Chapter 57.

4 0 0
                                    

It's been four days since nangyari ang scandal sa Uranus. From that time wala na naman akong narinig from Brandon. Hindi ko naman s'ya ma- chat kasi baka mkita ni Cathy at maging sanhi pa ng away nila. 'Yong dating number n'ya out of coverage area na rin.

First day ko na pumasok ulit and kinakabahan man, I have to go and work to survive. I believe naman sa sinabi ni Paul at siguro naman totoo ang sinabi n'ya na naiintindihan nila ang sitwasyon ko.

Gumaan-gaan kaunti ang pakiramdam ko, hearing my co-workers greeting me with a smile.

"Erica," nagulat si Mam Carme sa pagdating ko. "Hindi ba pinaalam sa'yo ni Paul?" Tanong n'ya sakin.

"Ang ano po?" Confused ako sa tinatanung ni Mam Carme at nakita ko na may pag-aalala sa kanyang mga mata. "Wala po kasi akong natanggap na text or call galing kay Sir Paul."

"Come," hinawakan ni Mam Carme ang aking kamay at dinala ako sa kanyang office.

"May problema po ba Mam?" Tanong ko ng nasa loob na kami ng office ni Mam Carme.

"Upo ka muna," sabi nito at umupo naman ako.

Nakita kong napabuntong hininga si Mam Carme at ngumiti sakin.

"Okay na po ako kung 'yon ang gusto mo pong sabihin," sabi ko naman.

"No, I mean yes gusto ko malaman din 'yan. And I am glad you're doing good now. Kaya lang Erica we have a problem sa work mo."

Nang marinig ko 'yon, alam ko na kaagad kung ano ang problema. It's either tanggal ako o may pumalit na sa akin while wala ako.

"Tanggal na ba ako sa trabaho dito dahil sa nangyari?" nakakalungkot man pero I want to know the reason why I have to leave my job.

"Hindi tungkol dun. We got you covered by that kaso... hindi ka na namin ma-cover kay Cathy na nagse-selos sa'yo. I hate to tell you this but ayaw na ng family ni Brandon lalo na ng Mama n'ya na magtrabaho ka dito. Kaya pinapapalitan kana as Secretary."

Tulad ng napapanood nating telenovela, ng e-exist din pala ito sa totoong buhay. Never ko inakala na tatanggalan nila ako ng work kahit na I give my all. So, wala na akong magawa kasi ang may ari na nag decide e. May laban ba ako?

"Okay lang po Mam Carme. Makakahanap rin naman ako ng ibang trabaho," I flash my smile para hindi ako magmukhang kawawa at talunan sa harap n'ya. "Saka iniiwasan lang nila na magka problema ang relationship nila ni Sir Brandon."

"Sorry Erica. I am so sorry. Kung may magagawa lang sana ako e."

"Thank you Mam Carme. Naiintindihan naman kita na ginagawa mo lang din po ang trabaho mo. Wag po kayo mag-alala sakin, makakhanap rin naman agad ako ng work."

Lumabas ako ng office ni Mam Carme at nagpunta sa office ko para kunin ang mga naiwan kong mga gamit. Hindi ko pa alam kung saan ako mag-a-apply pero sana naman hindi ako pahirapan makahanap agad ng trabaho.

Sobrang naaawa ako sa sarili ko kasi lage nalang akong pinagkakaitan ng magandang bagay. Pinanganak na siguro talaga akong malas kaya siguro ang gulo ng buhay ko.

Pagkalabas ko ng office sakto naman na dumating si Paul. Agad n'yang kinuha ang dala-dala kong box.

"Thank you," nakangiti kong sabi.

"Sorry. Matigas talaga si Cathy," sabi ni Paul at nadidismaya. "Kahit pakiusapan ko s'ya e hindi s'ya nakikinig."

"Okay lang. natural lang din naman sa kanya na magselos sakin. Saka makakahanap rin naman ako agad ng mapapasukan."

"Saan ka mag-a-apply?" Tanong ni Paul. "Gusto mo tulungan kita?"

"Kahit saan," sagot ko. "Kaya ko na rin naman sarili ko Paul. Kaya 'wag ka masyadong affected."

"Nag-aalala lang ako sa'yo. Biglaan ka kasing pinatanggal. Wala man lang extension para naman makapaghanda ka."

"No need na at kahit naman hindi nila ako tanggalin  aalis rin naman ako dito."

"Bakit ka naman aalis?"

"Nangako kasi ako sa kapatid ko na susundan ko s'ya sa US. Nakakita ako ng pinakamadaling paraan para makarating agad dun."

"Pinakamadali? Are you telling me you are going to marry a foreigner?" Hula n'ya at natawa naman ako kasi hindi ko inisip na 'yon ang papasok sa utak ni Paul.

"Hindi," sagot ko. "Mag-aaral ako ng Caregiving."

Tumawa si Paul at ganun na din ako.

"Akala ko talaga e magfo-foreigner kana."

"Hindi noh."

"So... mag-uumipisa ka ng mag aral?"

"Baka. Kung makakita na rin ako ng trabaho. Kasi mahirap naman mag aral for six month tapos wala akong trabaho. Marami kasi akong binabayaran."

"At least you are living the life. Goodluck Erica."

"Thank you."

Hinatid n'ya ako hanggang sa kotse ni Brandon. Tulad ni Mam Carme at Paul, mabigat din ang loob ko dahil aalis na ako sa Uranus. I lost my dream job kaya parang nakakawalang gana na rin yata maabot 'yong goal ko na magka business one day. Alam ko naman kasi sa fastfood chain na naman ang bagsak ko nito.

"If you need help or anything. Please call or text me," sabi ni Paul at nilagay sa loob ng kotse ang mga gamit na binitbit n'ya.

"Si Brandon?" Tanong ko kay Paul.

I know it is wrong to ask Paul about Brandon kasi kapatid s'ya ni Cathy. Kaya lang hindi ko maiwasan tanungin s'ya lalo na't alam ko na alam n'ya nasaan ito.

"Cathy and him are both busy with their upcoming wedding. Tapos busy din si Brandon sa pinapatayo n'yang hardware," sagot ni Paul. "

"Ganun ba," ngumiti ako kahit na sakit sa puso marinig n ikakasal na pala s'ya.

We haven't say our last words to each other, at sa tingin ko malabo na yatang magkita kami lao na ngayon piang iinitan ako ni Cathy. Baka nag iingat lang din si Brandon kaya hindi s'ya nagpapakita or humahanap ng paraan para makausap ako.

"Erica are you okay?" Tanong ni Pau habang hawak ang braso ko ng muntik na akong matumba dahil nahilo ako bigla. "Upo ka muna," sabi n'ya at binuksan ang pinto ng kotse at pinaupo n'ya ako.

"Nahilo lang ako. Siguro dahil na rin sa init ng panahon," sagot ko sa kanya at hinilot-hilot ang ulo ko.

Ilang araw ko na rin nararamdaman na mabigat ang aking katawan at bigla akong nahihilo. I don't know if dahil iyon sa stress ko or it was an after effect nung inatake ako ng PTSD ko. 

"Kuha muna ako ng tubig," hinawakan ko ang braso ni Paul at pinigilan s'yang umalis.

"Wag na. Okay na ako. Baka kailangan ko lang ng pahinga," ngumiti ako kay Paul.

"Sure ka ba na okay ka lang talaga? Namumutla ka nga e."

"Oo okay na ako. Uuwe nalang ako at magpapahinga."

"Ingat ka."

"Oo. Bye Paul."



Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon