang baso ko.
"Saan ba ako natuto? E di ba sa kanya?" Tanung ni Thomas at nagtawanan silang lahat.
"Bestfriend nga kayo," sabi ni Gwen.
"Baka matakot ka sakin Erica. Joke ang namin 'yan," sabi ni Thomas. "Pero totoo naman talagang matinik sa babae si Bradon. No wonder bakit ikaw ang pinili n'ya kasi ikaw ang type n'ya."
"Si Mam Carme nag hire sakin," sabi ko naman.
"Pero tumagal ka. Dati wala naman tumatagal sa kanya kasi sinusungitan n'ya," sabi naman ni Gwen.
"Anong pinagsasabi n'yo sa Secretary ko?" Tanung ni Brandon at naupo ulit sa tabi ko.
"Wala. Sinabi lang namin matinik ka sa chicks," natatawang sabi ni Thomas.
Napatingin ako kay Brandon at kita kong hindi s'ya makitingin sakin. So it is true na matinik pala s'ya sa babae.
"Hindi pwedeng walang chicks si Brandon. At dapat every week bago para fresh," dagdag ni Neil.
"That was me before," pangangatwiran ni Brandon.
"Talaga?" Tanung ni Ralph. "Aan na 'yong sinabi mong hindi pwedeng magapos si Brandon sa iisang babae ha?"
"Oy dati 'yon. Gago 'tong mga 'to," sabi ni Brandon.
"Saka na kami maniniwala pag may pinakilala ka na samin na pakakasalan mo," sabi naman ni Thomas.
At that moment naisip ko na hindi pala talaga tama na umasa ako na one day mapapansin n'ya na may nararamdaman ako para sa kanya. Baka naman kasi para sa kanya, I am just a friend at baka pagnalaman n'ya e pagtatawanan lang ako ni Brandon at iwanan bigla. Ayaw n'ya naman pala sa stable relationship kaya dapat maging maingat ako para hindi ako iiyak sa huli. Mahirap na lalo na ngayon, I feel something towards him.
"Okay ka lang?" Tanung ni Brandon as we are heading back home.
"Oo Sir," sagot ko at napabuntong hininga. "Naparami yata inum ko at inaantok ako."
"Sorry sinama pa kita."
"Okay lang po. At least nakalabas then ako at nakilala ang mga kaibigan mo."
Pagkadating sa bahay, diretso na ako sa kwarto. Wala ng paalam-paalam pa sa kanya. Hindi naman siguro obvious masyado na affected ako sa nalaman ko about him.
"Is there a problem?" Tanung n'ya sa text.
"Wala po Sir. inaantok na talaga ako. Saka need magpahinga ng maaga lalo pa't may pasok pa bukas," sagot ko sa kanya.
"Okay. See you tomorrow Erica. Good night."
"Good night sir."
BINABASA MO ANG
Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]
RomantizmSa gitna ng pakikidigma sa sarili, masasagip ba ako ng pag ibig? O tuluyan akong malulunod?