"Sorry sir. Baka mas lalo pa kayong magkagalit pag nalaman n'ya lagi tayo magkasama," nag alala ako kasi naman ayoko makasira ng ano mang relasyon kahit pa sinabi n'yang hiwalay na sila.
"I don't mean anything about that. I just don't want you to get involved."
We head to the nearest food shop na hinintoan namin. Kumain at pagkatapos umalis agad. I know he worry na baka makita ulit kami ng kapatid at mga pinsan n'ya. Kaya naiintindihan ko kung bakit umuwi kami kaagad.
Pagdating namin sa bahay diretso agad ako sa likod para mag sigarilyo at s'ya naman naghanda para sa pagpunta sa bahay ng Lola n'ya.
After nun umalis agad s'ya dala truck n'ya at hindi na nagpaalam sa akin. I was hoping na kakausapin n'ya ako, pero hindi naman. I don't know what's with me kung bakit parang nalungkot ako bigla.
Naiwan ako sa bahay kaya naisip ko nalang kumain sa karenderya ng dinner at umuwi agad sa bahay para magpanhinga kasi work na naman the next day. Nagkulong nalang ako sa kwarto kasi alam ko naman na mabubuksan n'ya ang pinto dahil may extra key s'ya sa bahay.
Nakailang ikot-ikot na ako sa kama at kahit anong gawin ko hindi ako makatulog kaya naisip ko ang hindi dapat gawin, ang matulog sa kwarto ni Brandon. It is not right pero hinahanap hanap ko ang amoy n'ya.
Without asking permission I went inside his neat room, I did not touch anything except sa aircon. Nahiga ako sa kama n'ya and I smell his blanket at napayakap sa isang unan. It relaxes me at saka ako nakatulog.
.....
Waking up to the sound of my alarm makes me groan. Sarap pa matulog e. Pagbukas ko ng mga mata ko e saka ko lang na realize na nasa kwarto ako ni Brandon. Agad akong lumabas at saka ko lang napagtanto na hindi pala s'ya umuwi.
"Good morning," agad kong nabasa ang text n'ya.
"Good morning Sir," tugon ko naman sa kanya habang naghahanda ng susuotin at napangiti dahil kahit hindi man s'ya nakauwe e naalala pa rin n'ya ako.
"Hindi ako nakauwe. My Lola asked me to stay."
"Buti naman pinagbigyan mo."
"Eat kana ng breakfast mo."
"Ikaw din po sir."
"I'll get ready na. See you at the office."
"See you din po sir."
It makes me excited to know na makita s'ya sa office. Kaya dali-dali na agad ako naligo, nagbihis at nagtunggo sa office. Nag taxi pa ako para ako 'yong mas mauna sa amin na dumating sa hardware.
"Ang aga mo naman masyado," sabi ng guard.
"Oo nga e. Natakot kasi ako na baka ma late," kinuha ko ang cellphone ko sabay check sa message ni Brandon pero wala naman text.
Mayamaya pa e nakita kong pumarada na 'yong sasakyan n'ya at napangiti ako. Lalapit na sana ako sa kanya ng biglang nagbukas ang passenger side. Natigilan ako ng may lumabas na babae at binuksan ang likuran pinto ng truck, sabay baba ng bata.
Hindi na kailangan pang tanungin, I know it was his son and ex girlfriend.
"Good morning sir," bati ng guard.
"Good morning sir," sabi ko naman.
"Good morning," nakangiti s'ya samin dalawa at hinawakan sa baywang ang babae sabay pauna nito na makapasok sa hardware habang hawak n'ya sa kabilang kamay ang bata.
Sumunod agad ako sa kanila and I feel uncomfortable.
"Tiny place for an office," narinig ko sabi ng babae na pinaupo n'ya sa swivel chair n'ya.
Agad ko naman pinaandar ang aircon.
"This is my secretary," pakilala n'ya sakin sa ex n'ya. "She's Erica. Erica this is Madel," napatingin sakin si Brandon at ngumiti naman ako sa kanila. "This is my son Thirdy."
"Hello," bati ko at tiningnan n'ya ako mula ulo hanggang paa. "...po Mam," patuloy ko at napayuko.
"I hope this time you'll do your best Brandon," sabi nito at napabuntong hininga. "Where are you staying?" Tanung ni Madel na hindi man lang ako pinansin.
"For now I am renting a room in Erica's house," sagot n'ya. "I have to renovate the condo at saka malapit kasi 'yong bahay n'ya dito which is an advantage for me."
"I see," tangin nasabi nito. "You should invest on land and a house in a subdivision kaysa mag condo."
"I will do that. For now, nag iipon pa ako."
"You will buy me toys Daddy?" Tanung ng bata habang karga n'ya.
"Yes, we will," sagot n'ya.
Kinuha ko ang mga folders na nasa mesa ko at lumabas na sa office para e check ang mga stocks. Lumabas ako para magkaroon sila ng time mag usap. I feel a bit strange about myself seeing them together and I don't know why.
"Nakita mo na?" Biglang tanung ni Mam Carme sakin ng makita akong nag che-check ng stocks.
"Sino po?" Tanung ko naman na hindi ma gets ang kanyang tinatanong.
"Si Madel at si Thirdy," sagot ni Mam Carme at napatingin sa pinto ng office. "Hindi ko alam bakit pa sinundan dito si Brandon e binubugaw naman niya ito nung nasa US sila. Saka don't report this one to his mom. Kasi malaking gulo ito."
"Po?"
"May gulo sa bahay kagabi kaya wag mo na e report ito. Mas lalo kaming magkakagulo dun."
"Erica," biglang dumating si Brandon kaya tinapik ako ni Mam Carme at agad umalis na parang umiiwas kay Brandon.
"Sir?" Sabi ko at hindi makatingin sa kanya ng diretso.
"We need to leave. Dumaan lang kami para makita nila workplace ko and then dadalhin ko sila somewhere bago kami umuwi sa bahay," pagpapalam n'ya.
"Hindi ka po uuwi Sir?" Tanung ko.
"Actually, sa bahay mo kami uuwi," sagot n'ya. "Ipagluluto ko rin sila. Maybe magtatagal din sila dito kaya can you do grocery later? I'll send the list and I will leave the money in the office."
"Okay Sir."
I could see the happiness in his eyes at that moment. Happy ako para sa kanya kasi nakita at nakasama n'ya na anak n'ya. I hope magkabalikan sila para sa anak nila.
Pagbalik ko sa office, wala na sila Brandon. Napaisip ako na baka kinukuha na ulit s'ya ng ex n'ya lalo pa't pinuntahan pa talaga s'ya dito. I am happy for Brandon but then may kirot sa puso ko. Kasi if sinusundo na s'ya nito, it means iiwan na n'ya ang Uranus pati na rin ang bahay.
BINABASA MO ANG
Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]
RomanceSa gitna ng pakikidigma sa sarili, masasagip ba ako ng pag ibig? O tuluyan akong malulunod?
![Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]](https://img.wattpad.com/cover/229973027-64-k597315.jpg)