Chapter 58.

9 0 0
                                    


"Ang weird mo," sabi ni April na tinitingnan akong kumakain ng mangang hiaw na may hipon at ipinaris sa fresh milk. "Hindi ba sasakit tyan mo n'yan ha?" Tanong n'ya sakin. "Mula ng nag umpisa ka magtrabaho dto sa convenience napapansin ko lang talaga na ang weird ng eating habit mo."

"Masarap kaya," natatawa kong sabi. "Gusto mo tikman?" 

"Anong masarap? Masarap ba  partner ang balut sa peanut butter?" nanlisik ang mga mata n'ya na nangdidiri sa kinakain ko. "Nag-iiba din panlasa mo."

"Stress lang ako," sabi ko sa kanya. "Stress eating tawag nila dito."

"Stress eating? Weird eating pwede ba."

"Grabe ka naman."

"Delayed ka ba?" Biglang sumeryoso ang mukha ni April ng itanung sakin 'yon.

Napatigil ako sa pagkain ko at nagtaka kung bakit nalaman n'ya na delayed ako sa menstruation ko that month.

"Six days," sagot ko. "Bakit tinatanung mo?" 

Tinitigan lang ako ni April at lumipat s'ya ng upoan. Agad n'yang inilagay ang kamay n'ya sa t'yan ko at nako-confuse ako sa kanyang ginagawa.

"Lumalaki ba tiyan mo?" Tanong ni April at natakot tuloy ako sa mga tanong n'ya sakin. "Hindi mo ba napapansin na may pagbabago sa katawan mo?"

"Wait lang," sabi ko sa kanya.

"Buntis ka," sabi n'ya.

Possible nga na buntis ako kasi ilang araw na akong delay and the last time I slept with Brandon, he did not withdraw or wear any condom.

"Hindi naman siguro. Baka delayed lang talaga ako-"

"Tara na at bumili tayo ng preganacy test," hinila ako ni April patayo pero nagmatigas ako. "Kailangan ma confirm natin n buntis ka ba o hindi."

"Sinong buntis?" Tanong ni Thomas. "Buntis ka Love?" Tanong nito kay April.

They are dating ever since I gave April's number to Thomas. At laging sa convenience store na kung saan ako pumapasok lagi silang nakatambay. Kaya hindi na ako nagulat nadumating si Thomas. Ang kinagugulat ko lang e narinig n'ya ang sinabi ni April.

"Hindi ako," sabi ni April at nainis sa boyfriend n'ya.

"E sino?" Tanong nito sabay silang dalawa tumingin sakin.

"Wait lang ha. Hindi pa confirm na buntis ako kaya pwede ba 'wag nga kayo tumingin sakin ng ganyan," sabi ko sa kanila.

Sa pangungulit ni April, pinabili namin si Thomas ng pregnancy test. Hinintay naman namin ito sa bahay.

"Baka may plano kang sabihin sino ang ama n'yan Eca," sabi ni April na hindi mapakali habang ako e nakaupo lang sa sofa at hindi aam ang gagawin.

"Hindi nga ako buntis," giit ko kay April.

"Pustahan tayo?" Tanong n'ya sakin.

"Ang kulit mo," nagpang abot na ang kilay ko at nakanguso na ako sa inis ko sa kanya.

"Brandon o si Paul? Sila lang naman dalawa ang nalapit sa'yo e," tinabihan ako ni April at napatingin ako sa kanya. "Mas mabuti pa sabihin mo sakin ng matulungan kita. Hindi yong magpa-puppy look ka lang d'yan."

"Oh ito na!" Napatayo agad si April sa kinauupoan ng iniabot ni Thomas ang pregnancy test na pinabili namin.

"Pag positive ibibigay mo ang isang kwarto sa amin ni Thomas. Pag negative, syempre ililibre ka namin ng pizza," hinawakan ni April ang kamay ko at hinila na papunta sa CR.

"Thomas gaga talaga 'tong girlfriend mo e!" sigaw ko.

"Kaya love ko 'yan Erica!" sigaw din nito.

Agad n'ya akong pinapasok sa banyo at ibinigay ang isang pregnancy test. 

"Ayan na po," sabi ko at iniabot sa kanya ang PT.

"D'yan ka lang may tatlo pa e," nang-gigigil si April sakin at natawa lang ako.

"Ano na?" Tanung ko at sinilip s'ya.

"Positive Eca!" sigaw n'ya. "Try mo ulit."

Nag try ako ulit mag PT kasi hindi rin ako makapaniwalang positive ang lumabas. Sa second try namin positive na naman kaya sumubok pa ako ng isa pa at tulad ng mga naunang result, positive pa rin.

"May isa pa ako dito pero bukas ng umaga mo na e try 'to. Sabi kasi nila mas maganda ang resulta pag kagigising mo lang."

Para akong sinakloban ng langit at lupa. Hindi ko nga ma feel ang mga paa ko habang naglalakad ako pabalik sa sofa. Nang maupo na ako, umiyak nalang ako ng umiyak kasi bukod sa natatakot ako, hindi ko alam ano ang gagawin ko, e hirap nga akong mataguyod ang sarili ko.

Binigyan ako ni Thomas ng isang baso ng tubig at ininum ko naman agad ito para kumalma.

"Hindi mo ba talaga sasabihin sa amin sino ang tatay ng anak mo?" Tanung ni April.

"Hindi na importante kung sino ang ama n'ya. Ang inaalala ko lang paano ko naman s'ya mabibigyan ng magandang buhay," sagot ko naman.

"Bakit hindi mo sabihin sa nakabuntis sa'yo ang situation mo para naman malaman n'ya at baka matulongan ka n'ya," suggest ni Thomas.

"Ayokong idagdag pa ito sa problema n'ya Thomas," sabi ko naman.

"Punta ka nalang kaya sa US. Di ba pinangakoan ka naman ng Mama mo dati na tutulungan ka n'yang makapunta dun basta alagaan mo lang kapatid mo," sabi ni April.

"Plan B na 'yan Love," sabi ni Thomas na against sa suggestion ni April.

Oo nga naman. hindi ko makakalimutan ang sinabi ni Mama sakin na dadalhin n'ya rin ako dun pag inalagaan ko si Brylle. Siguro naman pwede ko ng singilin sa kanya iyon. Pumayag na nga akong hindi kami mag sabay na umalis ni Brylle kasi hindi kasya ang kanyang pera para sa pamasahe namin. Saka ready na ang papers ko at any time pwede na akong umalis.

"Plan B? E ano ang Plan A?" Tanong ni April sa nobyo.

"Plan A, sabihin sa nakabuntis na kanya na dinadala n'ya ang anak nila. Tapos pag ayaw n'ya e di go sa Plan B which is pumunta sa US. At pag gusto n'ya at mananagot s'ya e di happy ending," sagot ni Thomas. "Ano sa tingin mo Erica?" Napatingin si Thomas sa akin.

"Pag-iisipan ko pa kung sasabihin ko sa kanya na buntis ako," natatakot kasi ako na puntahan si Brandon at sabihin sa kanya na dinadala ko ang anak n'ya.

"Pa check up ka muna sa doctor para may back up ka just in case ayaw n'yang maniwala sa PT," sabi naman ni April.

Tama nga naman, dapat magpatingin muna ako sa doctor. Baka mali lang kasi ang PT. Saka lang ako maniniwalang buntis ako pag doctor na mismo ang magsabi.

I asked April and Thomas na 'wag muna ipagsabi ang tungkol sa pagbubuntis ko lalo na hindi pa naman sure. I know I can trust them kaya panatag ang loob ko. Waiting din sila sa magiging result ko sa pagpapatingin sa OB-Gyne kasi dun nakasalalay ang pag approve ko na pwede silang mag rent sa bahay.

Sobrang gulo rin ng utak ko if sasabihin ko ba kay Brandon o hindi. Nakakatakot lang kasi na baka sabihin n'ya na hindi n'ya kayang akoin o panagutan ang pinagbubuntis ko dahil kay Cathy. Ayoko rin naman ng gulo but then if I am realy preganant, deserve naman siguro ng pinagbubuntis ko ang magkaroon ng ama.


Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon