"It's been awhile na hindi na pumapasok si Brandon," nagtaka na rin si Mam Carme. "Hindi mo pa rin ba s'ya ma-contact Erica?"
Almost a week na rin s'ya hindi umuuwe sa bahay mula nung nag usap kami, siguro iniiwasan ako. Kasi naman natakot sa confession ko about my feelings towards him. I tried to contact him pero walang reply. Pinapatayan din ako ng phone everytime tumatawag ako at ang malala e naka block ako sa messenger n'ya.
"Hindi rin ba s'ya nauwe sa bahay nila o ng Lola n'ya po Mam?" Tanung ko na nag aalala na rin.
"Mula nung nagdala s'ya ng babae dun, hindi ko na nakita si Brandon," sagot ni Mam Carme. "I don't know what he is up to pero sana naman maisip ni Brandon na may pamilya s'yang nag-aalala sa kanya."
Gulong-gulo ang isip ko kasi naman ayoko na sa ganito nalang kami matatapos. Gusto ko makausap s'ya kung balak man n'yang layoan ako at kong hindi na s'ya comfortable na ka trabaho ako, pwede ko naman e give up ang work ko sa hardware nila.
I regretted na sinabi ko ang totoo kong nararamdaman para sa kanya. Kasi lumayo na s'ya sakin, the thing na kinatatakutan ko ng sobra.
"Pag may balita ka kay Sir Brandon mo, text mo agad ako ha," bilin ni Mam Carme sakin.
"Sige po Mam," gusto ko rin sabihin sa kanya na e text din ako pag nauwe sa kanila pero di ko masabi-sabi.
Nag aabang ako ng jeep pauwe ng may taxi na huminto. Nakita ko si Paul na kinakawayan ako. Agad ako sumakay ng binuksan n'ya ang pinto.
"Pauwe ka na?" Tanung n'ya.
"Oo," sagot ko naman. "Ikaw?"
"Pwede ka ba ngayon?" Napatingin ako sa kanya. "Naalala mo si Grace?"
Of course, naalala ko ang bully na campus crush. Sino naman ang hindi?
"Oo. Bakit?" Nagtaka ako.
"Magkatabi kasi ang condo unit namin. E may ganap kasi dun kasama ibang classmates natin. Na mention kita sa kanya kaya sabi n'ya e sama kita."
"Ah ganun ba. Sige. Okay lang din naman sakin," nahiya ako pero di ako makatanggi lalo pa gusto ko rin makita mga classmates kong from high school.
Pagkapasok namin sa condo building. Nag umpisa na kaba ko. I remember kasi na binu-bully din ako ni Grace. Pero siguro naman, ngayon nagbago na s'ya.
"Okay ka lang?" Tanung ni Paul ng magbukas na ang elevator sa floor ng condo.
"Oo naman," namamawis talaga mga kamay ko kasi hindi naman ako masyadong kilala nung highschool kaya hindi ko alam ano ang magiging reaksyon nila pag nakita ako.
"Wag ka mag alala. Hindi naman lahat ng classmates natin nandito. Mga close friends lang ni Grace."
"Ahhhh. Okay."
"Oy teka lang muna ha. May kukunin lang ako sa unit ko," ani ni Paul at huminto sa pinto sa unit n'ya. "Tara," aya n'ya sakin.
"Dito nalang ako. Sandali ka lang naman di ba?"
"Sige. May kukunin lang akong wine."
Habang nakatayo ako sa harap ng pinto na iniwan n'ya naman bukas, may naamoy akong familiar scent. Napalingon ako sa paligid at umaasang kay Brandon ang amoy na 'yon. Kaya lang wala naman tao sa hallway, siguro nai-imagine ko lang kasi naman na miss ko na rin s'ya.
"Yan na ba 'yon?" Nakita ko may bitbit ng wine si Paul ng lumabas.
"Oo. Umiinum ka?" Sinara na n'ya ang pinto.
"Oo naman."
Huminto s'ya sa kasunod na pintuan at lumakas tibok ng dibdib ko ng buksan n'ya ito.
"Teka lang," napahawak ako sa braso ni Paul.
"Baka next time nalang," talagang hindi ako comfortable na pumasok sa loob.
"Pauls here!" Sigaw ni Grace na namukhaan ko kaagad na nagbukas ng pinto. "With....... Erica na paikaika!" Natawa si Grace at napangiti na lamang ako.
"Erica? 'Yong mop girl?" Hindi ko makita kung sino ang may sabi nun kaya mas lalo akong kinabahan.
"Pasok na. Pasok," hinila ako ni Grace papasok kaya hindi na ako nakahindi pa. "Leave the door open Paul. I'm waiting for our food."
"Hi!" Nahiya kong bati sa mga famous sa campus dati na mga classmates ko rin.
"Oy si Erica nag upgrade na," natawang sabi ni Nikki na laging kasama ni Grace dati. "Mamahalin na suot ah. May foreigner kana mop girl?"
"Wala," sagot ko kaagad.
Napaka wrong idea na sumama ako kay Paul. Dapat talaga pinag isipan ko muna ito ng mabuti. Ito tuloy, napapahiya na naman ulit dahil sa kanila.
"Oh upo ka dito Erica. Kwentuhan mo naman kami tungkol sa pag le-level up mo. Kasi as far as I remember, kahit nga ballpen hindi ka makabi," paalala ni Grace at nagtawanan naman sila lahat.
"Tama na," saway ni Paul sabay bigay sa akin ng baso na may hard liquor. "Binibiro ka lang ng mga 'yan."
Ngumiti ako at umupo sa stool na binigay ni Paul. Ininum ko kaagad ang binigay n'ya at sobrang tapang nito kaya napapikit mata ako.
"First time n'ya ata nakatikim ng mamahaling Cognac," natawa si Lyster. "Inum ka pa. Baka ito ang una at huli kang makakainum nito."
"Pigilan mo muna di maihi ng isang buwan para di sayang ang pinangbili namin ng iniinum mo," nakakahiya man maupo kasama nila, hindi ako makatayo at makaalis dahil kay Paul na maayos naman akong sinama dun.
Habang ginagawa nila akong katatawanan, e ginagawa ko naman na patatagin ang sarili at wag madala sa kanilang sinasabi. Kaya naparami na inum ko.
Sanay na ako ma bully nila nung high school. Since working student ako kaya pinagtatawanan nila ako. Gusto ko rin naman kasing makapag ipon kaya napili kong magtrabaho habang nag aaral. Para sa kanila katawa-tawa ang ginawa ko sapagkat may kaya naman kasi ang pamilya nila habang ako e hindi naman.
"Gabi na Paul. Baka pwede na akong makauwe," bulong ko kasi iniisip ko may pasok pa ako kinabukasan.
"Mamaya na. Hatid naman kita," hinawakan n'ya balikat ko at nginitian ako.
"Ano 'yan? Hoy! Maaga pa para d'yan," nakakairita na rin marinig ang tawa ni Nikki. Tawang unggoy lang at nakakasira sa beauty n'ya.
"Umiinit na ba katawan n'yo?" Tanung naman ni Gino. "Hayaan n'yo na sila umalis. Babalik din mga 'yan. Nasa kabilang unit lang naman si Paul," nagtaas pa ito ng baso kay Paul.
"Go Paul! Go Paul!" Cheer ni Grace at nilagay ang braso ni Paul sa balikat ko.
"Paul. Uwe na talaga ako," sabi ko kasi parang hindi na yata talaga tamang manatili pa ako.
"Guys hatid ko lang," paalam ni Paul.
Madali naman akong umabot sa pintuan at agad nagbukas ng pinto.
"Mamaya na," pigil ni Grace sakin. "Nag e-enjoy ka rin naman kasama kami," alam ko naman ayaw nilang umuwi ako kasi mawawalan sila ng mapagtatawanan.
"Uuwe na talaga ako. May-"
"Mamaya na," hinila ako ni Grace ulit papasok at nakita ko na naman silang tumatawa.
Paupo na sana ako ulit sa kinauupoan ko ng biglang may humila sa aking braso. Napalingon ako at akala ko si Paul.
"Let her go," galit ang namuo sa mata ni Brandon habang nakitang hawak ni Paul ang kamay ko para akayin sanang maupo ulit.
"Brandon right? The guy across the unit?" Nagkagat labi si Grace na tiningnan si Brandon mula ulo hanggang paa. "Let my friend go. You know... She's fine and maybe you are wrong about-"
"Let's go home," hindi pinansin o pinakinggan ni Brandon si Grace at nanatiling nakahawak sa braso ko.
Napatingin ako kay Paul at agad naman n'ya binitawan ang aking kamay.
"Trespassing ang ginagawa mo," tumayo si Paul sa gitna namin dalawa ni Brandon.
"May problema ka ba pare?" Napatayo na rin si Gino sa kinauupoan n'ya.
"Kaibigan namin 'yan at nagkakatuwaan lang kami dito," lumapit si Grace sakin at inakbayan ako.
BINABASA MO ANG
Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]
RomanceSa gitna ng pakikidigma sa sarili, masasagip ba ako ng pag ibig? O tuluyan akong malulunod?