Chapter 42.

5 0 0
                                    

"You should have told me where are you going," titig na titig sa akin si Brandon and slowly slide his hands on mine.

Paano ko naman sasabihin sa kanya e hindi nga s'ya sumasagot kahit sa text ko man lang.

"Seriously? Kilala mo talaga 'to?" Nagpipigil ng tawa si Grace na noo'y hindi makapaniwalang kilala ako ni Brandon.

"Is anything wrong about it?" Naka tiger look na naman si Brandon habang nakatingin kay Grace at mas mahigpit na ang hawak n'ya sa kamay ko.

"Mop girl! Ano? Customer mo 'yan?" Natatawang sabi ni Nikki.

Napayoko ako sa hiya. Hindi dapat nakikita ni Brandon ang ganitong situation. Nakakahiya na masaksihan n'ya gaano ako ka weak around these people.

"Are these your loser friends?" He smirk and pull me away from Grace. "At ikaw, dinala mo s'ya dito para lang ilagay s'ya sa ganitong situation. For what reason?" Nag abot ang kilay ni Brandon habang nakatingin kay Paul.

"I invited her," Lumapit si Grace at nakatayo ng malapitan kay Brandon. "We are just having a little reunion here and making fun."

"I don't want you to make fun of her. Like you did to other people you invited over for the past days," inakbayan ako ni Brandon at umatras s'ya palayo kay Grace.

"Erica tell this man over her that we are just having fun," utos ni Grace sakin lalo na umiinit na ang paligid at lahat sila galit na ang mga mukha.

"Making fun with my girlfriend is no fun at all," napatingin ako sa mukha ni Brandon.

Bakit pag ganitong sitwasyon lagi nalang sinasabi n'ya boyfriend ko s'ya? Bakit di nalang close friend? Sinasadya n'ya ba talagang angkinin ako and then make me fall inlove more on him?

Napuno ng tawanan ang lugar except for Paul. Nakita n'ya na kasi si Brandon sa bahay and he look confused about what Brandon was telling everyone.

"Erica ako na maghahatid sa'yo pauwe," offer ni Paul.

"Oo. Ikaw rin naman kasama ko-"

"No!" Napataas ang boses ni Brandon. "I can't trust you anymore."

"Seriously girlfriend n'ya ba talaga 'to?" Tanong ni Grace na napalingon kay Paul.

"Tara na," hinila na ako ni Brandon palabas ng unit ng bigla akong tumigil dahil naramdaman kong may nakahawak sa kabila kong kamay.

"Paul," nainis na sabi ni Grace.

"Hindi ka n'ya boyfriend," ngiting pang iinis ang binigay ni Paul kay Brandon na noo'y napalingon na rin.

Haba ng hair ko. Pinag aagawan ng dalawang lalaki at any moment ay magsasapakan na.

"Tama na!" Napataas ang boses ko at parehong tinanggal ang mga kamay nila na nakahawak sa mga kamay ko.

Nang mabitawan na nila ako, e kusa na akong lumabas sa unit ni Grace at dali-daling pumasok sa elevator. Ayoko kasama si Brandon o si Paul dahil nakakagulo lang sila pareho. I leave the building at agad sumakay ng taxi pauwe.

"I want to talk to you," text ni Brandon sakin na binasa ko habang nakasakay ng taxi.

"Ayoko makipag usap dahil wala tayong dapat pag usapan," nagmamatigas ako hindi dahil para habulin kundi para malaman ni Brandon na hindi n'ya ako pwedeng paglaruan kong kailan n'ya gusto.

If only alam ko dun din pala ang unit ng condo n'ya, hindi na ako sumama pa kay Paul.

Bigla nalang nag preno ang driver ng taxi at muntik pa mahampas ang ulo ko sa upoan. Buti nalang agad kong naharang ang mga kamay ko.

"Manong anong nangyari?" Kinakabahan ako sobra sa nangyari at agad nag check ng sarili.

"Pasensya kana po Mam. May bigla po kasing humarang na truck sa harap natin," nakita kong truck ito ni Brandon.

"Manong tara na bilis," natataranta kong sabi sa kanya.

Binaba ng driver ang bintana n'ya at napapikit nalang ako sa inis ko.

"Take this at pababain mo 'yang pasahero mo sa likod," sabay abot ng isang libong pera sa driver.

"Mam pasensya na po," Narinig ko ang driver ng pababa na ako sa kanyang taxi.

Pagkababa ko agad naman umalis ang taxi at naiwan akong nakatayo sa gilid ng daan habang iniiwas na tumingin kay Brandon.

"Ano ba?" Pagalit kong sabi ng hawakan n'ya kamay ko.

"E uuwi kita," at halos kaladkarin na ako papunta sa truck n'ya.

Hindi ko dapat hinahayaan si Brandon na gawin lahat ng gusto n'ya pagdating sa akin. Dapat may limitation s'ya at hindi basta-basta nalang ng hihinasok sa buhay o basta nalang hawakan ako kung kailan n'ya gusto as if may karapatan s'ya sa akin.

"So Paul ha?" Napatingin ako sa kanya sa gilid ng mga mata ko at kita kong ilang ulit n'ya ng sinusuklay-suklay ang buhok n'ya gamit ang isang kamay.

"Classmate ko si Paul nung highschool. Ano ba masama dun? Kung... Kung nakipag inuman ako sa mga classmates ko?" Napakawalang kwenta ko talaga makipag usap.

"No... Nothings wrong about that Erica," at nang-iinis pa talaga s'ya the way s'ya magsalita that moment.

"Ganun naman pala e. Bakit ka galit d'yan?"

"Whats wrong is hinahayaan mo silang gawin kang katatawanan!"

"Nagkakatuwaan lang naman kami dun Brandon!"

"Are you back again pleasing people? O baka naman hinahayaan mo sila kasi wala kang paki dahil nag e-enjoy ka kasama si Paul?"

Di ko na talaga mapigilan at napalingon na talaga ako sa kanya. Hindi ko maintindihan si Brandon, may times na sobrang over protective n'ya sakin at may times naman na wala s'yang pakialam. May times na naiinis s'ya for no reason, at nagagalit din naman kahit hindi dapat. Napakahirap n'ya intindihan kasi pabagobago ang trato n'ya sa akin which makes me ask myself kung ano ba talaga ang stand ko sa buhay n'ya. Confusing din dahil pinaparamdam n'ya na mahal n'ya ako and then after how many days nagiging cold.

"Nagseselos ka ba?" Diretsahan tanong ko sa kanya.

"Why would I get jealous? Ano ba kita?" Napangisi na lamang ako kasi sinagot n'ya ang tanong ko na pasagot din. Halatang ayaw sagutin ang aking tinatanung.

"Wala. Secretary. PA. Tagaluto. Minsan driver. Saka nagbibigay ng libreng sex, hug at kiss. Wala... Wala lang ako para sa'yo," sagot ko at gustong-gustong sampalin si Brandon.

"I don't mean that way," bigla s'yang napa preno at napatitig sakin.

"E ano pala talaga ako sa buhay mo?" Tinitigan ko din s'ya.

"Friend," napangiti nalang ako sa sagot n'ya. At least kaibigan ang sinagot n'ya hindi Secretary. "I like you as a friend."

"Dapat hindi ma attached, hindi ma fall pero dapat open sa isa't-isa," nakangiti kong pinaalala sa sarili ko at saktong nag go signal ang signal light kaya nagpatuloy sa pag da-drive si Brandon.

"Hey," hinawakan n'ya kamay ko ng mahigpit at hinalikan. Mga ganyang galawan ang nagpapa confuse sa utak ko e. "I'm sorry."

"I'm sorry din kasi hinayaan ko ang sarili ko ma-attached sa'yo at na fall na rin ako sa'yo," pinigil ko ang sarili na hindi maiyak.

"We can still fix that Erica."

Paano? Paano n'ya aayusin ang puso ko? Ayoko rin naman sa nararamdaman ko e kasi natatakot ako, kaya lang hindi naman natin pwedeng pigilan ang nararamdaman. Kaya sobrang hirap para sakin ang sitwasyon ko.


Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon