Chapter 18.

6 0 0
                                    

Five days kong iniiwasan na 'wag isipin 'yong pinag-usapan namin ni Brandon pati na rin 'yong yakapan moment namin. umiiwas din s'ya sakin, at hindi na kami nag-uusap pa since then. Hindi na rin kami sabay pumapasok o umuuwi.

Sobrang gulo ng utak ko kasi hindi na kami nagkakausap at panay iwasan nalang kaming dalawa. 

It was Saturday and I was resting sa labas ng bahay after work ng may kumakatok sa gate. Wala akong bisita na inaasahan kasi sinabihan ko sina Frey na wala munang tambay sa bahay kasi masama pakiramdam ko. Agad ako tumayo at binuksan ang gate. Gulat na gulat ako ng makita ang Tita Agnes, kapatid ni Mama at ang anak nito na si Anton.

"Tita," sabi ko at binuksan ang gate para makapasok sila. "Pasok po kayo," magalang kong sabi.

Nagulat ako sa biglaan na naman nilang pagdating kaya napapakagat labi ako.

"O may kotse ka na pala tapos hindi ka man lang makaambag sa pagtutubos ng lupa ng Lolo mo," nakakairita talaga ang boses n'ya pag s'ya na nagsalita.

"Hindi po sakin 'yan," napayuko ako habang dinadala sila sa loob ng bahay. "Sa nangungupahan po 'yan."

"Yaman naman ng umupa tapos nagtyatyaga dito," napangiwi si Anton at dirediretsong naupo sa sofa.

Di na ako nagsalita kasi mas lalong dadmi ang mga walang kwentang bagay ang lalabas sa bibig n'ya.

"O umaasenso ka na. Pati gamit mo gaganda. Baka naman pwede kang magbigay ngayon," nakita kong patingin-tingin s'ya sa salas.

"Tita utang ko po 'to sa-"

"Hoy! Hindi naman pwedeng sabihin mo na naman na wala kang maibigay. Palagi ka nalang wala Erica. Lupain 'yon ng Lolo mo o baka naman kinalimutan mo na kami?"

"E Tita hinuhulugan ko pa kasi itong bahay ni Papa saka po-"

"Paulit-ulit na dahilan Eca. Sawa na ako marinig 'yan. Alam mo naman na kailangan na natin matubos 'yong lupa," naupo s'ya sa sofa at nakasimangot.

"Wala pa po akong maibigay sa inyo ngayon Tita. May pera ako dyan pero hindi kasing laki ng hinihingi n'yo po."

"Ano?!" nanlisik ang mga mata ng Tita Agnes at hindi ko na ma-control ang abnormal na pagtibok ng puso ko.

"Eca pwede mo naman ibenta mga gamit mo para matubos ang lupa ni Lolo. Paano naman kami paghindi agad 'yon natubos? Saan kami pupulutin?" Pagalit na sabi ni Anton.

Pinakalma ko sarili ko. Ayokong may masabi akong masama sa kanila dahil kahit na ganun trato nila, iniisip ko pa rin naman silang pamilya.

"Hindi ko naman kasalanan kung nasanla ninyo ang lupa. Saka kayo rin naman gumamit ng pera," sobrang baba ng boses ko at bigla nalang ako nabingi ng lumapat ang kamay ng Tita ko sa pisngi ko.

"Makapagsalita ka! Kala mo naman naabot mo na ang langit! Alam mo kahit anong gawin mo madumi ka pa rin! Pati asawa ko kiniringkingan mo!" Galit na sabi ng Tita ko. "May utang ka pa sakin Erica! At kahit mamatay ka pa ngayon, hindi pa rin yon sapat na kabayaran sa ginawa mo sa buhay ko!"

"Tita ako ang biktima. Ako ang ginawan n'ya ng masama," naiyak kong sabi.

"Sossss... Malandi ka lang talaga!"

Hanggang ngayon kasalanan ko pa rin kong bakit umalis ang asawa n'ya at iniwan sila. Ako pa rin ang sinisisi nila. Sobrang sakit kasi kahit sarili kong ina hindi ako kinampihan noon. 

Tumakbo ako sa kwarto at kinuha lahat ng pera na nasa wallet ko.

"Ya...ya...yan lang p....p....p....po ang kaya ko," nangingig ang buong katawan ko at kita ko sa mukha ni Tita Agnes ang saya na nakikita akong nasasaktan.

Hinablot n'ya ang pera sa kamay ko, pambayad dapat 'yon sa lupa pero di bali na basta umalis lang sila ni Anton.

"Ka dramahan mo talaga e may pera ka naman pala. Sa susunod na buwan, doblehin mo para naman para may silbi ka," biniblang n'ya ang pera at nag-abot ng dalawang libo kay Anton.

"Ti...tita hin-"

"Alam mo gamitin mo kalandian mo para magkapera ka. Mukha at katawan mo lang ipuhonan mo at swe-swertehin ka. Wag kang magmalinis na para bang wala kang ginawang kababoyan dati. Kasi kahit ilang ligo mo, nakadikit na sa katawan mo ang dumi. Sabihin mo lang sakin, may mga kakilala akong may pera, pwedeng pwede kitang ilakad sa kanila," natatawang sabi ni Tita Agnes.

Napayyuko na lamang ako at hindi ko na napigilan ang maiyak. Hindi ko na sila hinatid pa sa gate kasi hindi na rin ako makagalaw sa aking kinatatayoan. Bumalik lahat ng ala-ala ko 13 years ago. Bumagsak ako sa sahig at hinawakan ng mahigpit ang puso ko na noo'y naninikip. 
Naalala ko paano ako tingnan ng mga tao, paano ako laging napag-uusapan at husgahan ng mga tao. Hindi madali lahat ng pinagdaanan ko pero nagpakatatag ako para sa sarili ko.

Naramdaman ko na hindi na ako makahinga, naninigas ang aking mga paa pati na rin ang aking mga kamay. Wala na rin lumalabas na boses sa bibig ko. Natakot ako, sobrang takot. Pinikit ko ang aking mga mata, pinilit kong pakalmahin ang sarili pero di ko magawa, dahil bumabalik lahat ng ala-ala kahit hindi ko man gustohin. Hinahabol ko ang aking hininga at pakiramdam ko mamamatay na talaga ako.

Mayamaya pa someone grab me at niyakap ako. Sa amoy ng damit nito, alam ko si Brandon ito.

"Breath in, breath out," sabi n'ya sakin. "Come on Erica. Breath in, breath out," sinunod ko sinabi n'ya kahit na nahihirapan ako. napahawak ako ng mahigpit sa damit n'ya dahil sa takot ko na baka iwanan n'ya rin ako. "It's okay Erica."

We stayed on the floor, sitting down while he was hugging me tightly.

In a few minutes, I hug him back at hindi ko na napigilan ang maiyak. Naiyak ako sa hiya, sa stress at sa takot na akala ko mamamatay na ako. Naiyak ako dahil bakit hindi ko maibaon-baon sa limot ang mga alaala na ayoko ng balik-balikan pa.

Nang makalma ko na ang sarili ko e bumitaw ako sa pagkakayakap kay Brandon at pinahid ang mga luha ko.

"Okay kana?" Nag-aalala ang kanyang boses. Napatango ako.

Inakay n'ya ako patayo at hindi binitawan ang kamay ko at dinala ako sa kusina. Pinaupo n'ya ako at saka kumuha ng baso ng tubig.

"Drink that up," nag-uutos ang kayang boses at ininum ko din naman ito. 

He sit down across me and tinitigan lang ako. For sure narinig n'ya ang sinabi ng Tita ko kaya nahihiya ako ng sobra kay Brandon.

"Pasensya kana po sa gulo," sabi ko at kinuyumos ang dulo ng t-shirt ko gamit ang dalawang kamay habang nakayuko.

"You want to talk about it?" Tanung n'ya sakin. I know he wanted to help me out pero ayoko, ayokong e share sa kanya ang sanhi ng breakdown ko.

"E te-text ko lang sina April," tumayok ako sa kinauupoan ko at tumalikod na sa kanya para pumunta sa kwarto at kunin ang cellphone.

Hinawakan ni Brandon ang aking braso at napalingon ako sa kanya.

"No more smoke," kita ko ang pag-aalala n'ya sakin kaya lang sigarilyo lang naman ang naging kakampi ko pagnag-bre-breakdown ako.

"Okay lang ako sir. Promise," nginitian ko s'ya para hindi na n'ya isipin pa na hindi ako okay.

Binitawan n'ya braso ko at napabuntong hininga. I stare at him like and was lost in his eyes. Ang init ng yakap n'ya at kung gaano ito ka sincere makes me crave for another hug. Well, I don't have to ask it from him kasi tumayo s'ya at niyakap ako ng mahigpit. Hawak ng isang kamay n'ya ang ulo ko habang dinidiin ito sa dibdib n'ya at ang isang kamay naman nasa likuran ko. I smile and thankful that someone finally see na kailangan ko rin ng comfort.

"I know your not okay. And it's okay to admit that you are not okay Erica," bulong n'ya sakin.

Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon