Chapter 20.

8 0 0
                                    

Nakatitig na si Brandon kay Josh, at nagulat din si Josh sa pagdating ni Brandon. Dapat lang talaga magulat s'ya kasi ang alam n'ya e boyfriend ko si Brandon.

"May problema ba?" Mahinahon na tanung ni Brandon sa akin at hindi inalis ang mga mata kay Josh.

"Wala naman," sagot ko at napayakap sa kanya kasi sobrang thankful ako na andun s'ya.

"Salamat Bro for walking my girl home," sabi ni Brandon at hinalikan ako sa noo ng kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Hindi ko s'ya sinamahan para ihatid. Hinahabol ko s'ya kasi kinukuha ko na s'ya ulit," natatawang sabi ni Josh. "Halata naman hindi ka n'ya mahal. May pera ka lang kaya kumakapit 'yan na parang linta sa'yo. Kahit may pera ka, alam ko ako pa rin naman mahal ni Eca," sobrang confident ni Josh na sabihin 'yon. 

Napatingala ako kay Brandon at inakbayan ako at napangiti din s'ya,  well not a full smile. He gives him a smirk and kept looking at Josh with his tiger look.

"Wala akong paki sino ang mahal n'ya. As long as she's on my side, I'm okay with that," akala mo naman totoo talaga na kami. The way Brandon speaks, para talaga akong girlfriend n'ya.

"Sa akin ka pa rin babagsak Eca. Tandaan mo, alam ko rin ang hindi alam ng lahat," may pagbabanta sa boses ni Josh and yes, natakot ako kasi totoo naman na may alam s'yang bagay na pinakakatago ko na hindi alam ng ibang tao.

"Tara na," sabi ko kasi ayokong umabot pa sa kung saan-saan ang usapan.

Hindi na kami nagpaalam pa kay Josh.

Inakbayan ako ni Brandon hanggang sa makaabot na kami sa gate ng bahay. All the way tahimik lang s'ya at ganun din naman ako.

Pagpasok namin ng bahay at napatingin ako sa kanya, bigla nalang naalala ko 'yong init ng halik n'ya sa noo ko.

I swallow the lump on my throat at napapunta sa kusina para uminum ng tubig.

"I been calling you and texting you-"

"Silent cellphone ko," sabi ko at nagkunwaring iinum pa ng isang baso ng tubig kasi hindi ko magawang lumingon sa kanya.

"Buti nalang nakita ko 'yong empty box ng sigarilyo mo kaya naisipan ko baka nagpunta ka sa kanto para bumili ulit ng isa pang box."

"Ah oo. Kaya nga ako lumabas. Tapos ayon napainum ng kaunti. Pangtanggal ng stress," sabi ko at payukong naglakad papunta sa kwarto.

"Erica," tawag n'ya sakin at napapikit mata nalang ako habang hawak ang door knob ng pinto sa aking kwarto.

"Sir," tugon ko naman na walang balak lumingon.

"May problema ba?" Tanung n'ya.

"Wala naman po," nahihiya kong sabi kahit na meron talaga.

"Umiiwas ka ba sakin?" Tanung na naman n'ya at nag decide ako humarap sa kanya pero hindi ako tumingin sa kanyang mga mata.

"E kasi... Ano sir e... Kasi..." hindi ko s'ya masagot kasi hindi ko alam paano s'ya sasagutin.

"Kasi ano?" Tanung n'ya sakin at napakagat labi ako sa kaba.

"Napaka awkward kasi."

"Awkward? What's awkward? Is that something to do with what we talk last week?"

Oo nga pala, hindi pala kami nag iimikan at nag iiwasan kami ng dahil lang sa kung ano ang pangalan ko sa cellphone n'ya. Kaya siguro mas naging awkward ang situation tapos idagdag pa na nakita n'ya akong mag breakdown kanina. 

"Kasi... 'yo... 'yong yakap na magkatabi tayo. Ta... Tapos 'yong mga sunod sunod na yakap pa. Ngayon naman... Ano... Hinalikan mo ako... Sa noo," nahirapan akong sabihin sa kanya dahil sa hiya at baka sabihin n'yang feeler ko naman e para sa kanya wala lang 'yon. Saka 'yon lang ang sinabi ko kasi ayokong pag usapan ang nangyari last week o ang breakdown ko. "Awk....ward."

Beautiful Scars (You & Never) [ Completed Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon