Chapter 30.

8 0 0
                                    

"Stay...closer," nag uutos ang boses ni Brandon. Nalito ako kong Mama n'ya ba o s'ya ang susundin ko kaya napatingin lang ako sa kanilang dalawa.

"Bran-"

"I know you like Cathy over my ex, Ma. I know you all been trying hard for me to be Cathy's boyfriend. But sorry Ma, sorry Cath... I can't. So please let me and Erica eat," napatayo ako sa kinauupoan ko dahil nawalan ako ng gana kumain saka hindi yata maganda mapasali ako dahil usapan pamilya iyon. Kaya lang hinawakan ni Brandon ang aking mga kamay kaya hindi ako makaalis.

Sinama lang ba ako ni Brandon para may excuse s'ya sa family n'ya? What are his real reasons bringing me into their house? Alam n'ya ba mangyayari ito?

"Ikaw naman. Alam mo naman napaka playful ni Tita," nahiya pa si Cathy, halatang-halata sa mukha n'ya kahit gaano pa kalaki ang kanyang ngiti. Hindi pa rin makukubli ang inabot na kahihiyan n'ya.

"So ano? You want us to let you do whatever you want?" Nagalit ang boses ni Mam Dina at dismayado sa sinabi ni Brandon.

Napatingin din ito sa magkahawak na kamay namin ni Brandon. Gulo 'to, napakaling gulo. Kaya nanginig ang mga kamay ko, pinagpapawisan ako at kung ano-ano na ang pumasok sa isip ko.

"What we have is just a week of fun Cath," my jaw drops hearing it from Brandon.

Laro-laro lang lahat? Ganun? Papaasahin ang babae tapos iiwan? Is that what Brandon mean to his words?

"Excuse me," tawag pansin ko sa kanilang tatlo. "Nasaan po comfort room?" Wala na akong iba pang madahilan para makaalis, kaya 'yon nalang ang ginawa kong excuse.

"You want me to come with you?" Tanong ni Brandon and I nod my head for a no. "Okay ka lang?" Napatango na naman ako kahit hindi ko okay kasi feeling ko magkaka-attack ako sa pinasok kong gulo.

"Samahan na kita," sabi ni Mam Carme at hinawakan ako sa braso sabay bitaw ni Brandon sa kamay ko.

Nakahinga ako ng maluwag dahil nalayo na ako sa tensyon. Parang natutusta ako doon dahil sa init nilang tatlo.

"Okay ka lang?" Tanung ni Mam Carme sa akin at kita ko na nag-aalala s'ya sakin.

"Hindi," sagot ko sabay hawak sa dibdib ko kasi naninikip iyon.

"Gusto mo ng tubig?" Tanung nito na natataranta. "Breath in, breath out," sabi nito sakin at sinunod ko naman ang kanyang sinabi. "Ganyan talaga dito. Nasanay na ako na may ganyang eksena. Lalo na 'yong Lola ni Brandon. Grabe 'yon."

Is Mam Carme giving me a warning na umalis na bago pa ako maabutan ng Lola nila? Bigla akong kinabahan at napahawak sa dibdib ko ulit. Nangatog ang mg tuhod ko at pinagpawisan na naman.

"Kalma ka lang," biglang nag alala ang kanyang mukha ulit at tinapik ako sa likuran.

"Is everything okay?" Nagulat ako sa biglaang pagsilip ni Brandon at napapikit nalang ako whle looking away from him.

"Oo okay lang," si Mam Carme ang sumagot para sakin. "Kumain na nga kayong dalawa dahil pag dumating na si Lola, ni isang kutsara di mo na magagawa pa."

"I need to talk to her," sabi ni Brandon at umalis naman si Mam Carme.

"Are you okay?" Tanung ni Brandon sakin.

I took a deep breath bago pa man humarap sa kanya.

"Everything will be okay. Trust me," sabi ni Brandon at tinitigan ko lang s'ya. "I told you I will protect you. Kaya trust me okay?" Hinawakan n'ya dalawang kamay ko at hinila palapit sa kanya at niyakap. "Tara na. Kumain na tayo."

Sinamahan kami ni Mam Carme pabalik sa dining room. Buti nalang wala na dun sina Mam Dina at Cathy kaya nakakain din kami ng mapayapa.

Nanatiling tahimik si Brandon at hindi na rin ako nagtatanong pa. Siguro sasabihin din naman n'ya sakin once nakalabas na kami ng bahay o makauwe na kaming dalawa.

Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon