Nagising ako at pagbukas ko ng mga mata ko, nakita kong naka video call pa rin kaming dalawa ni Brandon. Alas singko na ng umaga at tulog pa rin s'ya. Dahil s'ya unang nakita ko, ang ganda ng gising ko. I can't believe our phone lasted that long. Ilang oras din kasi kami natulog.
Napangiti ako ng makita kong idinilat n'ya ang isa n'yang mata at agad napangiti ng makita akong gising na.
"Good morning," bati ko sa kanya.
"Good morning Erica," sabi n'ya at dinampot ang cellphone.
"So ano gagawin mo today?" Tanong ko.
"Meeting with Architect and Engineer for the building," sagot n'ya. "Ikaw?"
"Papasok sa work," hindi mawala-wala ang ngiti ko sa mga labi ko. "You know it is Monday. Double pay kaya ako kahapon? E day off ko tapos pinapasok ako."
"You should ask Carme about that," natatawa n'yang sabi.
"Get up na. Get ready for work," bumangon na s'ya at ganun na rin ako.
Sabay kaming pumasok sa banyo at nilagay ang cellphone sa lugar kung saan nakikita pa rin namin ang isa't-isa. We wash our faces and laugh together. Tapos we both head for the shower leaving our phone on.
"You should install heater on your shower Erica," narinig ko boses n'ya kahit nasa lavatory nakapatong ang phone ko.
"Dagdag gastos lang 'yon," sabi ko naman.
"I could buy you one," offer n'ya.
"Wag na. Di ko rin gagamitin," decline ko.
Pagkatapos ko maligo e nakita kong nakasuot na s'ya ng pantalon at nasa ayos na buhok n'ya.
"Ano maganda?" Tanong ko at pinakita sa kanya ang jeggings at waka-waka ko.
"Go grab that black dress," sabi n'ya at napalingon ako sa likod ko.
Nagbibihis pa lang ako e s'ya nag aalmusal na. Kaya minadali ko na ang sarili ko. This is the best morning I experience so far.
"Kain ka muna," sabi n'ya.
"Hindi kasi ako nakapag grocery e. Kaya baka mag drive thru nalang ako," I said and look at myself in the mirror.
"May ka date ka ba today?" Natatawa n'yang tanong.
"Wala. Hala ka! Ikaw kaya nag suggest nito," sabi ko naman at inayos ang dress at saka isinuot na ang kwentas na binili n'ya.
"Meron," napalingon ako sa cellphone ko. "Ako."
"Binibiro mo naman ako," kinuha ko na ang cellphone ko at saka pinakita sa kanya ang kwentas.
"Don't you ever lose that. At 'yan lang dapat isuot mong kwentas," napangiti ako.
"Opo. Di ko iwawala kasi napakamahal po nito," nalalambing ang boses ko na nagsalita.
"E ang bumili? Di mo ba mahal?" Natigilan ako sa tanong n'ya and he look so serious kaya nawala ang ngiti sa labi ko.
"Remember the rules?" pinaalala ko sa kanya kahit na ang gusto ko naman talagang sabihin e mahal kita.
"Bawal ma attach, bawal ma fall pero dapat open sa isa't-isa," sabi n'ya. "I'm just joking Erica."
"Alam ko," hindi ko pinahalatang nalungkot ako sa sinagot n'ya. Umaasa kasi ako na ang isasagot n'ya e mahal na n'ya ako.
"Are you ready to go?" Tanong n'ya as if mag kasama kaming aalis.
"Yep," sagot ko at lumabas na ng kwarto at ganun din s'ya.
"Take care," paalala n'ya.
"Drive safe and take care too Brandon," ganti ko rin.
Binaba na n'ya ang video call at binuksan ko kaagad ang gate para lumabas. naiwan ko ang kotse n'ya sa Uranus kasi naman inundo n'ya ko the other day.
I start my day with a smile. I can't imagine how Brandon changes my life with short of time na kasama ko s'ya.
Whole day n'ya akong ina-update kung nasaan s'ya at sino kasama n'ya. Sending random photos that makes me happy na tinutupad na n'ya ang goal n'ya. Happy din kasi he included me and made me involved sa lahat ng ginagawa n'ya.
Ako lang a talaga ang naa-attach? O pati s'ya attached na rin sakin pero di lang n'ya masabi? Impossible naman na he would do this kinds of things with me kung hindi rin s'ya attached di ba?
"Erica," tawag ni Paul sakin na hinahabol ako habang papasok na sa entrance ng hardware.
"Good morning Sir Paul," bati ko sa kanya.
"I bought something," inabot n'ya sakin ang coffee na bitbit n'ya.
"Nag-abala ka pa Sir," tinanggap ko naman ito.
"Hindi kasi kita nalibre kahapon kaya bumili nalang ako," sabi n'ya at sabay na kaming pumasok sa entrance.
"Thank you."
"Baka mamaya pwede kana," napatingin ako sa kanya. "If wala kayong lakad ni Brandon, baka pwedeng samahan mo naman ako."
"Saan?" Tanong ko naman.
"I invited everyone to come to my welcome party. Si Mam Carme talaga nag organize and then I ask others to come para naman makilala ko sila," sagot n'ya.
"Okay," sang-ayon ko naman.
"Asahan ko 'yan," sabi n'ya at pumasok agad sa kanyang office.
Walang problema sakin na pumunta sa welcome party n'ya. Kasi kasama naman lahat at for sure wala ang mga bully na high school classmates namin.
"Welcome party ni Paul after closing. Invited kami lahat. Si Mam Carme nag organize," agad ko pinaalam kay Brandon sa text.
"Are you coming?" Agad s'ya nag text back.
"Yep! Invited lahat sa store," sagot ko at naupo na sa swivel chair.
"My family will be there and that includes me."
Oo nga pala, magiging part na ng Uranus si Paul kasi Brandon's family considered Cathy as part of them.
"Kailangan ko bang mag decline?" Tanong ko kasi ayoko rin naman maging awkward ang situation sa amin dalawa ni Brandon.
"Cathy will be there too. And you know naman di ba na my family wants me to marry her."
"Okay lang. Pupunta pa rin ako."
"I'll talk to you later."
"Okay Brandon."
Nag doubt na tuloy ako na pumunta sa party ni Paul. Iniisip ko rin naman sarili ko kahit na tatanga-tanga ako. Saka ayokong masaktan while watching his family pushing Cathy to be with Brandon, lalo na ngayon alam ko na fiancee na n'ya si Cathy.
Everyone talked about sa party at naghahanda sa isusuot nila. Ako? Wala. Ganito pa rin isusuot ko, wala naman akong dapat paghandaan.
"Sabay ka sakin?" Tanong ni Paul.
"Hindi. Dala ko kasi kotse ni Brandon," sagot ko naman. "Saka baka mag change of mind kasi ako."
"See you there," sabi ni Paul at sumakay na sa kanyang SUV.
Ako lang yata ang hindi excited sa party na 'yon. Pakiramdam ko tuloy napaka kill joy ko that time at panira sa mood ng iba.
"Coming?" Nabasa ko text ni Brandon ng pumasok na ako sa sasakyan.
"Yep."
"Meet you at the parking lot," pinaandar ko na ang kotse at hindi na sumagot sa text n'ya.
Minutes away lang ang venue ng party ni Paul kaya agad akong nag drive papunta dun. For sure Brandon was waiting for me there. Sobrang kabado ako at nanlalamig mga kamay ko habang papunta dun. I was thinking ahead na baka pagtawanan ako at mapag usapan pagnalaman nila sa iba naka engage si Brandon whie nakikita nila kaming sweet sa Uranus. Takot na takot ako pero kailangan harapin ko ang takot ko kasi kung hindi, kailan pa?
BINABASA MO ANG
Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]
RomansaSa gitna ng pakikidigma sa sarili, masasagip ba ako ng pag ibig? O tuluyan akong malulunod?
![Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]](https://img.wattpad.com/cover/229973027-64-k597315.jpg)