"Kain na," nilapag ko ang kaldero sa mesa at kumuha ng plato at kutsara para kay Brandon.
"Next time ipapaalam namin kay Eca na pupunta kami," sabi ni Frey. "Biglaan kasi 'tong pagpunta namin dito."
"Nakakahiya tuloy kayo pa nagdala ng inumin," hindi tinanggap ni Brandon ang plato parang babae na nagtaas kilay sa akin.
Bumagsak ang aking mga balikat at nilagyan ng kanin ang plato n'ya. Kumuha ng ilang inihaw ni Frey saka iniabot ang plato ulit kay Brandon. Nakangiti s'yang tinanggap ito. Galing naman. Gusto pala lagyan ng pagkain muna bago iabot sa kanya. Bossy sobra.
"Okay lang sanay na kami na lagi kami nagdadala dito ng inumin," natatawang sabi ni Jhona.
Pagkatapos kumain e nagligpit kami ni April ng kinainan. Habang ang iba e naupo na sa kanilang mga upoan at inumpisahan agad ang inuman.
Napa check ako ng oras. Di ko akalain six thirty pa lang. Gustong-gusto ko ng matapos ang gabi para naman matapos na ang pagpapanggap namin ni Brandon.
"Ako na maghuhugas nito," nahiya naman ako kay April lage nalang kasi s'ya ang naghuhugas pag nasa bahay.
"Di ka pa nasanay. Ako na. Kapal naman namin kami pa itong nanggambala sa inyo," binangga n'ya ako at tumalsik sa gilid para umalis sa sink. "Labas ka na dun," natatawa n'yang sabi.
Pagkalabas ko e bumunot na naman ako ng isa pang stick ng sigarilyo at sinindihan ito at naupo sa upoan across Brandon.
Sa hindi inaasahan nagtama ang aming mga mata. Nakita kong nainis s'ya kaya dali dali akong lumipat sa tabi n'ya. Nasa gitna ako ni Brandon at ni Josh which makes it more uncomfotable sakin.
"Pag naitayo na 'yong branch n'yo ipasok mo ko ha," natatawang sabi ni Frey na hindi ko mahabol kung ano na napag uusapan nila.
"Sure," sang ayon naman ni Brandon.
"Sa pamilya mo pa rin 'yon at hindi sa'yo. E di sabit ka lang din," sabi ni Josh na may halong inggit sa kanyang boses.
"No, that would be mine. I will name it under Uranus but sakin ang branch na 'yon," I can see how Brandon clenches his jaw after swallowing his glass of tequila.
"Ganun ba?" natatawang sabi ni Josh.
The conversation went on and so as the drinks. It was awkward at first na kasama si Brandon sa circle namin but then after finishing one bottle ng tequila e parang nawala na 'yong hiya ko being around him.
"Dito ka na nakatira?" Tanung bigla ni Gela kay Brandon at napabunot na naman ako ng sigarilyo.
"Yep," sagot ni Brandon.
"Oo nga pala," simula ko. "Anong nakain n'yo ni Josh at sumama kayo kina Frey?" Tanung ko na natatawa kasi hindi ko inaasahan na it will be possible for us to be around with each other.
Nakita kong napainum bigla si Josh ng shot ng tequila n'ya at tumingin kay Gela. Parang may tinatagong gustong sabihin pero hindi masabisabi kaya napangiti nalang ako.
"Actually idea nilang dalawa ang pumunta dito," Jhona answered the question for them. Nabilaokan ako sa usok ng sigarilyo ng marinig ang sinabi ni Jhona.
Napainum ako ng shot ko at ininum ko na rin ang shot ni Brandon saka naglagay ng isa pang shot sa baso ko at ininum din ito. Wala ng kalakalamansi pa. Napahithit din ako sa sigarilyo ko ng ilang beses.
"May sasabihin daw kasi sila sa'yo," dagdag pa ni Frey.
Lumingon ako kay Josh at agad din naman umiwas ng tingin. Tumayo ako sa kinauupoan at itinapon ang ubos ng sigarilyo, bumunot ng isa pa at nag sindi bago pumasok sa kusina para makahinga dahil sobrang nakakahilo na yata ang hangin pagnanatili pa akong nakaupo.
BINABASA MO ANG
Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]
RomanceSa gitna ng pakikidigma sa sarili, masasagip ba ako ng pag ibig? O tuluyan akong malulunod?