Chapter 46.

7 0 0
                                    

Nag arrange ako ng mga gamit sa new office ko kasi nagulo lahat ng nilipat ito ng utility. Napakalaki ng area at nakakalungkot kasi mag isa lang ako dun. 

Habang nag-aayos ako, pumasok naman si Mam Carme kay tumigil muna ako pansamantala sa aking ginagawa.

"Mam Carme may kailangan po kayo?" Tanong ko sa kanya at kinuha ang mga gamit na nakapatong sa upuan para makaupo s'ya.

"Akala ko ba walang relasyon ha?" Sinagot n'ya ako ng tanong.

Isang tanong na hindi ko alam paano ito sasagutin.

"Promise po talaga Mam wala kaming relasyon ni Sir Brandon," kinabahan ako kasi baka umabot ito sa pamilya ni Brandon, lagot talaga ako.

"So ano tawag mo dun sa hawak kamay at may phalik-halik pa kanina?" Tanong na naman n'ya sakin.

Aalis na nga lang, binigyan pa talaga ako ng problema ni Brandon. Akala ko ba maliwanag na maliwanag na bawal malaman ng pamilya n'ya kung ano man ang nangyayari sa amin. Ako, sobrang ingat na ingat e s'ya naman pala ito ang hindi nag-iingat.

"Pinapaselos lang po n'ya si Sir Paul kanina Mam Carme," nakangiti kong sagot. "Saka lage po s'yang ganun pag may pinapaselos na tao. Kaya hinahayaan ko nalang po si Sir Brandon kaysa naman po tanggalin n'ya ako sa trabaho," pangangatwiran ko na akala mo naman e totoo.

Natawa si Mam Carme at natawa na rin ako kahit hindi ko alam kung ano ang nakakatawa sa sinabi ko sa kanya. 

"Manhid ka ba?" Tanong ni Mam Carme at tumigil sa kakatawa at napatitig naman ako sa kanya. "Hindi mo ba nararamdaman Erica?" Dagdag tanong n'ya pa sa akin. "Ano ka ba naman? Nilatag na nga n'ya lahat sa harap mo, hindi mo pa rin ma gets?"

"Ang alin po ba ang hindi ko maramdaman Mam Carme?" Hindi ko kasi alam kung ano ang ibig n'yang sabihin at nagtataka rin naman ako sa kanyang mga tanong.

"Brandon likes you," sagot n'ya. "Napaka obvious na gustong-gusto ka ng pamangkin ko."

She get it all wrong.

Nagpapanggap lang si Brandon sa harap ni Paul kasi ganun s'ya. Pag ayaw n'ya sa tao, ginagawan n'ya ng paraan para mainis ito sa kanya. Nagkataon lang na ang pwede n'yang gawin para mainis si Paul is through me. So hindi lang pala si Paul ang naloko kundi pati si Mam Carme e naloko din ni Brandon. Aside from that, he was doing that drama kasi may kinalaman ito sa nangyari the other day.

Speaking of what happen yesterday, magkakilala na ba sila Brandon at Paul dati pa? Or it was coincidence na nagpang-abot kaming tatlo dito sa Uranus?

"Hindi po talaga ako gusto ni Sir-"

"If you could only see his eyes while looking at you Erica, masasabi mo rin na hindi lang basta pagkagusto ang nararamdaman ni Brandon. He loves you," hindi ako pinatapos ni Mam Carme sa aking sasabihin and that makes me wonder na rin kung bakit ganun nalang ang naging reaction n'ya.

"Baka po part din po 'yon ng-"

"Kilala ko si Brandon Erica," pinutol na naman n'ya ang dapat kong sasabihin sana. "Binabantayan n'ya lahat ng kilos at galaw mo. Tuwing napapatingin s'ya sa'yo I could tell he wanted you so much. At kahit para sa'yo pagpapanggap lang lahat 'yon, for him it was true."

Hindi ko alam kung ano ang e-re-react sa sinabi ni Mam Carme kaya napaupo na lamang ako kasi bigla nalang nanlamig ang aking katawan. 

"Wag po kayo mag-alala Mam Carme. Wala po akong plano na magustohan si Sir Brandon," sinabi ko 'yon sa takot na baka sabihin n'ya ito sa Mama ni Brandon tapos tanggalin pa ako sa work ko. "Mula ngayon lalayoan ko na po si Sir Brandon."

"I am on Brandon's side, Erica. Kaya don't worry. Sinabi ko lang ang napansin ko and I hope you could see it too."

Wala akong napapansin na gusto n'ya ako aside from being his sexmate. Paulit-ulit din n'yang sinabi sakin na friends lang kami at saka we have rule to follow. So I don't think na lalabag si Brandon sa rules namin kasi kahit panandalian ko pa lang s'ya nakikilala, I know he is a man who honor his words. Saka kung totoo man ang sinasabi ni Mam Carme na may gusto sakin si Brandon, I think he will do something to make me stay.

"You know what Erica. Hindi mo pa kilala si Brandon. If hindi man n'ya kayang sabihin ng diretsahan sa'yo na gusto ka n'ya, asahan mo na may gagawin s'ya para mapasakanya ka lang."

Sa sinabi ni Mam Carme, nabahala ako saka natakot na rin. Parang psycho kasi ang pagkasabi n'ya sa ugali ni Brandon. Grabe naman 'to si Mam Carme, nananakot pa talaga.

Gumaan ang pakiramdam ko pagkalabas ni Mam Carme sa office. Ewan ko lang kung gino-good time n'ya lang ako or if nagsasabi ba talaga s'ya ng totoo. Kasi ako, hindi ko alam at maramdaman na may gusto si Brandon sakin beyond being his friend. Hindi ako manhid, hindi ko lang talaga maramdaman.

"Erica," nabasa ko kaagad ang text ni Brandon ng e check ko ang aking cellphone.

"Yes Brandon," tugon ko naman.

"How is your new office?" Tanong nito na alam ko e napangiti na ito dahil nasunod ang kanyang gusto na e transfer ako ng opisina.

"Maganda naman saka ina-arrange ko pa ang mga gamit ko dito," sagot ko at napatingin sa naiwan kung trabaho.

"Okay. Go on and continue what you are doing."

"K."

"Are you mad at me?" Nang mabasa ko ang text n'ya, na sense ko kaagad na galit s'ya.

"Hindi. Bakit?"

"Just tell me if nakaka disturbo ako sa'yo."

"Hindi ka nakaka disturbo."

"Talaga?"

"Oo naman. Bakit mo naman nasabi na nakaka disturbo ka?"

"Feel ko kasi naiinis ka sakin."

"Bakit mo naman nasabi?"

"That K!"

"K?"

"I hate receiving text with K alone!"

Napabuntong hininga ako at hindi ini-expect na dahil lang dun e magagalit s'ya sakin which is very rare.

"Sorry na Brandon. Busy din kasi ako dito."

"You should have told me na busy ka, not just K."

"Okay I'm sorry na nga."

"If you don't want me to text you, just tell me right away."

"Hindi naman sa ganun. Mula ngayon hindi na ok or k. Okay Brandon na ang e-te-text ko."

"Ewan."

"Sorry na nga di ba?"

"Oo na. Sorry din nagalit ako."

"Alam ko stress at pagod ka rin kasi busy ka. Try mo e relax ang sarili mo."

"I will Babe. Sorry okay."

"Okay lang Brandon."

"Sige na. Continue kana sa ginagawa mo. I'll text you later."

"Oay Brandon. Ingat."

Just because sa K , e sobrang nagalit na s'ya sakin. Who would have thought na iyon lang pala ang makakapagait sa kanya? Grabe. Or maybe he is thinking about me being with Paul kaya napaka highblood n'ya? Napakababaw naman kasi kung dahil lang sa pinaiksing okay na reply lang s'ya nagalit. Nakakatawa man pero naramdaman ko talaga ang galit n'ya sakin kahit sa text lang.

Bumalik ako sa aking ginagawa kanina para matapos na ang pag-aayos ko kasi marami pa akong dapat gawin. Set aside ko muna ang pag-iisip ko sa ikinagalit ni Brandon kasi kung iisipin ko lang ito nang iisipin e hindi ako matatapos agad.

Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon