Chapter 13.

8 0 0
                                    

Magkatulong kaming nag arrange ng gamit sa sala. It amazes me how that place turned to a very pretty living room. Bagay na bagay lahat ang pinamili n'ya at nahiya na naman ako. Parang ang laki-laki na ng gastos n'ya at kahit pa buong taon s'ya titira dun ng libre e hindi ko pa rin mababayaran lahat ng 'yon.

"Nandito na delivery ng appliance," sabi ko ng mapansin may pumasok sa bukas na gate.

"Ako na," sabi n'ya at iniwan ako sa salas.

'Yong dating malungkot na bahay e napalitan ng kasiyahan. Nakakagaan din sa mood ang puting pintura. Napapangiti ako habang pinagmamasdan ang buong bahay. I remember me and my father planing the same thing pero hindi namin nagawa.

Ilang araw ko pa lang nakilala si Sir Brandon, pero 'yong kabaitan n'ya sobra-sobra. Hindi ko akalain na may taong darating sa buhay ko na maglalagay ng kulay sa madilim kong mundo. Isang taong magpapangiti sakin after all those pain I went through.

Matapos maayos ang bahay e nagpaalam s'yang maliligo. Sobrang pawis kasi n'ya at lumabas ako ng bahay sabay sindi ng sigarilyo at napatingin sa mga gamit na pinalabas namin at hindi ko alam kong ano ang gagawin sa mga ito.

Pagkatapos maubos ng sigarilyo ko e umikot na ako para pumasok sa bahay at hindi ko naman namalayan palabas pala si Brandon kaya nagkabanggaan kami. Napahawak ako sa kanyang dibdib at napatingala sabay iwas sa kanyang mga tingin.

"You smell awful," bulong n'ya at napaatras agad ako.

Napaka manly ng amoy ni Brandon. Never in my life nakaamoy ako ng ganun sa isang lalaki.

"Anong gagawin natin sa mga ito?" Tanung ko at itinuro ang mga lumang gamit para e iwas ang topic sa sigarilyo dahil ayoko na pangaralan na naman n'ya ako about dun. "Sayang naman kong itatapon nalang ng basta."

"Does it have a sentimental value to you? Kasi if meron you can keep it."

Napatingin ako sa mga gamit. Wala. Walang sentimental value ang lahat ng 'yon.

"Wala naman sir."

"Okay. Any minute may magpu-pull out n'yan dito so don't worry about it."

Napangiti ako kay Brandon at dahil kinakabahan ako sa mga tingin n'ya sakin e napadukot ako ng isang stick ng sigarilyo sa bulsa ko sabay sindi.

"Gusto mo?" Tanung ko kasi sobrang titig na titig s'ya sakin.

As if I am asking a close friend. My God nahiya ako.

"No thank you."

Napangiti ulit ako sa kanya at nagtungo sa likod bahay para dun tumambay habang naninigarilyo. 

Naubos buong araw namin sa pag aayos ng bahay. Finally after dinner, naupo kami sa salas while having a drink of two bottle of beer.

"Tell me about you," biglang sabi ni Brandon habang magka upo sa magkabilang dulo ng sofa habang nakapatong ang mga paa namin.

"Wala naman special sakin aside sa pagiging 1/4 foreign," pareho kaming natawa sa sinabi ko. "Lumaki ako kasama Papa ko. Iniwan kasi kami ni Mama nung eight years old pa lang ako."

"That's sad," nawala ang ngiti n'ya sa labi at umiwas ng tingin sakin.

Napainum ako sa bote ng beer at isinandal ang ulo sa sandalan ng sofa habang nakatingin kay Brandon.

"Lage nalang akong nami-misjudged ng mga relatives ko habang lumalaki ako. Kaya napadpad kami dito ni Papa. Hummmm... I mean ayaw nilang lahat sakin... side ng Mama ko. Yong side naman ng Papa ko e wala dito and wala na rin akong communication sa kanila."

Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon