"I ran after you kahapon kaya lang hindi talaga kita naabotan," sabi n'ya. "You don't even look back," so ako pala talaga ang tinatawag n'ya kahapon. Sobrang nahiya ako sa kanya baka kasi iniisip n'ya sinadya ko iwala ang id at phone ko para magpapansin sa kanya. "Catch!" Sabi n'ya at ibinato sakin ang susi ng sasakyan n'ya. Muntik ko ng hindi masalo at napailing nalang ako.
"Para sa'n po 'to?" Tanung ko sa kanya na hindi ma gets kong bakit binigay n'ya sakin ang susi.
"Get your phone and ID on my vehicle. Saka pakibili na rin ng iced coffee. Siguro naman may malapit na Coffee Shop."
Napatingin ako sa kanya. I think gusto n'ya e drive ko sasakyan n'ya para bumili ng kape. Inayos ko ang tayo ko at hinila na naman ang palda ko dahil umaangat na naman s'ya pataas.
"Sir Brandon..." Napangiti ako sa kanya at ganun din s'ya. "...hindi po kasi ako marunong mag drive."
"What?" He darted his eyes on me na para bang pinaparating n'ya na napaka useless kong assistant.
"Maglalakad nalang po ako," sabi ko sa kanya para hindi naman mainis sa akin.
"Wag na," may halong inis sa kanyang boses at nababahala ako na baka hanggang ngayon araw lang ako sa pagiging Secretary n'ya. "Maglalakad ka with that skirt? Mukhang pinilit mo lang magkasya sa'yo."
Nahiya ako at the same time nasaktan sa sinabi n'ya. I wanted to buy a new set of office attire pero di kaya ng budget ko. Syempre naman kasi dami kong binabayaran kaya hindi ako makapag ipon. Napayoko na lamang ako at bumalik sa pagkakaupo. Hinayaan ko nalang na lamunin ako ng hiya. Napatingin na rin ako sa sandal ko na sobrang luma na rin.
The time pass so fast at nakita kong lunch break na. Gutom na ako pero di ko naman mahilahila ang baonan ko sa bag dahil hindi pa umaalis si Sir Brandon.
"Come with me," biglang sabi n'ya at tumayo sa swivel chair.
"Po?" Sabi ko at tumayo na rin.
"Sabi ko samahan mo ako," ulit n'ya na maypagka bossy ang boses.
"Pero lunch break na po Sir."
"Exactly. Personal assistant kita di ba? Kaya pwede kitang isama kahit saan ko gusto pumunta at kung kailan ko gusto."
Hindi na ako umimik pa at sumunod na sa kanya pagkalabas n'ya ng office.
Sakto naman na lumabas din si Mam Carme sa office n'ya.
"Saan ka pupunta? Don't tell me susuko ka na?" Tanung nito kay Brandon at palihim naman akong kumakaway sa kanya, umaasang mapapansin n'ya.
"Baka late na kaming makabalik ng assistant ko. May important lang kaming pupuntahan," sabi n'ya.
"That's good para magkakilala kayo ng lubos. Wag mo ng pasakitin ulo ko tulad ng dati sa paghahanap ng mga Secretary mo," napangiti si Mam Carme kay Brandon.
"I matured."
"Really. Okay sige. Lakad na kayo," at napangiti naman si Mam Carme habang nglakad na palayo si Brandon kasunod ako.
Napangiwi ako dahil wala man lang ginawa si Mam Carme para iwanan ako ni Brandon dun.
I thought secretary lang ako pero parang P.A ata ang kahahantungan ko sa kamay ni Brandon. Ni hindi ko nga natanung magkano ba sahod ko. Na excite kasi masyado kaya hindi ko na napagbalingan pa ng oras ang importanteng tanung.
Sumakay s'ya sa Ford Ranger at dahil sa 5'3 lang ako e nahirapan akong umakyat lalo na naka lift up ang sasakyan n'ya. Mas lalo pang nagpahirap ang palda ko na lagi nalang umaangat.

BINABASA MO ANG
Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]
RomanceSa gitna ng pakikidigma sa sarili, masasagip ba ako ng pag ibig? O tuluyan akong malulunod?