"Kumusta ka na Eca?" Tanung ni Josh sa akin at napatingin ako sa girlfriend n'ya na nakaupo sa kanyang tabi.
"Okay lang," nakangiti kong sagot kay Josh.
"Single ka pa rin?" Tanung n'ya at hinawakan ng kasama n'yang babae ang kanyang kamay. Hindi ko pa rin alam ang pangalan nito dahil hindi na ako nagtanung pa dati at hindi ko na rin inalam pa.
Halatang iniinggit ako nito pero hindi naman sa naiinggit ako sa kanila, more on nasasaktan ako kasi they are the one who cheated on me pero sila pa itong masaya.
"Nakakita ka na ba ng DOM or foreigner na magbibihis sayo? Kasi nagmukha ka rin tao ngayon?" Pang iinsulto ng girlfriend n'ya habang natatawa sakin at napatingin sa mga paper bags sa upuan.
Alam ko naman na nilo-lookdown niya ako ever since pa kasi nga napaka jologs ko manamit. Napahiya ako sa social media kaya hindi ako active sa facebook or any social media kasi sobra-sobra inabot ko sa kanilang dalawa ni Josh. 'Yon din naman pino-point out ni Josh dati sakin kong bakit iniwan n'ya ako. Napaka big deal ng appearance ko para sa kanya. Kaya ang two years relationship namin e ganun ganun lang n'ya sinayang.
"Ah.... Gift 'to," kahit gustong-gusto ko ng pagsasampalin mga mukha nilang dalawa e nagpigil na lamang ako at ngumiti pa rin.
"Halatang binibigay talaga luho mo. Ano shift ka na ba ng trabaho from cashier to-"
"Babe!" Boses ni Brandon ang nagpatigil kay Josh na magsalita. "Why wait for me?" sabi nito at diretsong umakbay sakin sabay halik sa noo ko. "Kanina ka pa gutom di ba?" Tanung n'ya sakin at napatingala ako sa kanya.
Anong ginagawa n'ya? Tinawag pa talaga akong Babe at hinalikan ako. Namula ang mga pisngi ko at napalunok ako. Nasaan ang bossy kong boss? Bakit nag iba 'ata s'ya? Anong meron sa comfort room?
Tumigas ako lalo sa kinatatayoan ko. That happens so quick at hindi man lang ako nakapaghanda sa gagawin ng boss ko sa akin.
"Kasi nag uusap pa kami ni-"
"Oh hi!" Kunyari nagulat s'ya ng makita sila Josh. "Brandon. Erica's boyfriend," pakilala n'ya sa sarili n'ya. "You must be Josh. Her ex and you are his current gf. Am I right?"
Napatingin si Josh kay Brandon. Halatang na insecure. Sino ba naman ang hindi? He looks perfect, his looks are expensive kahit na napaka simple ng pananamit.
Teka lang. Bakit parang kilala n'ya si Josh? Halatang sure s'ya na si Josh talaga ang kinausap n'ya.
"Hi," matamlay na bati ng gf ni Josh.
"Nice meeting you two," sabi ni Brandon.
"Wallet mo," sabi ko kay Brandon at kinuha n'ya naman ito at ngumiti sakin sabay lagay nito sa kanyang bulsa.
"Thank you Babe," sabi nito at hinila ako palapit sa kanyang dibdib.
I was leaning in his chest and naririnig ko na kalmado lang s'ya. Parang sanay na sanay na s'ya sa ganitong galawan.
Dahil malapit lang naman table nila sa table namin e naupo na kami ni Brandon na magkatabi and he continue being sweet to me as if boyfriend ko talaga s'ya.
"What's your name?" Tanung ni Brandon sa girlfriend ni Josh.
"Gela," nakangiting sabi nito at napapakagat labi pa habang titig na titig kay Brandon.
Hindi masyadong halata na nagfli-flirt. Si Josh naman parang nakalunok ng kung ano kaya ang mayabang na mukha kanina ay napalitan ng hiya.
Sa tagal na nila ni Josh nun ko pa nalaman Gela pala ang kanyang pangalan. Iniiwasan ko kasing hindi malaman kasi naman masakit sa akin at lalong pinagbawalan ko ang mga mutual friends namin na banggitin ang pangalan ng pinagpalit ni Josh sa akin.
"Matagal na kayo?" Tanung ni Gela.
"Not the type of man who count days or months. But I guess matagal na. Right Babe?" Sagot ni Brandon at napatingin sakin.
"Call center?" Tanung ni Josh. Siguro napuna n'ya ang accent ni Brandon kaya siguro napatanung.
"No," natawa si Brandon at napainum ng drink n'ya para malunok ang manok na kakasubo lang n'ya. "I ran the family business kaya napauwe ako dito sa Pinas," sagot ni Brandon. "You can drop by sometimes sa Uranus. The newly built branch."
"Baka naman may hiring kayo dun na pwede ako?" Tanung ni Gela na tumititig kay Brandon, trying to catch his attention.
"Full na kami and you know. I know my girl won't be comfortable pag nandun ka," He smirks.
Biglang nagtaas kilay si Gela dahil agad nag turn down si Brandon sa kanya at napangiti ako dahil kitang napahiya s'ya.
Natapos na namin ang pagkain namin saka nag decide si Brandon na umalis. Nakisabay na rin si Josh at si Gela sa amin. Hindi gusto ni Josh but Gela insisted.
Napaka awkward ng situation namin apat or it was just me who feel awkward. Lalo pa na pinilit hawakan ni Brandon ang kamay ko kahit hirap na hirap na s'ya sa mga paperbags.
"Bakit naman kasi dami mong pinamili? Hirap na hirap tuloy boyfriend mo," sabi ni Gela at nagtaas ng kilay sakin.
"Pang work-"
"It was me who wanted to spoil her. Saka kulang pa nga ito," nag cross over si Brandon sa dapat kong sasabihin.
"Aanhin naman maraming damit kong cashier ka lang naman di ba?" Tanung ni Gela sakin at ngumiti. I know she is trying to humiliate me.
"She's working with me now. Wherever I go, she will be there," sagot ni Brandon para sakin. "Baka kasi one day I need her to run another branch."
Natahimik si Gela at namuo ang ingit sa kanyang mga mata habang halatang nahihiya naman si Josh.
"We better go ahead," sabi Brandon at huminto na sa harap ng truck.
"Wow," sabi ni Gela ng makita ang truck ni Brandon.
"Tara na," sabi ni Josh at padabog na ibinigay kay Gela ang helmet sabay alis.
Nakahinga na rin ako ng maluwag ng makalayo na silang dalawa sa akin. Parang mamamatay na ako sa suffocation dahil sa situation namin.
Binuksan ni Brandon ang likuran ng truck at inilagay ang mga paperbags dun at saka ko lang napansin hindi n'ya pa nabibitawan ang kamay ko.
"Sir?" Sabi ko sa kanya habang may binabasa sa cellphone n'ya.
"Yes?" Sabi n'ya at hindi man lang tumingin sakin.
"Yong kamay ko sir," namula ako nang magtagpo ang mga mata namin at agad naman n'ya itong binitawan.
"Are you okay now?" Tanung n'ya na titig na titig sa akin. Napatango na lamang ako kasi hindi ko alam ang isasagot sa kanya. "Next time, fight for yourself. I may not be around always to do that for you," sabi n'ya.
It makes my heart warm hearing someone telling me that. Sarap sa feeling na someone stand up for you. No one ever done that to me kaya sobrang thankful ako sa kanya that day.
"Thank you Sir," nahihiya kong sabi.
"We should get going," sabi n'ya at binuksan ang pinto ko. "You can go up now without me helping you."
Oo kaya ko na, kasi hindi na 'yong palda ko suot ko. Mas comfortable na ang suot ko at di nakakailang.
Instead na bumalik kami sa store e dumiretso na kami sa bahay. Nagpaalam na s'ya kay Mam Carme na hindi na kami babalik dun kasi may nilakad s'yang importante.
Pagkadating sa bahay e nahiya akong pagbuksan s'ya ng gate para makaparada. Sobrang pangit at gulo kasi ng bahay kaya nagdadalawang isip akong imbitahin s'ya. Kaya lang wala akong magawa kundi patuluyin si Brandon at ihanda ng haponan para makabawi naman ako sa ginawa n'ya para mapahiya sila Josh.
"Lagay ko muna 'to sa kwarto at magbibihis saglit," pagpaalam ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]
RomanceSa gitna ng pakikidigma sa sarili, masasagip ba ako ng pag ibig? O tuluyan akong malulunod?
![Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]](https://img.wattpad.com/cover/229973027-64-k597315.jpg)