Chapter 23.

6 0 0
                                    

Tatlong araw hindi pumasok si Brandon sa office. Nasa bahay lang siya kasama ang ex or should I say girlfriend n'ya at anak n'ya. Tapos hindi man lang nalabas ng room ang kanyang girlfriend, panay kulog sa kwarto. Except if may kailangan labasin pero balik rin naman agad sa kwarto. I feel like I am a ghost living in my own house kasi may mga kasama pero para naman wala.

Sa ilang araw na hindi kami nagkakausap, hinahanap ko 'yong pangungilit ni Brandon sakin at na miss ko rin na sabay kami kumakain.

Every night nahihirapan ako matulog. Hinahanap hanap ko 'yong yakap n'ya and I hate it, it happen only twice pero bakit ganun? Bakit parang gusto ko ulit yakapin n'ya ako habang natutulog? For three nights, I drink beers before going to bed para mapadali pagtulog ko kasi nagiging problema ko na ang makatulog ng mahimbing while thinking about him.

"Erica," biglang dumating si Brandon sa office.

"Sir?" Napatayo ako sa pagdating n'ya.

"Ano ginagawa mo?" Tanung n'ya at naupo sa swivel chair n'ya.

"Inaayos po ang payslips," sagot ko naman at napaupo ulit.

"Hey I am sorry about the past three days. You can add additional payment in my room for that," napangiti ako kahit ayoko naman sana.

"Wag na po sir. Okay lang 'yon."

Kinuha ko na ang mga payslip na nagkalat sa mesa at tumayo na sa kinauupoan. Ihahatid ko pa kasi iyon kay Mam Carme.

"Are you avoiding me?" Natigilan ako at napalingon kay Brandon. "What?"

"Hindi naman po sir. Ihahatid ko lang po 'to kay Mam Carme," sagot ko sa kanya at binuksan na agad ang pinto.

Pagkatapos ko ihatid iyon kay Mam Carme e nagtungo naman ako sa comfort room. Hindi kasi ako comfortable na bumalik sa office. Ewan ko ba, naguguluhan ako sa sarili ko that time. I need to breath kasi hindi ko alam paano kakausapin si Brandon.

"Oy!" Natatawang sabi ni Rica na palabas na ng comfort room at napayuko na lamang ako. "Naku naman. Pumatol ka pala sa may asawa."

"Rica-"

"Ano?" Nagtaas kilay s'ya sakin. "Taas mo rin kasi mangarap. Kala mo totohanin ka ni Sir Brandon noh?"

"Rica!" Narinig ko si Josh kaya napalingon ako.

"Kakampihan mo 'to?" Tanung ni Rica kay Josh habang natatawa sa akin si Rica.

"Tama na. Wala naman ginagawa sa'yo si Erica," pagtatanggol sakin ni Josh.

"Alam mo... Kong ako sa'yo malulunod na ako sa hiya at hindi na babalik dito. Hahanap na ako ng ibang work kasi naman ikaw 'yong pinag chichismisan ng mga tao dito," pabulong na sabi ni Rica sakin. "Malandi ka naman pala. Napapa inosente ka pa. Ilang lalaki na kaya nilandi mo? Mga lalaking sinira ang pamilya? Siguro madami-dami na rin kasi expert e."

Napapikit na lamang ako at biglang sumikip ang aking dibdib. Kaya napahawak ako dito at sumandal sa dingding. 

"Tama na sabi," narinig ko si Josh na sinasaway si Rica.

"Kawawa ka naman kasi pinagtatawanan ka namin lahat," patuloy ni Rica.

I don't know kung bakit ganun nalang ang inis ni Rica sakin e wala naman akong ginagawa sa kanya. Ang masakit pa e inawag akong malandi at pumapatol sa may asawa, which is for me sobra na at nakakababa ng pagkatao. Naramdaman kong nahihirapan na akong huminga kaya napatakbo ako sa loob ng comfort room. Pumasok ako sa isang cubicle at nagkulong dun habang pinipigilan hindi maiyak hanggang sa kinain na ako ng panic attacks ko habang ini imagine ang lahat ng empleyado sa hardware na tawang-tawa sakin at pinag-uusapan ako.

I blame myself for it, dapat kasi hindi na ako nakikipagsabayan sa kanya sa oras ng pasokan o uwian sa trabaho kahit pa nakatira kami sa iisang bubong. I should have draw a line between us. Ito tuloy napahiya ng sobra at wala na akong mukha pang ihaharap sa kanilang lahat.

Hinahabol ko ang aking hininga at halos mapigtas na ang mga ugat sa leeg mapigilan lang ang sarili ko na 'wag masaktan ang aking katawan dahil sa galit ko sa sarili.

"Eca!" Sigaw ni Josh at kinakatok ang pinto. I clenched my jaws at diniinan ang paghawak sa dibdib ko. "Buksan mo 'to!"

"What's going on?" Naririnig ko ang boses ni Mam Carme.

"Kailangan po natin buksan 'to," sabi ni Josh.

From difficulty in breathing, I can feel my body shaking in fear na baka makita nila gaano ako kaawa-awa at natakot akong pagtawanan nila lalo.

"Bakit?!" Napasigaw si Mam Carme.

"Inaatake po si Eca ng PTSD n'ya," sagot ni Josh at ilang ulit binangga-bangga ang pintoan.

"Tatawag ako ng tulong!" Natatarantang sabi ni Mam Carme.

"Eca! Eca! Ano ka ba?! Buksan mo 'to!" Sigaw ni Josh.

Sa galit ko sa sarili ko, hindi ko na mapigilan ang sarili at iniuntog untog ang ulo ko sa pader. I can't stop myself and I wish I could.

Mayamaya pa nasira ni Josh ang pinto at agad hinawakan ang ulo ko and instead of stopping e hinila-hila ko buhok ko.

I hate people seeing me in that state but I have no other choice at that time kasi hindi ko mapigilan sarili ko.

"Tama na Eca!" Sigaw ni Josh at pinipilit hawakan ang kamay ko.

"Dito! Dito!" Dinig ko boses ni Mam Carme. "Paper bag! Paper bag!"

Nilagay ni Jerson ang paperbag sa bibig ko para makahinga ako ng malalim habang hawak hawak ako ni Josh.

"Breath in. Breath out," mahinahong sabi ni Mam Carme.

Pinikit ko mga mata ko hanggang sa napakalma na nila ako.

Dahan-dahan akong binitawan ni Josh at Jerson and then I cried. Nilabas ko lahat-lahat kasi pagpinigil ko na naman ang emosyon ko, e atatakihin na naman ako ng PTSD ko.

Pinalabas ni Mam Carme sina Jerson at Josh. Hinawakan ako ni Mam Carme sa kamay at pinatayo sa bowl.

"Kailangan natin lagyan ng alcohol 'yang sugat mo," sabi nito at habang umiiyak napatingin ako sa salamin.

Nakita kong dugoan ang aking dibdib, sobrang nabaon ko ang kuko ko sa balat ko kaya nagkasugat. May bukol ako sa ulo at nagkasugat din ang labi ko sa labis kong pagkagat nito.

"So...so...sorry," naiyak ako lalo at tinakip ang mga kamay sa aking mukha dahil sa sobrang hiya ko.

"Okay lang.  Okay lang," hinimas himas nito ang aking likuran. "Gamutin na natin 'yan," sabi nito.

Dinala ako ni Mam Carme sa office n'ya at ginamot ang sugat ko sa dibdib at nilagyan ng mga bandaids. Iniayos ko na rin ang buhok ko.

"May extra ka bang damit?" Tanung n'ya dahil may dugo ang suot ko.

"Okay lang po Mam Carme. Aabsent nalang po ako after lunch kong okay lang," nahihiya kong sabi.

"Ngayon na. Umuwe ka na. Ipahinga mo sarili mo," sabi nito at ngumiti sakin.

"Salamat po," maluluha kong sabi.

Agad akong bumalik sa office at kinuha ang bag ko sabay labas. Hindi na ako nagpaalam pa kay Brandon at patakbo akong lumabas ng hardware kasi nahihiya na ako sa mga tao dun. Ayokong makita nila ako na ganun ang ayos, baka mas lalo pa nila akong pagtawanan.

"What is going on?" Iyon ang text ni Brandon sakin na nabasa ko ng nasa bahay na ako.

Ayokong sagutin 'yon at gusto ko lang mahiga sa kama at isipin ang magagandang bagay na nangyari sa buhay ko instead of focusing the negative.

Ring ng ring ang cellphone ko pero pinatay ko ito para walang disturbo. Nahiga ako sa kama at pinikit ang mga mata.

I tried to control my emotions kasi ayokong mangyari 'yon in public but then the demon inside me don't want to be controlled. This is my weakness, this is me. Siguro kaya walang masyadong interested maging kaibigan ako because it fears them. Siguro iniisip nila ang weird ko and everything.

It saddens me knowing that I have PTSD. Something that I wish I never have.

Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon