Chapter 16.

7 0 0
                                    

Alam ko naman lasing s'ya pero bakit sa kwarto ko pa talaga natulog. Agad ako lumapit sa kanya at niyugyog para magising. Parang gumaganti yata 'ya dahil I fall asleep sa kwarto n'ya nung ako naman ang nalasing.

"Sir Brandon," mahinahon kong sabi baka kasi masigawan ako.

"Hummmmm......" Iyon lang ang  lumabas sa bibig n'ya at napatihaya.

Natawa ako kasi kahit na lasing, hindi man lang nagulo ang signature hairstyle n'ya.

"Sir lipat kana sa kwarto mo," nakikiusap ako sa kanya.

Mayamaya pa gumalaw s'ya at tumayo. Akala ko e lalabas na.

Nanlaki mga mata ko nang makita kong naghubad ng suot n'yang pantalon at naka boxer brief lang. Pagkaupo n'ya sa kama e bigla akong hinila at niyakap habang bumagsak kaming dalawa pahiga. Hindi na ako nakagalaw pa dahil sa higpit ng pagkakagapos ng mga braso n'ya.

"S....sir?"

"Shhhhhh...."

"Si...sir mali yata-"

"It's good to cuddle someone while falling asleep," bulong n'ya at hinila pa ako ng palapit sa kanyang dibdib.

Napalunok ako at lihim na pinapakinggan ang tunog ng kanyang mahinahong dibdib. Napaka init din ng kanyang katawan. Nakaharang ang dalawang kamay ko sa pagitan ng katawan namin.

"Tulog na," bulong n'ya at tinapik ang aking likuran na parang nagpapatulog ng bata.

"Lasing ka ba talaga ha?" na iintriga kasi ako kasi parang nagpapanggap lang s'ya na lasing.

"Bakit ano ba dapat gawin ng lasing ha?" Tanung n'ya sakin at idinantay ang mabigat na paa sa aking baywang.

"S..si...sir," nauutal kong sabi.

"Matulog kana habang hindi pa ako nilalamon ng kademonyohan," natwa n'yang sabi.

Pinikit ko ang aking mga mata kahit hindi pa ako naantok at hinayaan na yakapin n'ya ako kasi baka paggumalaw ako, may gagawin s'yang hindi maganda. Piakinggan ko na lamang ang tibok ng dibdib n'ya at ang tamik n'ya sa aking likuran.

.........

Nagising ako sa lakas ng alarm galing sa cellphone at babangon na sana ako pero natahimik ito. Marahan kong ibinuka ang aking mga mata at nakita kong gising na si Brandon. Inilapag n'ya ang kanyang cellphone sa drawer sa tabi ng kama ko at ng humarap s'ya ulit sa akin e ipinikit ko kaagad ang aking mga mata.

Akala ko babangon na s'ya pero niyakap n'ya ako ulit. Hindi man lang naumay kahit buong gabi niyakap n'ya ako habang pareho kaming tulog.

Alam ko hindi na s'ya lasing pero bakit yakap pa rin n'ya ako? Nagpanggap akong tulog at hinayaan lamang s'ya kasi iniiwasan kong magtanung at makausap si Brandon.

Dahan-dahan n'yang binaluktot ng brasong pinag-unanan ko at inilapit ang aking mukha sa kanyang dibdib.

"Sorry," bulong n'ya sakin at napatingala ako sa kanya, saktong nakatingin na rin pala s'ya sakin kaya nagtama ang aming mga mata.

"Sir," mahina kong sabi na nahiya sa kanya.

"May nasabi ba akong mali kagabi?" Tanung n'ya. Umiling-iling ako ng hindi.

"Pero nagalit ka kasi di mo makita anak mo at iniwan ka ng girl-"

"Shit," bulong n'ya at tumahimik na lamang ako.

Binitawan n'ya ako at naupo sa kama sabay pulot ng mga damit n'ya. Napaupo na rin ako at inayos ang aking magulong buhok.

"Let's not talk about it," sabi n'ya bago lumabas ng kwarto.

Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon