Chapter 53.

6 0 0
                                    

Natulog akong malungkot, nagising akong malungkot pa rin.

Ang dating good morning text e wala na. Siguro magkatabi sila ni Cathy kaya hindi man lang n'ya ako na text ng good night at pati good morning. Ang dating kitchen na laging may nakahandang pagkaon para sa dalawang tao ay hindi na rin mangyayari pa kasi wala na akong makakasabay pang kumain.

Pumasok ako sa work na masama ang loob. Gusto ko sana mag absent pero ayoko naman masabi ni Paul na affected ako at pati na rin ang ibang empleyadong dumalo sa party.

"Are you okay?" Tanong ni Mam Carme na sinadya talaga akong puntahan sa office. ko.

"Oo naman po," nakangiti pa rin ako kahit hindi naman talaga ako okay.

"Sobrang lasing ni Brandon kagabi kaya hinatid s'ya ni Ken sa condo n'ya," napabuntong hininga si Mam Carme at kita ko sa mukha n'ya na hindi s'ya masaya sa nangyari nung nakaraan gabi.

I suddenly remember nung nalasing si Brandon at umuwi sa bahay. How I wish sa bahay nalang s'ya umuwi. Nasa kanya pa rin naman ang susi sa bahay at anytime pwede s'ya dun.

"Nag over celebrate pala," napangisi na lamang ako.

"Hindi kita nakit kahapon sa party," sabi n'ya.

"Umalis po agad ako kasi may pinuntahan pa ako."

"Alam mo na siguro na engaged na s'ya?"

Ngumiti ako kay Mam Carme at inayos ang reports ko na gagawin that day.

"Opo. Kaya nga sabi ko naman po sa inyo wala talaga kaming relasyon ni Sir Brandon."

"Wala nga. Pero ikaw mahal n'ya."

"Mam-"

"He told me mahal ka n'ya Erica. Kung hindi man n'ya sinabi sa'yo malamang natatakot 'yon ma reject. Saka yang engagement at kasal na gusto maganap ng Mama n''ya between Brandon at Cathy. I don't think tatagal ang dalawa kasi ginagamit lang din naman nila ang isa't-isa. One example of that is ang pagiging Manager ni Paul."

"Baka matutunan rin naman nila na mahalin ang isa't-isa Mam Carme."

"Let us just wait and see."

Lakas ng loob ni Brandon sabihin kay Mam Carme na mahal n'ya ako pero sakin hindi n'ya maamin-amin. Ewan ko kung bakit n'ya ginawa 'yon. Hindi naman ako naniniwala na natatakot s'yang umamin sakin e nagawa na nga namin mag make love ng ilang beses.

"Bakit po nagwala si Sir Brandon kagabi?" I want to know the reason  from Mam Carme kasi hanggang sa mga oras na 'yon hindi pa nagpaparamdam si Brandon skain kahit ang dami ko ng text at chat sa kanya.

"Siguro dahil sa pinipilit s'ya ikasal sa taong wala naman s'yang gusto. Kahit nga kay Madel ayaw n'ya makasal noon na may anak sila, tapos ngayon e basta-basta nalang nanghihimasok ang Mama n'ya," sagot ni Mam Carme at napasandal sa kinauupon.

"Pwede naman s'yang humindi kung ayaw n'ya talaga sa arrange marriage na 'yon."

"My dear Erica. Aayaw ka ba pag sinabi ng pamilya mo wala kang makukuhang isang kusing sa kanila? Nawala kang mamanahin sa kanila? E alam mo naman na he is starting to build his own Uranus."

Natigilan ako saglit sa nalaman ko. So Brandon was blackmailed by his family. But then, why he let them do that? Alam ko naman kaya n'yang makalikom agad ng pera kasi may skills s'ya and magkakapera naman agad s'ya pag ginusto n'ya. Bakit kailangan n'yang sundin ang family n'ya? unless takot s'yang mabuhay na walang pera o loho.

"Ang hirap pala talaga maging mayaman Mam Carme," nakangiti kong sabi.

"Mahirap pag nasanay ka na laging puno ang bulsa mo. Kaya hindi makahindi si Brandon kasi lumaki s'ya having everything."

Matapos kaming mag usap ni Mam Carme e ginawa ko na trabaho ko while hinihintay na magparamdam sakin si Brandon. Wala akong ibang pwedeng gawin kundi maghintay kasi bawal akong pumunta sa condo n'ya.

Natapos nalang ang aking shift e wala akong natanggap na ano man galing kay Brandon. Nakakalungot man pero parang tapos na yata sa amin ang lahat.

"Erica are you heading back home?" Tanong ni Paul.

"Opo Sir," sagot ko naman.

"Sige mauna kana. Kasi may tatapusin pa ako sa office. Alam ko rin naman ang bahay mo," I remember na inimbitahan ko pala s'ya sa birthday ni April.

"Ahhhh. Sige po Sir Paul."

Muntik ko na malimutan na birthday pala ni April. And darating sila sa bahay ng 7pm after ng shift nila. Ako rin nakatuka na kumuha ng order na pagkain n'ya.

Nagmadali na akong umuwi, dinaanan ang order na food at saka ihanda ang bahay.

Pumasok ako agad sa kwarta at naghubad ng damit nang biglang may yumakap sakin.

"Brandon," nagulat ako ng makilala ko ito. "Kanina ka pa dito?" Tanung ko at itinulak s'ya palayo at kumuha ng shirt sa closet at agad nagsuot."Kanina pa kita tini-text, bakit di ka man lang mag reply?"

"My phone broke Erica," napabuntong hininga s'ya at nahiga ulit sa kama.

"Bakit nandito ka?" Tanung ko na nag-aalala na makita s'ya ni Paul.

Napaupo s'ya sa kama and darted his tiger eyes on me. Umiwas naman agad ng tingin sa kanya.

"Ayaw mo na ba akong makita?" Tanung n'ya at tumayo.

"Hindi nama-"

"Bawal na ba ako dito?! Tell me!" Galit na galit si Brandon.

"Hindi ko sinabing bawal ka dito. Tinatanong ko lang," mahinahon ko naman s'yang sinagot.

"You know this is my safe place Erica! Tapos ganyan ang e re-react mo na nandito ako!"

"Tinatanong lang kita kasi hindi kita nakausap after nung party."

He fix his hair and grab his shirt. Pinigilan ko s'ya and hug him.

"Hindi kita pinapaalis," sabi ko sa kanya na naiiyak na. "Please dito ka muna."

"I wanted to call you pero sira ang cellphone ko," huminahon na rin s'ya sa wakas.

"Ayoko mamagitan sa inyo ni Cathy. Kaya gusto ko sana iwasan mo ako pero hindi ko pala kaya Brandon," umiyak na ako at hinila n'ya ako sa kama.

Naupo kami dun at hinayaan lang n'ya ako maiyak habang yakap n'ya.

"Uuwe pa rin ako dito para bisitahin ka. Magkikita pa rin tayo. Kaya don't worry too much."

"Cheating na 'yan e."

"We are not cheating Erica. We... I mean I don't have any feelings for her. And I can't be loyal nor faithful to someone that I don't love."

"Just tell me you love me."

Niyakap ako ng mahigpit ni Brandon at hinhintay ko ang sagot n'ya. Sana naman this time sabihin n'ya na sakin na mahal n'ya rin ako para naman kahit papaano hindi ako ma guilty.

"Makinig ka," umpisa n'ya. "Don't make your world revolve around me Erica. You have to stand on your own without my help. I know you can. And as long as I can hold on, I will be here for you but I can't promise to stay forever."

I kiss him over and over again. If only i can do something para manatili s'ya sa tabi ko, ginawa ko na. But I don't have anything to offer for him.

"I want you to promise me na gagawin mo lahat maabot mo lang ang goals mo. By that I will be happy looking at a distant."

"Hindi ba pwedeng manatili ka muna at saka mo na ako iwanan pag naabot ko na 'yon?"

"Mahirap ang sitwasyon natin ngayon kaya nga sinasabi ko sa'yo ito ngayon because I don't know what will happen the next day."


Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon