Nagising ako sa init ng araw na tumama sa mukha ko mula sa bintana ng kwarto. Di ko namalayan nakatulog pala ako sa kwarto ni Brylle.
Agad ako bumangon sa kama at naligo na.
Kinuha ko 'yong mga damit na pinamili sa akin kahapon ni Brandon. Siguro naman malinis ito dahil nakalimutan kong labhan kagabi. Wala rin naman kasi akong maisuot kaya kahit ayokong isuot 'yon haang nangangamoy galing mall, e no choice ako.
Pinili ko 'yong peach na longsleeve at nagsuot ng ankle length skinny jeans. Nag tuck in ako at isinuot ang brown na sperry. I pull my hair up again at naglagay ng neutral color na lipstick.
Okay! Ready na ako pumasok.
Hindi na ako nag breakfast pa kasi ma le-late na ako. Nakalimutan ko kasing magpa alarm kagabi.
Naglalakad ako sa sidewalk ng biglang may bumusinang kotse sa akin. Nainis pa ako at patuloy na naglakad pero bumusina ulit ito. Huminto ako sa paglalakad at napalingon. Dahan dahan lumapit sa akin ang kotse at nang matapat na ako sa passenger side na bintana e bumaba ito kaya napasilip ako sa loob.
"Sir Brandon," nagulat ako ng makita s'ya.
"Papasok ka na?" Tanung n'ya kahit obvious naman.
"Yes sir," sagot ko na parang nauumay na sa kaka yes sir ko.
"Sabay na tayo. Napadaan kasi ako at tama naman nakita kita," sabi n'ya.
Napangiti ako at binuksan ang pinto sabay hubad ng backpack ko na binili n'ya kahapon.
"Seatbelt please," sabi n'ya.
Binigla ko ang pagkakahila nito kaya nag lock. Nalito ako at nag panic kaya hinawakan n'ya ito at dahan-dahan hinila pababa. Natigil ako sa paghinga dahil sa nagkalapit naming mukha. Bumalik lamang ang aking ulirat ng marinig ko ang tunog na naka lock na ang seatbelt.
"Di kasi 'yan binibigla," sabi n'ya at nagsuot ng shades.
"Sorry sir. Di kasi talaga ako sanay na sumakay ng ganito."
"Ngayon alam mo na."
Napangiti lamang ako at napatingin sa labas ng bintana habang nagda drive s'ya.
Kapwa kami tahimik hanggang sa dumating sa hardware. I am so glad hindi ako na late at nakita ko ang ibang employee na nakatayo o di kaya nakaupo sa labas at naghihintay na magbukas ito.
"Good morning sir," bati ng mga ito sa kanya.
"Good morning mam," narinig ko rin bati nila sa akin at napangiti lamang ako.
Sarap sa taenga na tinatawag akong Mam.
"Galingan n'yo ngayon," sabi n'ya sa mga ito.
"Yes sir!" Sabay-sabay na sigaw nila.
Napangiti ako at sinundan na s'ya papasok sa loob ng hardware at kasunod naman ang mga empleyado.
"Sir, may concern po pala ako sa isang product natin. Ilang beses na kasi tayong sinaulian ng customer," sabi ng isang salesman at nabasa ko sa name plate n'ya ang pangalang Jerson.
"Okay patingin nga," sabi ni Brandon at sumunod agad kay Jerson.
Naiwan naman ako kasi hindi naman n'ya ako pinasunod.
"Feeling close ka kaagad sa may ari e kakapasok mo lang dito," nakataas kilay na sabi ng isang empleyadong babae at binasa ko ang name plate n'ya, Rica.
"Kahit gaano pa kaganda suot mo di 'yan basta papatol sa'yo miss," sabi naman ng isa at nabasa ko ang name plate n'ya, Shane.
"Personal assistant n'ya din kasi ako," mahinahon kong sabi sa kanila. "Kaya lagi akong nakadikit sa Manager natin."
BINABASA MO ANG
Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]
RomanceSa gitna ng pakikidigma sa sarili, masasagip ba ako ng pag ibig? O tuluyan akong malulunod?