Chapter 59.

5 0 0
                                    

Agad akong nag PT pagka gising ko tulad ng sinabi ni April. Nagbabakasakali kasi akong baka mali lang 'yong mga result kahapon. But then, the result is still the same, positive. So I decide na magpa check up na talaga para maliwanagan na ako.

I really hate going to clinics kaya lang wala akong choice kundi pumunta para ma confirm na buntis talaga ako. Other pregnant woman na naghihintay sa pila e kasama ang nanay nila, asawa o kapatid. Ako lang yata ang mag-isa dun.

Pagkatawag ng pangalan ko, kinabahan akong pumasok sa loob ng clinic ng OB-Gyne ko. First time kasi akong pumasok sa ganung klaseng clinic at saka dahil may truma rin naman ako sa mga doctor.

"First baby mo?" Tanung ng doctor ng maupo na ako at kita ko naman na friendly ang approach n'ya sakin.

"Hindi pa po kasi ako sure Doc if buntis ako," sagot ko naman.

"Okay, so let's check your weight tapos I'll do a short interview bago tayo mag ultrasound."

I was ask a lot of question including changes of my body na napansin ko, mga kinakain ko at pati na rin marital status ko. Sinabi ko rin ang mga nararamdaman ko the past few day.

"Based sa interview ko sa'yo, e you are 5 weeks pregnant na. The size of the fetus is like an apple seed. Since hindi pa s'ya fully develop, I advice you na mag-ingat ka at iwas-iwasan mo muna magpapapagod."

Lutang na lutang akong naglalakad sa sidewalk papunta sa pinapasukan kong work kasi hindi ko inakala na totoo naman pala ang naging resulta sa pregnancy test ko. Gulong-gulo ang utak ko at hindi ko alam paano sasabihin kay Brandon na buntis ako. Hindi ko alam kung ikakatuwa ba n'y o ikakagalit na nagdadalang tao ako at s'ya ang ama.

Dumaan muna ako sa Pharmacy para bilhin ang pinapabili ng doctor sakin na mga vitamins. Habang hinihintay ko ang turn ko e napatingin ako sa baby book na hawak ko. Parang sunod-sunod yata ang karma ko at feeling ko may darating pang marami.

"I'm on my way. I just have to drop somewhere. I'll be there," familiar sakin ang boses kaya napalingon agad ako sa tabi ko.

"Brandon," sambit ko sa kanyang pangalan.

"Erica," sabi n'ya sakin at nagulat din sa hindi namin inaasahan na pagkikita. "Bakit nandito ka?" Tanong n'ya sakin at napalingon sa paligid. "Wala ka bang pasok sa trabaho?" Hindi s'ya mapakali sa kinatatayoan n'ya.

"Bumibili lang ako ng vitamins," sagot ko naman at masaya na nagkita kami dun. "Saka papasok na rin ako. Malapit lang kasi dito ang pinagta-trabahoan ko."

Sinasadya yata ng panahon pagtagpoin kami sa parehong lugar para makapag-usap kaming dalawa.

"Ganun ba. Good that you have a new job."

"Kumusta kana?" Tanong ko t tinitigan s'ya. "Matagal-tagal na rin nung huli kitang nakita."

"Ilang days pa naman."

"Matagal pa rin 'yon para sakin."

"Erica can-"

"Busy ka ba?" Tanong ko kaagad kasi gusto ko kausapin s'ya tungkol sa pagbubuntis ko. Ayoko ng palampasin pa ang pagkakataon na iyon.

"Yes," sagot n'ya at ngumiti sakin. "Sobrang busy."

"Pwede ba kitang makausap? Importante lang."

"I will go to your house nalang mamaya. Nagmamadali kasi ako."

Agad s'yang umalis at hinabol ko naman s'ya.

"Brandon," I look so stupid at that time. Iniiwasan na nga ako nung tao hinabol ko pa rin. "Hihintayin kita mamaya sa bahay."

"Sige. Alis na ako ha."

Feel na feel ko na iniiwasan n'ya talaga ako. Siguro na realize na rin n'ya na mas mabigat para sa kanya si Cathy kaysa sakin. Naiwan ako naiiyak habang nakatingin lang sa truck n'ya na humarorot papalayo.

Pumasok ulit ako sa pharmacy at kinuha ang pinamili ko at nagpatuloy sa paglalakad papasok sa trabaho. 

"Maaga ka yata," sabi ni Bev.

"May pinuntahan kasi ako at saka sayang sa pamasahe kong uuwi pa ako sa bahay," sabi ko naman at binayaran ang fresh milk na binili ko. "Bev?"

"Yep!"

"Possible bang paalisin ako dito pag buntis ako?" Nanlaki ang mga mata ng kasamahan kong Cashier sa tinanong ko sa kanya. "Bev?"

"Nagbibiro ka ba?" Tanong ni Bev sakin na hindi makapaniwala.

"Oo e," sagot ko na gustong maiyak. "Tatanggalin ba ako pag nabuntis ako ha?"

"Hindi naman. Kaya lang, nakapagtataka naman na buntis ka e wala ka naman boyfriend."

I'm so fuck up.

People will get crazy figuring about who the father was. Hindi ko naman kasi masabi sa kanila kung sino ang nakabuntis sa akin kasi I want to protect him and the privacy of his life. Kasalanan ko rin naman kasi hinayaan ko na may mangyari sa amin ni Brandon. So dapat hindi lang s'ya ang dapat masisi sa situation ko.

"Kaya mo pa rin bang mag duty ng panggabi kahit na buntis ka? Kasi hindi naman pwedeng e consider ka namin na lagi nalang pang-umaga. Alam mo naman salitan tayo dito," sabi ni Crystal, store manager.

"Oo naman po. Wala pong problema sakin Mam," sumang-ayon kaagad ako kaysa naman mawala ng trabaho e kailangan na kailangan ko pa naman.

"E di wala tayong problema kung buntis ka."

Malaking tulong na sakin na papayagan pa rin nila akong pumasok kahit na buntis ako. i need the money kasi mukhang kailangan ko ng mag-ipon habang maaga pa para sa baby ko. Dapat advance thinking ako kasi naman hindi ko pa nakakausap si Brandon, mas mabuti na 'yong may plano na din ako kung sakaling sabihin man n'ya na ayaw n'ya sa bata. Alangan naman ipalaglag ko e di mas malaking problema at kamalasan ang idudulot nun sa buhay ko. Saka kung ayaw n'ya sa baby namin, e di okay. Ayokong pilitin ang taong ayaw naman ng responsibilidad at saka bakit ko naman ipagsiksikan ang sarili ko sa kanya.

"Uwi ka na?" Tanong ni JK na kasamahan ko sa shift.

"Oo, mauna na ako sa inyo ha," sabi ko, excited kasi akong umuwi at baka nandun na si Brandon, hinihintay ako.

"Ingat ka ha," bilin naman ni Chris. "Alam mo naman na may dinadala ka na."

"Malapit lang naman bahay ko dito," sabi ko naman.

"Kahit na Erica. Magpasundo ka na sa boyfriend mo," sabi naman ni Shans na nakatuka sa susunod na shift.

"Thank you sa pag-aalala. Kayo rin, ingat kayo ha."

Since walking distance lang naman sa bahay ang pinapasukan ko, hindi na ako nagdadala ng kotse. Tipid pa sa gas.

Nagmadali na akong umuwe sa bahay kasi ayokong paghintayin ng matagal si Brandon doon or worst baka mabagot at umalis. Tama nga ako, nasa bahay s'ya at nakita ko nakaparada ang truck n'ya sa loob. Agad akong pumasok sa bahay at excited ibalita sa kanya na magkaka-baby na kaming dalawa.

Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon