Chapter 45.

4 0 0
                                    

"Don't be sad. Hindi naman ako mamamatay. Uuwe lang ako sa condo to focus myself on my own business. Saka you can text me anytime," niyakap n'ya ako habang nakatayo kami pareho sa gilid ng truck n'ya.

"Magre-reply ka kaya?" Naiiyak ako pero pinigil ko kasi baka masabi n'ya ang drama ko naman.

"Oo naman," sagot n'ya. "I'll check on you saka we can video call."

Brandon kiss me and hug me tightly bago s'ya sumakay sa truck n'ya. Nakakainis I have to see him leave that way pero at least alam ko saan s'ya nakatira saka pwede ko din s'ya e text anytime.

Mabigat kong dinala ang sarili papasok sa Uranus. Iba na ang kasama ko sa office kaya nakakapanibago. Siguro grabe naging away nila ng Papa n'ya kaya nag decide s'ya na sumarili na lamang.

"Erica," tawag ni Mam Carme sakin ng papasok na sana ako sa office.

"Mam Carme good morning po," bati ko sa kanya na todo smile.

"Good morning din," sabi naman n'ya. "Oo nga pala. May bagong manager na dadating today. Tapos nilipat na kita ng office."

"Bakit naman po?" Tanong ko na nagulat.

"E kasi ayaw ni Brandon kasama mo ang bagong Manager. Kaya dun ka sa kasunod na kwarto nitong office mo," tinuro n'ya ang vacated room na kasunod ng office namin ni Brandon. "Mahigpit na bilin n'ya sakin 'yon kaya ayon pinapaayos ko na sa utility natin."

"Okay lang naman po ako Mam na kasama ang bagong Manager," nahiya ako kasi need pa talaga ipalinis ng utility.

"Okay sa'yo, pero hindi para kay Brandon," napangiti si Mam Carme sakin.

"Grabe naman si Sir-"

"I'm sorry about last time," hinawakan ni Mam Carme ang kamay ko. "I know Brandon likes you pero the way I approached you para balaan ka about his family was wrong Erica. I can't help Brandon para maintindihan ng Lola n'ya or ng Mama n'ya ang situation n'yo. Pero at least I can help him with his request na ilayo ka sa bagong Manager."

"Nagkakamali po kayo Mam Carme. Talagang friends lang po kami ni Sir Brandon," totoo naman talaga na wala kaming relationship kaya dapat lang na sabihin ko iyon.

"Sure?" Tanong n'ya sakin.

"Opo Mam. Sure na sure po talaga na wala kaming relasyon at hindi po nnliligaw si Sir sakin," sagot ko naman.

Binitawan ni Mam Carme ang kamay ko at napangiti sakin.

"Alam mo 'wag na natin pag-usapan si Brandon. Parang niloloko yata ako ng gagong 'yon," natatawang sabi ni Mam Carme. "May pasabi-sabi pa na ayaw n'ya may lumalapit sa'yong ibang lalaki kasi ikakamatay n'ya."

"Niloloko lang po talaga kayo nun Mam," sang-ayon ko naman sa kanyang sinabi.

Nilagay ko muna ang gamit ko sa old office naman ni Brandon dahil hindi pa tapos linisan ang lilipatan kong office. Sumunod naman agad ako kay Mam Carme para salubungin sa labas ang bagong Manager na parating na.

"Anong meron?" Tanong ni Josh ng magpang-abot kami.

"May bagong Manager kasi," sagot ko naman. "Usap nalang tayo mamaya. Baka 'andyan na."

Hindi ako excited makita ang bagong darating na mamamahala sa Uranus. Kasi kailangan ko na naman mag-adjust at makisama.

"Paul!" Gulat ako ng makita s'ya.

"Erica," gulat din s'yang makita ako at napangiti.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"I shift another job. Kaya na punta ako dito as Manager," nagulat ako kasi si Paul ang papalit kay Brandon.

Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon