Chapter 31.

8 0 0
                                    

"Tama na," sabi ni Mam Carme na ikinabigla ko ng umupo s'ya sa tabi ko. "Napaparami kana."

"Okay lang," tumingin ako kay Brandon na noo'y nakikita ko na nag-e-enjoy kasama ang mga pinsan n'ya.

I think nakalimutan n'ya na yata na kasama n'ya ako kasi sobang tagal ko na naupo dun at hindi man lang n'ya naisip hanapin ako or e text man lang. Nakakadismaya sobra kasi sabi n'ya sakin before we came na s'ya bahala sakin.

"Pasensya kana sa Mama ni Brandon at sa Lola n'ya ha. Ganun talaga sila. Gusto asi nilang makapangasawa si Brandon ng babaeng makaktulong sa negosyo nila," hinawakan ni Mam Carme ang kamay ko at nadama ko ang kanyang sensiridad.

"Okay lang po 'yon Mam Carme," tugon ko naman sa kanyang sinabi. "Alam ko naman saan ako lulugar saka ginagampanan ko lang naman ang pagiging P.A ko kay Sir Brandon."

Napangiti si Mam Carme sa akin at ganun din naman ako. Bukod kay Ken na mabait sa akin, pangalawang tao sa pamilya ni Brandon si Mam Carme na mabait din. Buti nalang kahit papaano e gumagaan-gaan ang loob ko.

"Mauna kana kayang umuwe," suggest ni Mam Carme. "Gabi na rin. Saka mamaya pa 'yan matatapos sa inuman si Brandon," napatingin na rin s'ya kina Brandon.

"Ganun po ba?" Tanung ko. "Mas mabuti pa nga umuwi na ako kasi naman hindi ko na rin s'ya ma-e-da-drive pauwi kasi nakainum na rin po ako Mam Carme."

"Kaya nga."

"Mag ta-taxi nalang ako," napatayo ako at naramdaman ko ang init ng katawan ko pero di pa naman lasing.

"Tara. Samahan kitang magpaalam kay Brandon," napatayo na rin si Mam Carme.

"Naku wag na po. Hindi na ako magpapaalam sa kanya," napangiti ako. "Saka kaya ko na kumuha ng taxi sa labas. Dito ka nalang po. Nakakahiya naman."

"Sigurado ka ba?" Nag aalala s'ya na nakatingin sa akin.

"Oo naman po," sagot ko at ngumiti.

"Sure ka ha."

"Oo nga po."

Malapit na ako sa gate ng biglang may humawak sa braso ko. Napalingon ako agad and I saw Thomas holding my arm. 

"Erica, andito ka rin pala?" Nakangiti ito sa akin.

"Thomas?" hindi ako sigurado kung Thomas nga ba ang pangalan n'ya.

"Dali mo naman makalimot," sabi nito at binitawan na ang aking braso kasi na feel n'ya sigurong hindi ako comfortable na hawak n'ya ito.

"Sorry," pinilit ko ang sarili na pangitiin.

"Uuwe kana?" Tanung n'ya sakin.

"Oo," sagot ko. "Ikaw? Kakadating mo lang?" Tanung ko.

"Oo e. Galing pa ako sa work. Gusto sana kitang pigilan para naman makasama ka kaya lang parang kailangan mo na yata talagang umuwe," sagot nito na pabulong.

"Naparami talaga inum ko," natatawa kong sabi. "Text mo nalang ako para inum tayo."

"Talaga?"

"Oo."

"Sige asahan ko 'yan ha. O, punta muna ako dun sa loob. Gutom na rin kasi ako."

"Sige. Bye!"

Patuloy akong naglkad heading sa gate at nabga na naman ako ng may biglang humila sa aking braso. 

"Thomas-"

I thought it was the same person pero ng lumingon ako nakita ko si Brandon. Napatingin ako sa palagid lalo na sa mga kasamahan n'ya sa table na noo'y nakatingin sa amin dalawa at maging iba pang bisita, lalo na nung hinila n'ya ako bigla.

"Aalis ka na hindi magpapaalam sakin?" Napalakas boses n'ya at ikinabigla ko ito. "Iiwan mo lang ako dito ng ganun-ganun na lamang?"

"Kasi Sir-"

"Sabihin mo kung ayaw mo akong kasama Erica. Madali naman akong kausap," wala s'yang pakialam na marami ang nakatingin at nakikinig sa kanya.

"Hindi naman po sa ganun-"

"Pinag usapan na natin di ba na hindi ka iinum? Mahirap ba sundin ang gusto ko Erica? Ba't ba pinapahirapan mo ako? Di-" tinakpan ko ang bibig n'ya at hindi na s'ya pinatapos pa sa kanyang sasabihin dahil sa natahimik na lahat at sa amin napunta ang kanilang mga mata.

Mukha tuloy kaming nagtatalong mag syota. Sobrang nahiya ako sa ginawa n Brandon kaya ng napatahimik ko si Brandon e agad ko naman s'ya hinila sa labasan ng gate.

"Ano ba ginagawa mo?" Tanung ko at napapasilip sa likuran n'ya para makita kung may paparating na tao.

"Pinapagalitan kita kasi uminum ka," napabuntong hininga ito. "Ayokong sinusuway ang gusto ko Erica. Saka iiwan mo ako dito? Ano bang problema mo?"

"Sorry ha kung problema man ang tingin mo sa decision ko na umuwe na lang kaysa naman parang tanga sa isang sulot nakaupo ng mag-isa. Kasi naman 'yong taong nagpaasa sakin na s'ya bahala sakin dito e  nang iiwan nalang ng basta-basta. Nag enjoy na rin ako, kasi nag e-enjoy ka rin sa mga kasama mo. Anong gusto mong gawin ko? Tumanganga na lang?"

"Hinintay kitang lumapit sakin! Samin!""

"Hinintay kitang lapitan ako Brandon! Hinihintay kitang kunin mo ako dun sa sulok na 'yon! Hindi ko lugar 'to! Hindi ko bahay 'to! Saka basta mo nalang ako iniwan dun sa Lola mo. Alam mo ba anong sinabi n'ya? Hindi mo alam kasi wala ka dun. Akala ko ba pro-protektahan mo ako?"

Pareho kaming napabuntong hininga. Napakagat labi s'yang nakatingin sakin habang umiiwas naman ako ng tingin ky Brandon.

"Ano bang sinabi sa'yo ng Lola ko at nagkaganyan ka?!"

"Wala! At 'wag mo na lang alamin kasi for sure alam mo naman ang sagot sa tanong mo!"

"Sorry if I got mad at you," kumalma na ang kanyang boses at napangiti na lamang ako kasi hindi ko inaasahan na ganun kaagad s'ya kumalma after magalit. Kong si Josh siguro 'yon iniwan na ako at hinayaan nalang.

"Makakauwe na ba ako?" Tanung ko kasi gusto ko na umuwe.

"Wait here okay? Sasabihan ko lang sila uuwe na tayo."

"Wag na. Baka magalit pa Mama mo pag umuwi ka."

"Brandon what the hell is going on?" Nakataas ang kilay ng mama n'ya at sa tono ng boses nito e galit na galit.

"We should leave Ma," agad n'yang sinabi.

"The party is not yet over and I want you to stay for Cathy," napatago na lamang ako sa likod ni Brandon kasi ayokong makita ang Mama n'ya na nagagalit.

"I'm sorry but-"

"Ihahatid mo Secretary mo?" Tanong nito. "Marami naman taxi d'yan sa labas Brandon. D'yos ko naman. Pipiliin mo pa ang Secretary mo over me?"

"Ma, nakainum po si Erica."

"It is her choice na uminum. Saka hindi pa naman lasing 'yan. Makakauwe 'yan ng safe."

"Ahhhhh... Sir kaya ko na pong umuwi ng mag isa. Saka birthday po ng Mama n'yo. Kita nalang tayo bukas sa office," namagitan na ako sa kanilang dalawa kasi naman baka magtalo pa ng dahil sa akin.

"See?" Nakangiting sabi ng Mam Dina. "S'ya na mismo ang nagsabi."

"Erica," nag abot ang kilay ni Brandon habang nakatingin sa akin.

"Okay lang talaga," panigurado ko.

Agad ako lumabas ng gate at sakto naman may taxi na nakaabang kaya agad akong sumakay. Nakahinga na rin ako ng maluwag sa wakas dahil nakatakas na ako sa kanila.

It was wrong idea talaga na sumama pa ako sa party na 'yon. Tama hinala ko na ma a-out of place ako. E di kong nanatili nalang sana ako sa bahay at nakipag inuman sa mga kaibigan ko e di nag enjoy sana ako.

Dahil hindi ko pa gusto umuwi sa bahay e napag desisyonan kong sumunod kina April sa convenience store para makipag inuman sa kanila saglit. Di pa naman masyadong gabi.


Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon