Pagkatapos magbihis agad akong lumabas ng kwarto. Diretso na sa kusina at nakita ko s'yang nakaupo sa sofa habang may ka text sa cellphone.
Naiilang ako sa suot kong pambahay kasi naman baka sabihin n'ya sini-seduce ko s'ya sa dolphine shorts ko at loose tanktop.
"Anong lulutuin mo?" Tanung n'ya at nagulat ako na bigla nalang s'yang lumitaw sa likuran ko.
Napaikot ako at nagpigil hininga ng makitang nakatayo s'ya ng malapitan sa akin.
"Sinigang," sagot ko at umikot ulit sa hinihiwa kong gulay.
"That's perfect," sabi n'ya at naramdaman kong malayo na s'ya sakin.
Muling natahimik ang paligid at nang handa na akong isalang ang lulutuin e nakita ko s'yang nakaupo ulit sa sofa.
"Okay ka lang ba Sir?" Tanung ko sa kanya at nag umpisa ng magluto.
"I am," sagot n'ya. "Anyway, ikaw lang ba nakatira dito?" Tanung n'ya sa akin.
"Oo," sagot ko sa tanung n'ya.
Tumayo s'ya sa kinauupuan at nag ikot sa bahay. Hindi naman ganun kagulo ang bahay, may mga gamit lang talaga na kailangan ng itapon. Lalo na 'yong hindi na kailangan.
"Retouch lang need nito. Saka throw away stuffs that you don't need," suggest n'ya.
"Oo nga e. Gustong-gusto ko talaga ipaayos 'to kaso wala pang budget. Dalawang taon nalang matatapos ko na rin hulugan to. Saka marami rin kasing naiwan utang si Papa kaya inuuna ko muna 'yon."
"What if..." Napatingin ako sa kanya. "...ipaayos ko tapos kaltas mo nalang sa rent ko every month?" Tanung n'ya sakin.
"Sir?" Parang nabingi ako sa sinabi n'ya.
Naupo s'ya sa upoan ng dining table at inilagay ang mga kamay sa mesa.
"I need some place to live. I find this place comfortable keysa sa condo or bahay namin. Some place where no one knows me."
Natigilan ako saglit at hindi makapagsalita. Ang gandang offer kaso nakakahiya naman sa kanya lalo pa't boss ko s'ya.
"It will be an advantage sa'yo in so many ways. Like you can ride with me going to work saka maaayos mo bahay mo."
Napangiti ako. Oo nga naman di ba?
Matapos magluto e hinanda ko na ang mesa. Parang nandito na rin si Brylle kasi naghanda ako ng pangdalawahan. Ilang taon din kasi akng nasanay na naghahanda para samin dalawa.
"So what do you think with my offer Erica?" Tanung n'ya ng malapit na kami matapos kumain.
"Okay lang naman sakin Sir pero nakakahiya naman kasi."
"Wala ka bang boyfriend na magagalit?" Tanung n'ya at muntik na akong mabilaokan. Agad akong uminum ng tubig at napangiti s'ya.
"Wala naman akong boyfriend Sir" sagot ko sa kanya. "Saka nakakahiya naman na dito ka titira. Ang liit na tapos ang pangit pa."
"I am not a picky person Erica. At hindi rin ako tulad ng iba na sobrang arte. I just wanted to have a place where my family doesn't knew."
Pagkatapos kong magligpit ng pinagkainan namin e agad ko s'yang dinala sa kwarto ni Brylle. Makalat pa ito kasi kakaalis lang din naman n'ya kahapon.
"Sir thank you pala sa pinamili mo. Hindi ko pa s'ya mababayaran saka sobrang mamahal ng pinamili mo. Lalo na 'yong cellphone," nahiya ako at the same time nagsisisi kasi bakit hindi ako umayaw sa pinamili n'ya.
"How about libreng tira sa bahay nalang ang bayad? Until you pay it all?"
"Ilang taon ko pa maibabalik ang nagastos mo kong ganun."
BINABASA MO ANG
Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]
RomanceSa gitna ng pakikidigma sa sarili, masasagip ba ako ng pag ibig? O tuluyan akong malulunod?