Chapter 55.

5 0 0
                                    

It's been 10 days since huli kaming magkita ni Brandon. That was the last time he went sa bahay. Well panaka-naka na rin s'yang mag text and it seems hindi na s'ya interested sakin. or baka iniiwasan na n'ya rin ako kasi na guilty s'ya after sleeping with me after officially announcing na engaged na sila ni Cathy.

I focused myself working, dapat lang kasi marami akong binabayran lalo na ngayon na wala na akong kahati sa bills sa bahay.

"Erica! Erica!" Tawag ni Josh sakin habang nag a-item check ako.

"Ano?" nagtataka kong tanong.

"Tita mo nasa labas hinahanap ka at gumagawa ng eksena," sagot ni Josh. "Kasama n'ya si Ange."

"Jerson, babalikan ko nalang ulit 'to," bilin ko.

"Okay Miss Erica," tugon ni jerson.

"Baliw ka na ba?" Bigla akong hinila ni Josh at pinigilan. "Alam mo naman ang mangyayari paglumabas ka dun."

"Problema ko na 'yon Josh," pagalit kong sabi.

"Erica pwede ba-"

"Pwede hayaan mo ako Josh. Pakikiusapan ko lang naman sila."

Naabutan ko si Tita Agnes na inaaway na ang mga guard dahil gusto nitong palabasin ako at ganun din si Ange. Nakakatakot man humarap sa kanila pero hindi pwedeng pabayaan ko nalang sila manggulo.

"Ako na bahala," sabi ko sa dalawang guard.

"Okay po Miss Erica," sabi naman ng mga ito at iniwan na kami.

"Pinagtatagoan mo ba kami?!" Tanong agad ni Tita Agnes at binato ako ng pamaypay dahil sa kanyang galit. 

"Hindi ko po kayo pinagtatagoan Tita. Busy lang ako sa trabaho," magalang na sagot ko.

"Ilang araw ko na hinihintay ang padala mo! Kasi kailangan na kailangan bayaran ang lupa e! Gusto mo ba talaga kami mapalayas dun?!" Sigaw n'ya sakin.

"Ano po bang sinasabi n'yo? Hindi naman ako nangako na magpapadala sa inyo Tita," nagtataka ako kasi wala naman kaming pinag-usapan na ganun. 

"Asan na 'yong lalaking nangako ha? Matino kaming ng-usap e. Pinalampas ko na nga lang na binigyan ako ng 10 thousand dahil ipapadala n'ya ang kalahati. Hanggang ngayon wala pa rin. Alam mo naman Eca na nasa 200 thousand na ang utang nami sa pinagsanlaan. Tapo minamaya-maya n'yo pa ako."

"Wala akong alam sa sinasabi n'yo Tita," wala talaga akong alam dahil mula nung nagpunta sila sa bahay ay hindi ko na ulit sila nakita pa at hindi ko rin alam kung sinong lalaki ang tinutukoy nila. "Saka pag-usapan natin ito ng maayos po."

"Ano tingin mo sakin gumagawa ng kwento?!" Pinalo ni Tita Agnes ang ulo ko."Sinungaling!" Pinalo na naman n'ya ito hanggang sa naitulak ko s'ya dahil nasasaktan na din ako sa kanyang ginagawa.

"Sorry Tita," natakot ako kaya sinubukan ko s'yang hawakan pero pinaghahampas n'ya ako ng ilang ulit.

Marami nang tao ang nanood sa pag-iiskandalo ni Tita Agnes at ni Ange. Nanginginig na rin ang katawan ko sa takot ko sa kanila at namamawis.

"Napaka walang kwenta mo!' Sigaw ng Tita ko.

"Hindi ko naman po obligasyon na bayaran ang utang n'yo kasi utang n'yo naman 'yon Tita. Bakit ako ang pinapaako n'yo?" Nilakasan ko ang loob ko para masabi lang iyon.

Malutong na sampal ang inabot ko kay Ange. Tumitig lang ako sa kanya dahil wala naman akong ibang magawa. Mas lalo lang sasama ang tingin nila sa akin pag lumaban ako.

Nanikip ang aking dibdib at hindi na ako makagalaw sa kinatatayoan ko. 

"Lakas din ng loob mo na magsalita ng ganyan. Ano? Porke't ganda ng trabaho mo ngayon e nagmamataas ka na sa amin. Papaalala ko lang sa'yo ha na-"

"Please Ange. Nakikiusap ako, wag kayong gumawa ng gulo," natataranta ako kasi alam ko ang lalabas sa kanyang bibig kay nakiusap ako.

Tinulak ako ni Ange at hinila ang buhok ko. Hindi naman ako makalaban dahil sa takot na ipagsabi n'ya ang bagay na ayaw kong malaman ng iba.

"Ginagalit mo ako e. Kaunting pera lang naman hinihingi namin tapos nagdadamot ka pa," natatawang sabi nito. "Akala mo ang linis mo e di ba nga nilandi mo ang Papa ko," hinila n'ya ang suot kong satin blouse at napunit ito. "Masarap ba ang Papa ko?" Nakatingin lang ako kay Ange habang tinatakpan ang hubo't hubad kong katawan. "O sa mga nakikinig d'yan. Itago nyo mga asawa at boyfriend n'yo. Kasi itong mabait kong pinsan e nangunguha ng asawa o boyfriend. Makati kasi."

Naiyak ako sa sinabi ni Ange at sa sobrang hiya ko e hindi ko na kaya pang tumingin sa mga taong nakapalibot sa amin.

"Pokpok ang babaeng 'yan," dagdag ni Tita Agnes. "Asawa ko kinama n'yan." Napakaduming babae! Pweeeh!"

"Hindi 'yan totoo!" Sigaw ko. "Hindi totoo ang mga sinsabi n'yo. WAla akong ginawang masama."

"Gaga ka pala e! Ayaw mo pa aminin? Bakit nahihiya ka na lumandi ka ng kay aga-aga?"

Naririnig ko ang bulongan ng mga tao sa paligid ko, alam ko na ako ang pinag-uusapan nila. Siguro nandidiri sila sakin dahil sa sinabi ni Tita Agnes at ni Ange. 

Bigla nalang nahirapan akong huminga at todo ang pamamawis ko. Nanghina na rin ang aking mga tuhod kaya bumagsak ako sa kinatatayoan ko at nahihilo ako. Kita ko tawa ng tawa ang Tita ko at si Ange na para bang mga demonyong nakaharap sa akin.

I remember everything at that moment, I was eight years old nung na rape ako ng Tito ko. I could hear myself screaming sa paghingi ng tulong at nagmamakaawa sa kanya na 'wag gawin iyon sakin pero pinagpatulog n'ya pa rin gawin 'yon. Wala naman dumating para tulungan ako. Umiiyak ako noon sa sakit at pinilit lumaban sa kanya pero dahil nga sobrang bata ko pa hindi ko man lang magawang ipagtanggol ang sarili ko. Naramdaman ko ulit ang sakit sa oras na 'yon, naramdaman ko ang takot na naramdaman ko dati habang tinututukan ako ng kutsilyo sa leeg. Ayokong maalala ang mapaet na dinanas ko sa kamay ng demonyong iyon at ayoko nang balikan pa ang mga panahon na iyon. Mga panahon na wala man lang naniwala sakin maging ang sarili kong ina.

"Erica," Brandon grab me pero itinulak ko s'ya.

"Wag mo akong hawakan!" Sigaw ko. "Layoan mo ako!"

"Naging lokaret na," sabi ng Tita Agnes.

"Please take them away!" Galit na sabi ni Brandon.

The painful memory that was flooding into my brain cause me to feel like I was back at that moment. Natakot ako and I keep scratching my neck until it bleeds. Ang tingin ko sa mga tao e pinagtatawanan ako and then I feel my heart stop beating.

Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon