Chapter 60.

7 0 0
                                    

Nahanap ko si Brandon sa kwarto n'ya at naabutan na nilalagay ang ilang t-shirt sa backpack n'ya. Ilang araw ko na rin s'yang hindi nakikita kaya pinagmasdan ko ng mabuti ang kanyang mukha. Hawak ko sa aking kamay ang baby book na handa ko ng ipakita sa kanya.

"Hi!" Bati ko sa kanya habang nakatayo ako sa may pintoan dahil iniwan n'ya itong nakabukas. "Kanina ka pa?" Tanong ko.

"Kanina pa ako dito," sabi n'ya at hindi man lang ako tiningnan. "Dapat sinabi mo sakin kanina ang oras ng uwian mo para hindi ako naghintay ng matagal sa'yo."

At kasalanan ko pa na hindi ko s'ya na inform. E s'ya naman 'tong nagmadaling umalis kanina dahil iniiwasan n'ya ako tapos ngayon s'ya pa galit. Magaling.

Instead of telling him na buntis ako, I change my mid kasi wala s'ya sa mood and I don't think na tamang panahon 'yon para sabihin sa kanya ang kalagayan ko. 

"Sorry hindi ko nasabi sa'yo. Nakalimutan ko na kasi naman nagmamadali ka kanina," trying to explain to him bakit hindi ko nasabi na late na ako uuwi.

"You know my situation. I told you already naman di ba? In which part ka ba hindi nakakaintindi? Busy ako sa pinapagawa kong building kasi may hinahabol akong deadline and I buy with my upcoming wedding," inis na inis ang kanyang boses kaya napayoko na lamang ako.

Hearing him talk about his wedding hurt me so much. Wala man lang s'yang consideration sa akin. Parang ang manhid din naman n'ya sa part na nasasaktan din ako kahit na tanggap ko na wala lang ako sa kanya.

"Sorry na."

"Whatever," naiinis n'yang sabi.

"Kumain kana?" I bother to ask kasi kanina pa s'ya dumating at baka galit dahil nagugutom. "Ipaghahanda kita ng pagkain ha."

"I'm not hungry Erica," pagalit n'yang sagot sa akin. "Dumaan din ako para kunin 'yong mga ilang damit ko. Anyway, tell me what you want to tell me kasi aalis na ako. Ayokong magtagal dito."

"Sorry."

"Stop saying sorry!" nakakunot-noo at galit ang kanyang mga matang tumingin sa akin. "Stop being nice to me! Stop waiting for me! Stop thinking about me!" Sigaw n'ya. "I don't want any of that from you kasi isa lang ang gusto kong gawin mo. Ang lumayo na sakin and start looking after yourself because I can't do it for you anymore."

He is so cold to me that night. Siguro nga nabago na ni Cathy ang isip n'ya kaya ganun nalang s'ya makipag usap sa akin. Or I am just another woman na pinagsawaan na n'ya.

"Sorry Brandon. Na miss lang naman kita," tanging nasabi ko sa kanya kasi hindi ko masabi sa kanya na buntis ako.

"Erica-"

"Alam ko sinayang ko ang oras mo but please payakap naman," nagmakaawa ako sa kanya. "Kahit 'yon lang gawin mo."

Yes, I want a hug for the last time. At least naman parang niyakap na rin n'ya ang baby namin. I don't want to tell him na I am pregnant kasi his actions tells me already na hindi maganda ang magiging result pagpinaalam ko sa kanya. I can feel na mas important sa kanya ang goals n'ya over having a baby. Ayokong maging selfish kay Brandon kasi never s'yang nagdamot sa akin and even help me with everything. Ayoko rin na maging hadlang ang baby namin para hindi n'ya maabot ang goal n'ya. Kasi once malaman n'ya na buntis ako, I know for sure everything will go wrong.

"Erica, we can't stay like this," tumayo s'ya sa kama at dala ang kanyang backpack na nakasuot na sa kanyang likuran. "We have to stop caring for each other."

Ewan ko ba kong bakit malungkot ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin. Malapit na rin kasi ako sa kanya and probably it sadden him na we can't stay even as a friend.

"Naiintindihan naman kita Brandon. Kailan ba kita hindi inintindi?"

He look straight to my eyes and I give him the sweetest smile I could offer, 'yon lang kasi ang meron ako e. Ngiting magpapaalala sa kanya na minsan may isang ako na dumaan sa buhay n'ya.

"I'm sorry that I have to leave sooner."

"Okay lang. Masaya na rin ako kasi nakilala kita. Binigyan mo ako ng reason para mahalin ang sarili ko. Saka thank you dahil pina feel mo sa akin na hindi ako worthless. You been the best thing that happen in my life."

"If only I-"

"Lagi mo lang tandaan na mahal na mahal kita. Sana sa susunod na buhay, kung magkita man tayo dun, ako naman ang piliin mong mahalin Brandon," pumatak ang luha ko kahit ano mang pigil ko. "Sana mahalin mo rin ako pag pinagtagpo ulit tayo ng pagkakataon. Kasi ako, paulit-ulit na ikaw ang pipiliin ko."

Napabuntong hininga si Brandon at napayuko. Mayamaya pa e bigla nalang s'yang napatakbo sakin at niyakap ako.

"I'm sorry Erica. I'm really sorry. I'm so sorry that I have to let you go. I want to choose you. I really do," naiyak na rin si Brandon at paulit-ulit na hinalikan ang noo ko.

"Wag kang mag sorry at least ngayon alam ko na gusto mo din pala akong piliin. Naiintindihan kita kaya nga gusto ko yakapin mo  ako for the last time Brandon," hindi ko mapigilan ang umiyak na rin habang yakap namin ang isa't-isa. "Kahit sa huling pagkakataon naramdaman ko na mahal mo rin ako. Sapat na sakin 'to."

Once he step out of this house, never na akong maghahabol pa sa kanya. Kahit na magkita kami accidentally, I'll pretend na hindi ko s'ya kilala. Iiwasan ko s'ya ng iiwasan hanggang sa makalimut ako sa kanya. I know it will be hard but I have to be strong for me and para sa baby ko. Hindi ako galit sa kanya, naiintindihan ko naman talaga ang situation n'ya. Kaya ako nalang ang magpaparaya kahit masakit at mahirap.

While hugging him, palihim na akong nagpaalam sa kanya. Sana sumaya s'ya kasama si Cathy at sana hindi n'ya ako makalimutan. I wish the best for him and maybe one day I'll get over with him too.

"I don't want you to wait for me anymore Erica. I don't want you to keep waiting for me. Okay?"

"Hindi na kita hihintayin pa Brandon. Papalayain na kita."

"Always remember that I love you."

"I love you too."

Ang saklap naman, kung kailan kami nagpapaalam sa isa't-isa, saka pa namin nasabi ang katangang I love you. Galing din naman ng destiny, pinagtagpo kami pero hindi naman kami pinagkatuluyan dalawa.

Plan A failed. 

I have to proceed to Plan B which is asking my mother na kunin n'ya na ako like she promise me. 

Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon