Chapter 47.

3 0 0
                                    

"I found a site. It's perfect for my own hardware," habang binabasa ang chat sa messenger ni Brandon while taking my lunch break sa malapit na carinderia e parang naririnig ko ang kanyang boses na tuwang-tuwa.

"Masaya ako at masaya ka. Kaya go for it!" Reply ko kay Brandon na binibigyan s'ya ng dagdag ng lakas ng loob.

Nag send s'ya ng maraming pictures sakin sa lupang gusto n'yang bilhin and I find it perfect too.

"Ano masasabi mo?" As if naman my opinion is needed.

"Perfect nga. Bilhin mo na at baka maunahan ka pa ng iba," sagot ko naman at hindi maalis ang ngiti ko sa aking labi kasi he have to ask me about it.

"I have checked three locations and I sent you photos of it too."

Nag send s'ya ng picture from the other two locations na pinuntahan n'ya. Still I choose the first photo na nakita ko kasi it is really perfect.

"Yong una pa rin. Maganda 'yon."

"Okay. I'll buy it and take you here pag di ka busy."

"Mag lunch ka muna," paalala ko sa kanya.

"I will. Lunch ka na rin. I'll chat you later."

"Okay Brandon :) Ingat ka."

Pagkatapos kong kumain agad ako nagpunta sa cashier para magbayad and see cigarettes sa counter. Na tempt akong bumili ng isa kasi I feel the need to smoke. Paglabas ko ng carinderia e naalala ko ang sinabi ni Brandon na if I smoke, he will not come home to visit me kaya binali ko ito at itinapon sa basurahan. Sakto naman na dumating si Paul.

"Tapos kana kumain?" Napatingin s'ya sa sigarilyong tinapon ko.

"Oo. Kakatapos lang," sagot ko naman. "E ikaw?"

"Tapos na din."

"Okay," sabi ko naman.

"Bibili lang kasi ako ng tubig kaya napadpad ako dito. Dun kasi ako sa kabila kumain. E malayo na ibalik dun," siguro kailangan n'yang makipag usap sakin ng matagal kaya kahit hindi ko naman tinatanong kung bakit s'ya nandun e sinabi na n'ya sakin. "Sabay na tayo bumalik."

"Sige. Hintayin kita dito," sabi ko at humanap ng lilim para maghintay sa kanya.

After a few minutes lumabas na rin si Paul. Diretso s'yang lumapit sa akin at inabutan ako ng bottled water.  I smile at him while saying thank you. Saka naglakad na kami pabalik sa Uranus na hindi naman kalayoan.

"Matagal na kayo ni Brandon?" Tanung n'ya ako bigla at napatingin ako kay Paul.

"Almost two months na yata," pagsisinungaling ko.

"So naging kayo pala nung nag work kana sa kanya?" Agad ako nag isip ng palusot kasi baka mahuli n'ya akong nagsisinungaling.

"Officially naging kami nung nagkita na kami in person. Sa chat kami nagkakilala at nagkaligawan."

"Kaya pala nasa dating stage pa kayo kasi kakakilala n'yo lang dalawa."

Continuing the lies that me and Brandon are together makes me think that we are dating for real. Selective people lang ang may alam na kami, I mean sa pagpapanggap namin iilan ang ang niloko namin, still mali pa rin ang ginagawa namin. Walang magandang idudulot ito lalo na sa akin na lumalalim na ang nararamdaman para kay Brandon. Pilit ko na nga lang tinatago ang aking totoong nararamdaman sa kanya dahil natatakot ako na baka lumayo ang loob n'ya sa akin.

"Paano mo nakuha ang posisyon mo sa hardware?" Curios kasi ako kaya na patanong. Ang alam ko kasi family related lang dapat ang malagay sa ganun position.

Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon